Kabanata 2

57 7 2
                                    

Kabanata 2

May 29 2018
Tuesday, Evening

Sa magkakapatid hindi talaga daw maiiwasan ang pagaaway. Ultimo maliliit na bagay ay sadyang mapagtatalunan. Tila isa na iyong ritwal sa tahanan na hindi na maiiwasan.

"Ano ba ang sikip! Umisod ka nga doon!" Napapikit na lang ako sa inis nang marinig iyon mula kay Ate Vena. Kanina pa siya paisod nang paisod konti na lang ay mawawala na ako sa latag. Iritadong itinulak ko na lang tuloy siya kaya naman nadanggi niya si Ate Ara.

"Ano ba kayo ang gulo ninyo!" Napanguso na lang tuloy ako.

"Si Ate kasi!"

"Anong ako? Ang sikip-sikip nga kasi! Tingnan mo iyang parte mo napakadaming space—"

Hindi na natapos ni Ate Vena ang sasabihin niya nang biglang sumigaw si Mama mula sa kabilang kwarto.

"Isa pa! Kapag hindi kayo natulog diyan sa labas ko na kayo patutulugin!" Doon na kami natahimik. Pairap na tinalikuran ko na lang sila.

Ngayong gabi ay hindi kami pinayagan ni Mama na gamitin ang mga kama namin. Sa sahig lang daw kami matulog dahil mga pasaway kami. Nang magreklamo ako pati bentilador ay ayaw na niyang ipagamit sa amin. Wala na tuloy kaming nagawa kung hindi magsiksikan sa sahig ng kwarto. Pasalamat na lang kami at hindi masyadong malamok ngayon.

Tumagal ng ilang minuto ang pagkakapikit ko pero hindi kagaya ng nakasanayan na madali akong nakakatulog. Ngayon ay talagang pahirapan. Kaya naman imbis na pilitin ang sarili ay tumayo na lang ako at kinuha sa loob ng kabinet ang notebook na pinakatatago ko. Sinulyapan ko pa sila ate ngunit tulog na talaga sila kaya naman nagpasya na akong lumabas ng kwarto.

Simple lang ang bahay namin. Hindi ganon kalaki at kaengrande. Isang bahay na bato na may dalawang kwarto, isang banyo, isang kusina, dinning area at sala. De-tiles ang sahig at may terrace sa harapan.

Hindi na ako nag-abalang buksan ang mga ilaw dahil hindi ko gugustuhing magising pa si Mama. Nagdiretso na lang ako sa labas at doon naupo. Matapos ay sinimulan ko na ang magsulat.

May 29, 2018

Dear Josaiah,

Ngayong araw nakita kita sa bintana ng kwarto mo. Masayang-masaya talaga akong makita ka. Pero dahil dakilang salbahe ka, pinagsarhan mo lang naman ako ng bintana. Tss! Salbahe! Hahaha pero bakit ganon? Bakit parang mas lalo lang kitang nagugustuhan? Siguro ay talagang gusto lang talaga kita Josaiah. Ano na lang kaya ang gagawin ko? Magustuhan mo rin kaya ako? Hmm.. Paano mo kaya ako magugustuhan?

Love Julia,

Napahinga ako ng malalim matapos isulat iyon. Ilang taon ko na ding ginagawa ito at hindi ko na din alam kung kailan ito matatapos. Gayunpaman ay masaya ako at nag-e-enjoy ako kaya naman okay lang din naman siguro ito.

Sa puntong iyon ay hindi ko tuloy maiwasang hindi magbalik tanaw sa unang beses na magkakilala kami ni Josaiah.

December 03 2008
Wednesday, Afternoon

"Julia 'wag kang magkalkal ng lupa diyan. Madumi iyan!" saway sa akin ni Mama. Subalit dahil dakilang pasaway ay hindi ko siya inintindi. Sa totoo lang ay malaki ang pagtataka ko kung bakit narito kami ngayon sa ibang bahay. Hindi naman ito ang bahay namin. Wala dito ang mga dati kong mga kalaro. Wala akong kalaro dito.

Sweet Prescription Where stories live. Discover now