1 - Something's off

3.9K 176 51
                                    

[This story is unedited. Please expect typographical, grammatical and punctuation errors. You may point them out through in-line comments so I could edit them. Thank you!]



1 - Something's off



"Wow, late na nga ako, mas late pa din ang registrar?"



Naiinis na nag-angat ng tingin si Ally noong may humampas sa kanyang likod. Base pa lamang sa malakas na boses ng babae ay alam niya na kung sino ang tumabi sa kanya sa kiosk. Si Ella, ang nag-iisang kaklase niya na maituturing niyang kaibigan.



"Ganyan din ba kalakas ang boses mo sa trabaho, Ella?"



Napunta ang tingin ni Ally sa tumatawang binata na nakaupo sa kabilang side ng table at kaharap niya mismo. Si Terrence Hidalgo, ang kanilang Class President. Mukhang kanina pa ito nakapwesto doon at hindi man lang siya ginising.



"Anong problema mo sa boses ko?" nakataas ang isang kilay na tanong pabalik ni Ella. "Kanya-kanyang volume."



Muling tumawa si Terrence saka inilipat ang tingin kay Ally. "I really can't believe that of all people in our section, the silent Allysa Santino would be friends with Ariella Perez."



"Wala siyang choice," taas noong pagmamalaki ni Ella.



Naiiling na nilingon din ni Ally ang kanilang class president. "Wala akong choice."



Ngumiti lamang si Terrence. "May trabaho ka na din ba? Or are you still looking after the kids of the school staff?"



"Gago ka ba? Graduate na tayo, syempre graduate na din si Ally sa Babysitter's Club." Si Ella ang sumagot.



"Kumalma ka nga," nakasimangot na ding pananaway ni Terrence sa dalaga. "Bakit ba ang aga-aga ang init ng ulo mo?"



"Kasi nga ang aga-aga ng schedule natin ng pagpunta dito."



"Late ka nga eh," nakangiwing ani Terrence. "Saka, hindi mo ba na-miss ang St. Louie?"



"Good morning, Engineering Batch of 2020. Welcome back to St. Louie University."

"Good morning, Engineering Batch of 2020. Welcome back to St. Louie University."

"Good morning, Engineering Batch of 2020. Welcome back to St. Louie University."



"Ano yon?" kunot noong tanong ni Ella noong mawala ang boses na umaalingawngaw mula sa mga speakers na nagkalat sa buong campus. "Bakit may paganon?"



"It repeats every thirty minutes," simpleng sabi ni Ally na pangatlong beses ng narinig ang greetings sa speakers mula nang dumating siya.



"Ano nanamang pakulo ng admin?" nakangiwi pang tanong muli ni Ella. "Hindi ko naman kailangan ng warm welcome. Nagpunta lang ako dito para kuhanin ang TOR ko."



"Ang ipinagtataka ko, bakit nakabukod pa ang schedule ng Engineering?" seryosong sabi naman ni Terrence. "Lahat ng ibang courses nakakuha na last week. Even IT students na kasama natin sa iisang college, last week din ang sched."



"Baka hindi kayang i-accommodate lahat sa isang linggo." Nagkibit balikat si Ella. "Saka, diba last week nagpe-prepare sila para sa pag-welcome kay Ferdinand?"



"Ferdinand?" mahinang tanong ni Ally.



Muling tumawa si Terrence. "Dr. Ferdinand Chavez, the new University President."



Last Day at St. LouieWhere stories live. Discover now