11 - The Hendecagon

1.1K 99 7
                                    

11 - The Hendecagon



"The last girl in Louie's Hall."



Hindi nagsalita o nagpakita man lang ng kahit na anong emosyon si Ally, sa kabila ng mapang-asar na tono ng boses na nagmumula sa speaker. Nanatili ang tingin niya sa calculus equation na nag-flash sa screen bilang panibago at huling tanong.



"I have a proposal."



Nag-angat ng tingin ang dalaga sa mismong speaker.



"Answer the question and get out there to your friends, or..." Sinadya ng mapaglarong boses na ibitin ang kadugtong ng sasabihin. Tatlong segundo pa ang lumipas bago ito nagpatuloy. "Wait for an hour and you will be shown something interesting."



"I'll wait." Walang pag-aalinlangang pumili si Ally. Muli siyang naupo sa hagdanan sa gilid ng stage na para bang doon niya balak pumwesto hanggang sa lumipas ang isang oras.



"Wow." Halata ang pagkamangha sa malalim na boses. Umalingawngaw ang halakhak nito. "That mind sure does decision making real quick."



"This mind just can't do calculus anymore," kibit-balikat na sabi ni Ally. Kahit pa mag-isa sa loob ng hall at walang kasiguraduhan kung makakalabas pa siya pagkatapos ng isang oras, walang mababakas na takot sa kanyang mga mata.



Muling umalingawngaw ang malakas na halakhak mula sa speakers. "Come on, you're an engineering graduate. Matalino ka, diba?"



Sinamaan lamang ni Ally ng tingin ang speaker.



Tumawa ulit ang malalim na boses. "You should be thankful, I'm keeping you company. An hour of doing nothing could be so boring."



Nakataas ang isang kilay na inilabas ni Ally ang kanyang cellphone. Iniharap niya pa iyon saglit sa speaker na para bang ipinaparating sa kung sino mang nagsasalita na kaya niyang libangin ang kanyang sarili.



"You should also be thankful knowing that I could kill you in any second but I'm doing nothing." Hindi man nagbago ang tono, may kakaibang diin sa boses na nagmumula sa speaker.



Tumingin lamang saglit si Ally bago ibinalik ang atensyon sa screen ng kanyang cellphone. Desidido na siyang hindi umimik hanggang sa maubos ang isang oras. Kung ano man ang mangyayari pagkatapos niyon, wala na siyang pakialam.



*****



"It's lunch already," nakasimangot na ani Hailey matapos tumingin sa kanyang wrist watch. "Hindi ako nag-breakfast."



"Ako din," mahinang sabi ni Lia. "But can we really afford to complain about hunger when we're not even sure if we will still be alive after lunch?"



Napatingin din si Kingsley sa itim na relong suot niya sa kaliwang braso. Bumuntong hininga siya. "You can all go with the officers. I'll wait for Allysa."



"I'm also staying," mabilis na sabi ni Paul, determinado ang mga mata at tila walang makakapigil.



"Hahanapin ko si Noah," sabi naman ni Arkin. Nakakalimang hakbang pa lamang siya palayo ay pinigilan na siya ni Kingsley.



"Wag na tayong maghiwa-hiwalay."



Sinalubong ni Arkin ang tingin ng dating Student Council President. "You suggested it first."



Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon