Kabanata 1

85 8 0
                                    

Kabanata 1

May 29, 2018

Tuesday, Morning

Maraming nagsasabi na mas mabilis daw ang pag-ma-matured ng mga babae kaysa sa mga lalaki. Isang halimbawa na doon ay mas nauuna ang mga babaeng makaramdam ng attraction sa isang lalaki dahil mas ginagamit ng karamihan sa kanila ang emosyon. Noon ay hindi ko iyon maintindihan. Kahit anong pagpapaulit-ulit ni Ate Vena na sabihin iyon ay wala namang pumapasok sa isip ko tungkol doon. Tagalog din naman ang lengwaheng ginamit niya pero hindi ko talaga maunawaan. Pakiramdam ko tuloy ay para lang sa mga matatalinong kagaya ni Ate Vena ang bagay na iyon. Pero sa pagkakataong ito, parang naiintindihan ko na.

" xǐhuān ." Ngiting-ngiting naiusal ko iyon habang nakaharap sa salamin. Pumipikit-pikit pa na tila pinapupungay ang mga mata.  Bahagya ko pang inginunguso ang mga labi kong pulang-pula. Maging ang bangs kong bagong gupit ay bahagyang inayos ko pa. Pakiramdam ko ay ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

Nang tumayo ako ay nagkandalaglag pa ang mga make up na pasimple ko lang kinuha sa ilalim ng kama ni Ate Ara. Natitiyak kong mata lang ang walang latay sa akin kapag nakita niya iyon. Pero asa naman na makikita niya 'no!

Binalingan ko ang naka-lock na pinto at muling napangiti.

Safe!

Muli ay masaya akong magpaikot-ikot sa kinatatayuan kaya naman bahagyang humawi ang kumot na pinagtatali ko sa katawan para gawing gown. Tuwang-tuwa talaga ako sa hitsura ko ngayon. Hindi ko mapigilang ihantulad ang sarili kay Shen Yue. Well, katatapos ko lang din kasing panoorin ang drama niya at dahil doon ay parang gusto ko na talagang maging siya. Ultimo ang speaker na nasa kwarto namin ngayon ay tumutunog ng OST song ng naturang Chinese Drama. Panay tuloy ang masayang pag-awit ko bagamat hindi naman tugma sa liriko ng kanta. Hindi ko pa napigilang gamitin ang hawak na suklay at gawin iyong parang mic.

Subalit ang kasiyahan ko ay natigil nang biglang bumukas ang pinto.

Teka ni-lock ko iyon 'diba?

Mabilis na lumipad ang tingin ko sa pinto at doon bumungad sa akin ang ngingisi-ngising mukha ng isang morenang babae na hindi katangkaran. May dala siyang susi na mukhang ginamit sa pagbubukas ng ni-lock kong pinto.

"Huli ka! Anong ginagawa mo?" Doon na tila naglaho ang lahat ng kasiyahan ko. Saglit kaming nagkatitigan hanggang sa bigla na lang siyang tumawa ng malakas.

Nakakabwiset talaga.

"Ano 'yan? Ang panget mo!" Tawang-tawa pa siya na para bang isang nakakatawang bagay ang kaniyang biglang nasaksihan.

Vena Montecillo ang pangalan niya at oo, ate ko siya. Maniwala man kayo sa hindi, magkapatid talaga kami. Grade 10 na siya habang Grade 7 naman ako sa darating na pasukan. Sabi ni mama kabal tae daw si Ate, marahil ay iyon ang dahilan kung bakit sobra siyang makapangasar.

Tumalim ang tingin ko. Hindi naman ako papayag na lait-laitin niya ang pagmumukha ko!

"Palibhasa kambal tae ka kaya hindi mo alam kung paano tumingin ng pangit sa dyosa!" mapangasar na banat ko din. Pero imbis na mainis ay tumawa lang ulit siya ng tumawa.

Hala nabaliw na!

Hindi ko na lang dapat siya papansinin nang muli siyang umimik.

"Kay Ate Ara iyang make up kit na iyan 'diba?" Sa puntong iyon ay tumigil ang pag-inog ng mundo ko. Maging ang mga mata ko ay hindi na mapakali. Lumakas ang tibok ng puso ko. Natitiyak ko na ang sunod na mangyayari. Napapakamot na tumingin ako sa kaniya. Bahagya pa akong nagpa-cute. Nagpapaawa.

Sweet Prescription Where stories live. Discover now