2 - The Challengers

1.7K 119 44
                                    

2 - The Challengers



L V G T P


"The clue is everywhere, engineers. Don't disappoint me, okay?"



Tila namatay na ang speakers matapos marinig ng mga kabataan ang linyang iyon. Napatahimik ang lahat at nagpakiramdaman.



"Does anybody know how to decode this?!" malakas na tanong ni Kingsley, sinisikap na marinig siya ng halos dalawang daang ka-batch niya.


"Sasagutin talaga natin yan?!" pabalang na sigaw ng isang lalaki.



"Wala naman tayong choice!" sigaw naman ng isang babae. Sa dami nila ay hindi na nagkikita ang mga nag-uusap.



"Hindi ba't gusto nga ng kung sino mang siraulo 'yon na sundin natin siya?! Magpapa-kontrol ba tayo ng ganon-ganon na lang?! Mga uto-uto ba kayo?!"



Muling nagsigawan ang lahat noong may sumugod sa lalaking sumisigaw. Isang pamilyar na lalaki na nagpupuyos sa galit. Si Arkin Rodriquez, graduate ng BS Electronics and Communication Engineering at kilalang suki ng guidance.



"Bobo ka ba?!" sigaw ni Arkin habang mahigpit ang kapit sa kwelyo ng lalaki. "Nakita mo ng may namatay! Sa tingin mo ba kalokohan lang 'to?!"



"Arkin! Arkin!" awat ni Noah sa binata. Pilit niyang inalis ang mga kamay nito sa kwelyo ng lalaking napatahimik na lamang, hanggang sa ito na ang kusang bumitaw.



Napabuntong hininga na lamang si Kingsley dahil sa nangyari. "The voice said that the clue is everywhere! Go, find anything!"



Nagsisimula pa lamang gumalaw ang mga estudyante noong isang dalaga ang nagtaas ng kamay. Napalingon ang lahat sa kanya.



"Solved it," seryosong sabi ni Ally. Ang mga katabi niyang sina Ella at Terrence ay parehong hindi makapaniwala habang nakatingin sa kanya.



"You did?" tila nagulat pang tanong ni Kingsley. Nagsimulang magbulungan ang lahat sa paligid. "How?"



Bumuntong hininga ang dalagang tinatamad magpaliwanag. "The answer is CVMBS. College of Veterinary Medicine and Biomedical Sciences. I think we need to go there."



"Sandali lang!" kunot-noong sigaw ni Hailey. "The voice said that the clue is everywhere. Paano mo nasagutan eh hindi ka naman naghanap?"



"The clue is really everywhere."



Ang kaninang nagbubulongang mga kabataan ay biglang tumahimik. Lahat ay nakaabang sa susunod na sasabihin ni Ally.



"Everywhere you look is St. Louie."



Tumaas lamang ang isang kilay ni Hailey. Bumalik ang bulongan sa paligid.

Last Day at St. LouieOnde histórias criam vida. Descubra agora