Kabanata 4

50 6 2
                                    

Kabanata 4

June 3, 2018
Sunday, Morning

Ang bawat isa sa atin ay may matalik na kaibigan. Bagamat masasabi natin na lahat naman ng kakilala natin ay kaibigan natin ay may natatangi sa isa sa kanila. Iyon iyong taong nalalapitan mo kapag may problema. Taong nasasabihan mo ng mga sekreto at siyang taong susuporta sa lahat ng desisyon mo.

"Mika balak ko nang umamin kay Josaiah!" buo ang loob na saad ko sa harapan ng kaibigan ko. Matangkad siya at staight ang buhok. Maganda at hinahangaan ng lahat noong elementary kami. Matalino pa at talagang mabait. Medyo bully nga lang siya sa isang tao, kaya lang hindi niya iyon alam bagamat lahat kami ay alam iyon.

"Nahihibang ka na ba Julia! Aamin ka kay Josaiah? Ni hindi ka nga pinapansin niyon!" bulyaw niya bigla sa akin. Napanguso na lang tuloy ako. Totoo naman na hindi ako pinapansin ni Josaiah pero kasi, baka sakaling kapag umamin ako ay pansinin niya na din ako.

Mukhang napansin naman ni Mika ang pagnguso ko kaya naman napabuntong hininga na lang siya.

"Hay naku talaga! Sige na bahala ka tsk! Kailan mo naman balak umamin?" Sa tanong niyang iyon, alam ko na agad na ano man ang gawin ko ay susuportahan niya.

Napangiti ako.

"Sa first day ng klase natin!" malakas ang loob na turan ko. Bahagya ko pang pinagagalaw ang mga kilay ko. Narito ako ngayon sa bahay nila. Malapit lang naman kaya pinayagan ako nila Mama.

"Bukas agad? Baliw ka ba?" Nanlalaki na ang mata niya. Napabungisngis na lang ako. "Baliw ka nga."

Tama, bukas na ang first day of class. Hindi naman nagtagal si Josaiah sa hospital at agad din siyang naka-recover. Masaya ako dahil ibig lang sabihin niyon ay sabay ulit kaming papasok. Kaya naman nitong mga nakaraan naisipan kong mag-confess kagaya lang ng ginawa ni Xiao Xi kay Jiang Chen.

Bagamat dismayado ay tinanong pa rin ni Mika ang plano ko. Sinabi ko naman agad sa kaniya na gagayahin ko si Xiao Xi.

"Alam ko naman na may sayad ka pero friend, reality 'to hindi drama!" tuluyan na siyang sumigaw. Maigi na lang at nasa loob kami ng kwarto niya.

"'Wag ka ngang maingay." Sa suway kong iyon ay bumaba agad ang boses niya.

"Ang akin lang naman Julia, hindi ka si Xiao Xi. Hindi mo rin pwedeng i-script ang lahat! Baliw ka!" Napasimangot na lang tuloy ako sa sinabi niya.

"Ah basta! Gagawin ko pa rin, " taas kilay na saad ko. Nakita ko ang pag-irap niya. Gayunpaman ay sinalinan niya pa rin ng coke ang baso ko at binigyan ako ng tinapay.

"Hayan kainin mo!" Natawa na lang ako sa inaasta niya. "Dapat pala kape ang ibinigay ko nang nerbyosin ka!" Inirapan ko na lang siya dahil doon.

June 4, 2018
Monday, Morning

Akala ko ay buo na ang loob ko kahapon pero iba pa rin pala kapag personal na. Kahapon ay buo ang loob at isip ko sa plano kong gawin pero ngayon ay parang nagdadalawang isip na ako.

"Ano na bosh? Ang tagal mo d'yan! Lumabas ka na natatae na ako!" Napabuntong hininga na lang ako at tinapos ang pagsasabon ng katawan. Nagbanlaw bago lumabas ng banyo. Pagbukas ko pa lang ay pumasok na si Ate Vena. Napairap na lang ako, umagang-umaga ay naiirita na ako sa kaniya.

Nagkibit balikat na lang ako at tumuloy na sa kwarto para magbihis. Nang matapos ay obligado na si Ate Ara na ipitan ako bagamat 'di naman kahabaan ang buhok ko. Sabi kasi ni Mama malinis daw tingnan ang nakapuyod kaya naman bagamat maikli ay nagpapuyod pa rin ako.

Sweet Prescription Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang