4 - Tainting Purity

1.4K 103 74
                                    

4 - Tainting Purity



"I can't believe I survived ronalyn for this," naiinis na sabi ni Hailey. Kunot ang noong inilibot niya ang tingin sa dating mga ka-eskwela na mababakasan pa rin ng takot ang mga mukha.


"Ronalyn?" nagtatakang tanong ni Jerome.


Nakataas ang isang kilay na nilingon ng dating SC Secretary ang binata. "Co-ronalyn the bitch."


"Ah." Napapangiwing tumango na lamang si Jerome. Ibabalik niya sana ang tingin sa iba pang kasama noong biglang umalingawngaw ang tila static na nagmumula sa mga campus speakers.


"I told you not to disappoint me." Iyon ang naging bungad ng tila dismayado nga ngunit nananatiling malalim na boses.


"It's not their real voice," ani Ally habang diretsong nakatingin sa pinakamalapit na speaker.


Muling napangisi si Vince saka walang lingon na tumango. "It doesn't sound far from a human's normal voice, but the distortion gets too obvious when the speaker change their tone."


"So, we're not even sure how many persons are talking to us?" seryosong tanong ni Arkin sa natural niyang maangas na pananalita.


"It could be just one person, it could be two or more," sagot ni Ally.


"I guess, I expected too much from my dear engineers."


"Tama na! Pauwiin mo na kami!" Isa sa mga umiiyak na babae ang bigla na lamang paulit-ulit na nagsisigaw. Nakuha niya ang atensyon ng lahat. Lahat ay nakita kung paano siya biglang humandusay sa lupa.


"AAAAAAAAAAAAAHHH!"


Muling umalingawngaw ang sigawan ng mga estudyanteng nagmamadaling lumayo sa kinaroroonan ng babaeng basta na lamang bumulagta. Ang grupo lamang nila Kingsley ang pumunta sa salungat na direksyon, palapit sa babae.


"I-Is this a gunshot wound?" hindi makapaniwalang tanong ni Noah na siya muling naunang sumuri sa katawan ng babae. Sinundan niya ang pinanggagalingan ng dugo na tumulo sa likod ng tainga nito at nakita nga ang butas na pinasukan ng bala ng baril.


"It's near." Mula sa bahagyang pagkakaupo para tignan din ang katawan ng ngayon ay wala ng buhay na babae, mabilis na tumayo si Ally at lumingon sa direksyon ng mga nagtakbuhang kabataan.


"What is?" seryosong tanong ni Kingsley, bakas ang matinding kaba.


Dahil sa sinabi ni Ally ay mabilis na lumapit si Vince sa bangkay at sinuri din ang pinanggagalingan ng dugo. "There's stippling in the skin surrounding the wound."


"What?" tanong ng naguguluhang si Hailey.


"Stippling is caused by unburned particles of gunpowder striking the skin," sagot ni Ally habang hindi pa din inaalis ang tingin sa mga kabataang nakatingin din sa kanilang direksyon.

Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon