𝐂𝐗𝐗𝐗𝐈𝐗

294 17 14
                                    

FREYA

Theft.

Destruction of Properties.

Arson.

Rape.

Parricide.

Homicide.

Murder.

Hindi pa rin pumapasok sa isipan ko na ganito na karami ang mga krimen na nangyayari sa lugar kung saan ako nakatira nang magsimula na ibalita ang dalawang patay sa warehouse.

Magkakasunod ang kaliwa't kanan na nga aksidente at insidente at hindi na malaman pa ng pulisya kung ano rito ang sinadya at hindi sinasadya.

Hindi ko alam na ang dating normal ngunit modernong pamumuhay dito sa Quezon City ay magiging ganito kagulo ngayon. Hindi ko ineexpect na magmula nang si Axle ay...

No. Bakit ka ganyan mag-isip Freya? He's still your friend after all, right?

Ayoko mang isipin na ang lahat ng ito ay may kinalaman sa pagrerebelde ni Axle, pilit na sumasagi ito sa isipan ko at paulit-ulit na umuugong sa tainga ko na para bang isang multo ng nakaraan na nanghihingi ng hustisya.

Hustisya na hindi ko kayang maibigay. Because I love him...

Not just a friend but more than that.

But I'm not the one who captured his heart.

It was my bestfriend, Jacinth.

And it's okay.

Kuntento na ako kung anong mayroon kami ngayon. Okay lang sa akin kung hindi niya maprotektahan ang sarili niya. That's how selfless I am when it comes to love.

That's what love really is naman 'diba? Love is about making sacrifices for your loved ones. It's about accepting pain as a result of your unrequited love.

Isa lang ang pinagsisisihan ko.

I swore to protect him.

Hindi ko alam kung ang pinagsisisihan ko ba ay ang pagprotekta ko sa kriminal na katulad niya o dahil hindi ko man lang siya mailigtas sa kinasasadlakan niya ngayon na parang balewala ang ipinangako kong pagprotekta sa kanya.

Natuon ang atensyon ko sa malakas na telebisyon at napailing na lamang ako nang makita kong may namatay na naman. At sa hindi inaasahang pagkakataon, isa na naman itong babae.

Nitong mga nakaraang araw, pulos mga babae ang biktima ng mga ito. At sa iisang paraan lamang sila pinatay. Kinakabahan ako dahil naiisip ko na posibleng si Axle and may gawa noon. O kung hindi man siya, kinakabahan naman ako sa kaligtasan ko at ng ibang babaeng kagaya ko lalo na't palagi akong gabi umuuwi.

Tulad ngayon, kailangan kong magcommute pauwi sa bahay dahil wala naman akong kotse. I'm working on an office and we need to extend so we could prepare for our presentation bukas.

Mga makapangyarihan na mga tao ang lalahok sa board meeting bukas so we need not to disappoint them. Malaki rin ang tyansa na maging employee of the month dahil rito o hindi kaya ay mapromote sa mas mataas na puwesto. I can't lose this chance.

Pagkatapos kong mailigpit ang lahat ng gamit ko sa desk ay dali-dali na akong lumabas para umuwi na. Ngunit sa kasamaang palad, halos walang nadaan na mga sasakyan at kung mayroon man ay nay nga sakay na ito kaya wala yata akong ibang pagpipilian kung hindi maglakad na lamang hanggang sa may humintong sasakyan sa akin.

Madilim ang paligid at ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin dahil sa hindi natatagong balat ng suot kong blusa at pencil skirt. Masiyado ring kalmado ang buong daanan na para bang ang nga tunog lamang ng kuliglig ang maaaring makapagpasira sa katahimikan ng gabing iyon.

*𝐇𝐄𝐋𝐏# | completedWhere stories live. Discover now