Kabanata 3

62 5 0
                                    

Kabanata 3

May 31, 2018
Thursday, Morning,

Sa araw-araw na buhay ang pinakainaayawan ng lahat ng mga anak ay ang mga utos ng magulang. Aminin man natin o hindi talagang nakakasawa at nakakairita kapag ganon lalo kung may ginagawa ka at ikaw na lang ng ikaw ang nauutusan.

"Julia magwalis ka! Pagkatapos maghugas ka ng plato saka iyong sinampay pinawin mo na rin!" Napabuntong hininga na lang ako sa sunod-sunod na utos na iyon ni Mama. Hindi pa nga ako natatapos sa pagpispis ng gabok sa bahay ay may panibagong utos na naman siya. Barino kong binalingan ng tingin ang pintuan ng kwarto namin na ngayon ay nakasarado. Naroon sa loob si Ate Vena at puspos sa pagaaral. Gayundin naman si Ate Ara na nasa sala at abala sa pag-la-laptop.

"Mama sila ate naman!" pahiyaw na reklamo ko. Konti na lang ay iisipin kong may favoritism siya.

"Kita mong nagaaral ang mga ate mo! Tapusin mo na 'yan nang mahugasan na ang mga plato!" hiyaw rin ni Mama pabalik. Kasalukuyan siyang nasa kusina at nagluluto. Inis na nagulo ko na lang tuloy ang magulo ko nang buhok. Nakakainis na talaga! Katatapos ko lang kumain ng agahan sunod-sunod na agad ang utos niya.

Binalingan ko naman ngayon ang ama kong nakaupo sa lamesa at abala sa pagbabasa ng diyaryo. May kalabuan na ang kaniyang mga mata kaya naman nakasuot siya ngayon ng eye glasses. "Daddy!" tawag ko dito. Humihingi ng simpatya.

Subalit ni hindi man lang ako nito nilingon. Itinaas lang niya ang kamay niya na tila nantataboy. "Sumunod ka na lang, " malumanay na turan niya pa.

Wala na finish na!

Padabog ko na lang na tinapos ang pagwawalis para makapaghugas na ng plato at mapinaw na ang mga sinampay. Hindi na ako nagtaka nang ako na din ang kanilang pinaghain para sa pananghalian. Nakaka-badtrip na talaga ito! Buong bakasyon ay ako na lang yata ang inuutos-utusan nila. Konting-konti na lang din talaga ay iisipin kong ampon lang ako.

"Kakain na po!" malakas na hiyaw ko matapos makapaghain. Hindi naman ako naghintay nang matagal dahil agad naman na silang nagdatingan para sa pananghalian. Nagluto ng tinola si Mama na siyang inihahain niya ngayon.

"Ayan, masarap 'yan. Kain na tayo." Bahagya pang sumulyap si Mama sa pinto ng kwarto namin kung saan naroon si Ate Vena at hindi pa rin lumalabas. "Batog! Kakain na."

"Wait lang ma! Patapos na po!" Napairap na lang ako. Na-i-imbyerna talaga ako sa kaniya. Maigi pa siguro ay ikain ko na lang ito.

Akmang uupo na ako nang bigla na naman akong tawagin ni Mama. Natitiyak kong may iuutos na naman siya. Busangot na tuloy agad ang mukha ko.

"Po?"

"Ayusin mo iyang mukha mo Julia at dalhin mo sa mga kapit bahay natin ang ulam na ito." Napasimangot ako lalo nang makita ang tatlong tupperware na may mga tinola. Nahihinuha ko na ang gusto niyang gawin ko. Ibibigay ko ito sa mga kapit bahay namin habang sila ay kumakain. Mukhang totoo na talaga ito, ampon nga lang talaga ako.

"Ma, ampon ba ako?" Sa tanong kong iyon ay agad nasamid si Daddy sa kaniyang paginom ng tubig. Pumalahaw naman ng napakalakas na tawa si Ate Ara. Habang si Mama ay poker face na para bang isang kahangalan ang binitawan kong salita. Hanggang sa bigla na lang niya akong hinampas na may kasamang pagkurot pa.

Sweet Prescription Where stories live. Discover now