Simula

118 9 0
                                    

Simula

Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko na rin alam kung papaanong huminga ng malalim habang nakatayo sa harapan ng stage ngayon at tinatanggap ang aking medalya. Graduation ng senior high at isa ako sa mga honors.

"Congratulation!"

"Congratulation!"

Nakipagkamay ako sa mga guro at maging kay Dean Luistro na nangiwi nang makita ako. Alam kong sa loob ng dalawang taon ko sa Senior High ay sakit ako sa ulo ng Arc University Senior Highschool Department. Kaya naman hindi na nakapagtatakang ganon na lang ang maging reaksyon niya.

"Sir naman!" Nakangusong reklamo ko nang iabot sa akin ng nakasimangot ni Dean ang diploma ko.

"Kung ako lang ang masusunod, hindi kita paaakyatin dito."

"Dean!"

Doon na napatawa ang Principal. "Biro lang, congratulation hija."

Nangiti na lang ako bago humarap sa mga tao dahil kukunan ng litrato. Masayang ipinakita ko naman ang diploma ko at medalya sa leeg sa harap ng camera.

"Hija, usod ka ng konti."

"Ito po?"

"Hindi usod pa, gitna ka."

Madali ko namang sinunod ang utos niya at gumitna. Gayunpaman nang magbaba ako ng tingin sa mga audience sa baba ay natigil ang paningin ko sa iisang lalaki. Nakasuot siya ng puting toga kagaya ko. Tahimik na nakaupo sa isang gilid at naghihintay ng oras niya ng pagakyat. Kung titingnan, tila supladong-suplado ito at ayaw makipagusap sa katabi bagamat maraming nagtatangkang kausapin siya. Hindi rin naman maipagkakailang magandang lalaki ang lalaking tinitingnan ko ngayon dahil maputi at talaga matangos ang ilong niya. Idagdag pa ang singkit nitong mata na kung ikukumpara sa mata kong malaki ay tiyak na masasabing sobrang laki ng mata ko.

Kapag tumingin ka akin ka! One... Two....

Subalit nakakadalawa na ang bilang ko sa isip ay hindi pa rin nagtatagpo ang mga mata namin. Doon na ako napangiwi.

Two in sixteenth... Two in eighth... Two in forth... Two in half...

Pero kahit anong gawin ko ay walang nangyari.

Tumingi ka please!

Negative 5... Negative 4... Negative 3...

Ngunit kahit yata bilangin ko lahat ng negative ay hindi ito lilingon. Bakit nga naman ako lilingunin ng isang lalaking kagaya niya?

Doon na ako napanguso.

"Ngiti ka hija para maganda ka sa picture." Nagbalik ang tingin ko sa camera man nang dahil doon at pilit na ngumiti. Mukhang napansin iyon ng camera man kaya natawa ito. "Hindi ka ba masaya na gagraduate ka na?" Sa tanong ni Manong ay hindi ako nakasagot. Masaya naman ako, gusto ko lang talagang tumingin sa akin ang lalaking gusto ko. In the end ay natawa na lang ako bilang sagot. "Ayan! Ganiyan lang hija."

Sa huling pagkakataon ay nilingon ko siya. Umaasang lilingunin niya din ako. Umaasang magtatagpo ang mga mata namin. Umaasang sa pagkakataong ito ay ngingiti siya bilang pagbati sa akin ng congratulation. Umaasang nakatingin siya sa akin sa mga oras na hindi ako nakatingin sa kaniya at hindi nga ako nagkamali.

Nang magtagpo ang mga mata namin ay tila dumagundong ang puso ko. Para akong kinapos ng hininga isang bagay na pangkaraniwan ko nang nararamdaman sa tuwing maglalapat ang aming mga mata.

Akala ko iyon na ang ikagugulat ko, hindi ko naman akalaing madadagdagan pa iyon nang kumindat siya. Bagay na kahit na sino ang tanungin mo sa Unibersidad na ito ay hinding-hindi nito gagawin.

Natawa na tuloy ako at inangat ang diploma ko habang nakatingin sa kaniya. Doon na siya ngumiti na tila proud na proud sa akin habang saglit na pumalakpak pa.

"Teka, nakita mo ba 'yon? Kumindat ba si—"

Dahil sa ingay ng tumutugtog na graduation march ay hindi na halos magkarinigan ang mga tao mula sa stage.

"Huh? Baliw ka ba? Baka namamalikmata ka lang. Antok lang 'yan."

Gayunpaman ay narinig ko ang bulungan ng mga katatapos lang tumanggap ng diploma kagaya ko.

Hindi ko na napigilan ang pagngisi sa pagkakataong iyon bago humarap sa camera at tuluyan nang nagpakuha ng litrato.

Gustong-gusto ko talaga siya!

When did it all start? When is that again? I honestly don't even remember. If you think about it, I've done so much embarrassing act just to get your attention. However, in that way I got to know the real you, my sweet prescription.

I M _ V E N A

Sweet Prescription Where stories live. Discover now