Kabanata 7

33 5 0
                                    

Kabanata 7

June 07, 2018
Wednesday, Morning

Sabi nila kapag may tyaga may nilaga. Kaya naman bagamat masakit talaga ang nangyari sa akin kahapon ay narito pa rin ako at naghuhulog ng panibagong reseta sa basket ng bike ni Josaiah. Walang sukuan ito! Laban!

"Julia?" Halos mapatalon ako nang marinig ang boses ni Auntie Myla. "Julia ikaw ba iyan?" Doon na tila huminto ang mundo ko. Naman! Lagot na talaga! "Julia ikaw nga! Anong ginagawa mo dito?" Napakagat na lang ako nang labi nang makita si Auntie Myla na palapit sa akin. Agad ko na siyang sinalubong para hindi niya mapansin ang hinulog kong reseta.

"Wala lang po balak ko po kasing sumabay ngayong araw kay Josaiah." Maagap na palusot ko. Wish ko lang sana makalusot.

"Ganon ba? Teka kumain ka na ba nang agahan?" Tatango na sana ako para sabihing nakakain na ako nang bigla na lang sumigaw si Mama mula sa bahay.

"Julia kakain na!" Para tuloy kaming nasa bundok ke-agaaga.

"Gina dito na kakain ang bunso mo!" Nanlaki ang mata kong binalingan si Auntie Myla sa sinabi nyang iyon. Seryoso? Dito ako kakain?

Dati naman na itong nangyayari pero noon ay bata pa ako at wala pa akong muang sa nararamdaman ko. Iba na ngayon ang lahat, marami nang nagbago. Hindi ko tuloy napigilang makagat ang labi ko dahil doon.

"Siya mare sige lang!" Nangiwi na lang ako dahil doon. Hindi pa man ako nakakamaang ay agad na akong hinila ni Auntie Myla papasok sa bahay nila. Doon ko namataan ang dalawa pang anak ni Auntie Myla na si Ate Jay at Ate Jyl na nagaagahan sa may sala. Pareho na silang nagwowork. Teacher si ate Jay habang manager naman si ate Jyl nang isang kilalang fast food chain. Malaki ang agwat ng edad nila kay Josaiah. Sabi kase ni Auntie Myla ay miracle baby daw si Josaiah na siyang bunso.

"Oh, Julia ang aga natin ah!" Masayang bati sa akin ni Ate Jay. Kumakain ito nang nakakamay at nanonood ng TV.

"Julia! Parito ka!" Kumakaway kaway pa sa akin si Ate Jyl. Sila iyong mga kilala kong propesyonal pero hindi sila nakakalimot. Kung ano sila sa trabaho ay hindi nila iyon dinadala sa bahay. Mayaman sila subalit hindi nila nakakalimutang lingunin ang mga taong malapit at kakilala nila. Kaya naman malaki ang pasasalamat namin sa kanila.

Agad naman akong lumapit kay Ate Jyl. Napapikit na lang ako nang bigla niya akong yakapin at halikan sa noo.

"Ang cute-cute mo talaga! Ang laki-laki mo na din!" Napabungisngis na lang tuloy ako dahil doon. Bago ako naupo nang ayos sa sofa at nagpatuloy naman si Ate Jyl sa pagkain. Akmang susubuan niya ako nang suwayin siya ni Ate Jay.

"Jylisha ano ka ba naman hindi na bata si Julia 'wag mong baby-hin mahiya ka nga!" Suway nito. Bagamat mas matanda si Ate Jyl ay mas mastured talaga si Ate Jay.

"Tsk! Nangealam ka na naman." Inirapan nito ang kapatid bago ako binalingan. "Ayaw mo bang subuan kita Julia?" Nakangusong saad ni Ate Jyl. Napakamot na lang tuloy ako nang ulo.

"Tigilan ninyo na iyan pakainin ninyo muna si Julia." Halos ikalaki nang mata ko ang pagbalik ni Auntie Myla na ngayon ay may dala nang kanin plato at basong may gatas.

Hala nakakahiya!

Doon na ako napatayo at sinalubong siya. Mabilis kong kinuha ang ilan sa mga dala niya para ilapag sa center table.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet Prescription Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon