𝐂𝐗𝐗𝐗𝐈𝐈

281 15 6
                                    

• • • • ☾︎ axle's pov

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at tumambad sa akin ang kulay lila na langit.

Itinukod ko ang kamay ko sa sementadong sahig upang maiangat ang katawan ko at makaupo. Saglit na kumirot ang ulo ko pati na rin ang sugat ko sa may tagiliran saka naging malinaw sa akin ang lahat.

Kagabi, nagpunta kami ni tito kina Freya. At may nagligtas sa amin.

Nandito ako ngayon sa gitna ng kalsada kaya sa tingin ko dito ako iniwan ng mga nakaitim na lalaki kagabi.

Shit.

Si Jacinth! She saved us!

Anong ibig sabihin non? How the hell did she save us!

Topher is already a demon. Alam ko na ang mga bagay na maaari niyang gawin. Anong ginawa niya kay Jacinth? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari man masama sa kanya.

Dali-dali akong tumayo at napagtanto ko na nasa siyudad pa rin ako kung saan nakatira si Freya.

I need to go back there! Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari.

Buong bilis akong tumakbo kahit hindi ko sigurado ang daan na tinatahak ko at kahit sumasakit ang sugat ko sa tagiliran. Medyo nakabisado ko naman ang daang dinaanan namin kagabi ngunit hindi pa rin ako masiyadong sigurado rito.

Papasikat na ang araw ngayon. Tanda na masiyadong matagal ang pagkakatulog ko. Matapos sabihin ni Topher na iniligtas kami ni Jacinth, wala na akong natandaan pa.

Ramdam ko na ang butil butil na pawis na namumuo sa noo ko. Wala akong pakialam kung mukha na akong gusgusin ngayon. Kailangan kong makabalik.

Ilang minuto lamang ang nakararaan, tinatahak ko na ang isang pamilyar na street. Ito na ang street kung nasaan ang bahay nila Freya.

Mula sa kabilang parte ng kalsada, nakita ko rin ang isang babaeng humahangos habang natakbo. Parehas kami ng tinatahak, saka ko lamang napagtanto na si Freya pala ito.

"Freya!"

"Axle!"

Sabay naming tawag sa isa't isa.

Kaagad kaming lumapit sa isa't isa at tumigil saglit upang huminga. Humihingal kaming tumingin sa isa't isa.

"A-anong nangyari..." tanong ko sa kanya.

"Si J-jacinth..."

Sabay kaming napatingin sa bahay nila. Kaagad naming tinungo ito at pagkabukas pa lamang namin ng pintuan, tumabad na sa amin ang napakagulong lugar.

Kaagad naming nilibot ang buong bahay ngunit wala kaming nakita kung hindi ang walang malay na katawan ng tito ko.

Shit. Nasaan na sila? Nakila Jacinth na ba? Nahuli ba kami?

Tumawag kaagad kami ng ambulansya at ng pulis, at sa pambihirang pagkakataon, kaagad silang dumating.

Inalalayan nila kami papunta sa ambulansya.

Pero papaano si Jacinth?

Nag-iisa lamang siya doon, paano siya?

Pagkatapos lagyan ng nurse na lalaki ng paunang lunas ang sugat ko. Kaagad ko siyang tinulak at tumakbo papalabas ng ambulansya.

"Axle!" rinig kong sigaw ni Freya ngunit hindi ko na siya pinansin.

I need to save her.

I need to save Jacinth.

*𝐇𝐄𝐋𝐏# | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon