Kabanata 6

40 5 0
                                    

Kabanata 6

June 05, 2018
Tuesday, Morning

Expect the unexpected. Iyon ang turo sa akin ni Ate Ara. Mahirap daw kasing umasa, pero sa buhay talaga hindi naman natin mapipiggilan ang  mag-expect. Natural na iyon at hindi na napipigilan. Halos lahat yata ng tao sa mundo ay may sari-sariling expectation.

Ngayong araw ay maaga akong gumising. Naligo na agad ako at kumain hindi pa man nagigising sila Ate maging si Mama at Daddy. Suot ang uniform ay nagtungo ako sa harapan ng gate nila Josaiah. Laking pasasalamat ko at bukas ang kanilang gate. Dahan-dahan pa ako sa paglalakad patungo sa garahe nila. Sa ginagawa ay nag-fe-feeling ninja pa ako. Nasisigurado kong tatawa ang makakakita sa akin ngayon.

Julia fighting!

Halos kuminang ang mata ko nang makita ko na ang bike ni Josaiah. Doon ko na napagdesisyonang ilabas ang prescription letter ko. Ngiting ngiti ko iyong inihulog sa may basket ng bike niya.

Success!

Akma na sana akong aalis nang maisip ko na baka bigla na lamang iyong liparin.

Mahirap na.

Kaya naman nagdesisyon akong humanap muna nang maipapatong doon para hindi iyon liparin. Agad namang nabaling ang tingin ko sa may kalakihang bato sa gilid. Ngingisi-ngisi ko iyong binuhat, medyo nahirapan man ay nagawa ko pa rin iyong maipatong sa basket. Doon na lumawak ang ngiti ko.

Umaayon ang lahat sa plano. Kaya naman bago pa ako mahuli on the spot ng kung sino doon ay agad na akong umalis. Nang magising sila Mama ay kumakain lang muli ako. Natawa pa sila kasi, bakit daw ang aga ko namang magising. Kakaligo pa lang daw nila ate ay gising na gising na agad ako.

"Hindi po kasi ako tamad hindi gaya ng iba dyan!" taas kilay na saad ko habang kumakain kami ng agahan.

"'Wag mo kong simulan Julia, ate mo pa rin ako." Natigilan na lang ako sa pangaasar kay Ate Vena nang bigla nitong seryosong sabihin iyon. Palagi na lamang niyang ginagamit ang ate-card niya.

Hindi man niya ako balingan ay halatang wala siyang kagana-gana. Nasisigurado kong isang maling salita ko pa ay sasabog siya. Napanguso pa ako nang makitang mugto ang mata niya. Anong nangyari sa isang ito?

"Oh, 'wag na kayong magaway. Ang aga-aga pa!" suway na sa amin ni Mama na abala sa paglalagay ng baon namin sa bug-ungan (baunan). Kaya naman nakinig na lang kami.

"Napaano pala iyang mata mo, anak? Mugto yata ang mata mo?" takang tanong ni Daddy kay Ate Vena habang nagkakape . Iyon din talaga ang gusto kong malaman pero ayokong magtanong ngayon. Sa aming tatlo si Ate Vena ang may pagkabipolar. Kumbaga sa tatlong itlog laging may isang pangit ang lasa, si Ate Vena iyon. Hindi ko alam kung bakit ang bilis lang magbago ng mood niya. Ganon talaga siguro kapag kambal tae ka.

Tumango-tango ako sa isiping iyon.

"Hayaan mo 'yan Daddy! Alas-dos na ng madaling araw iyan natulog kaka-cellphone. Kung hindi ko pa nahuli ay hindi pa matutulog." bakas ang pait sa sinabing iyon ni Mama.

Nakinig lang ako.

"May ka-chat ka, nak?" Nanlalaki ang matang tanong ni Daddy. Natawa kami ni Ate Ara nang iyamot na tumigil si Ate Vena sa pagkain niya. Wala ngang masyadong kaibigan si Ate dahil salbahe siya, paano siya magkakaroon ng ka-chat?

"Daddy naman! Nagbabasa lang po ako!"

"Oh, bakit kailangan mong sigawan ang Daddy mo? Wala ka nang galang Vena ha!"

Sa puntong iyon ay unti-unti na akong napakamot ng ulo. Nawala ang tawa namin ni Ate Ara nang magsimula na ang tensyon sa lamesa.

"Hindi ko po siya sinisigawan, ganito lang talaga ako magsalita. At saka may po naman ang sabi ko ahh! Anong bastos doon?"

Sweet Prescription Where stories live. Discover now