20 - The New King

1K 102 91
                                    

20 - The New King



"How long is that gonna take?" naiinip na tanong ni Noah. Nangangalay na ang kanang kamay niya sa paghawak sa sarili niyang cellphone na nagsisilbing flashlight sa may kadilimang library.



"Longer if you don't shut up," dire-diretsong sagot ni Ally habang naka-pokus ang tingin sa nakabukas na ilalim ng laptop. Huli na noong mapagtanto niya ang sinabi. Mula noong nabuksan niya ang back case ng laptop, doon niya lamang muli tinignan ang binata. "Oh, I'm sorry. I—"



"It's okay." Bahagyang napatawa si Noah. Halatang nahihiya ang dalaga sa kanya kaya nakagat niya na lamang ang sariling labi noong yumuko ito. "You know, you look cool when you're all serious like that."



Napakunot ang noo ni Ally saka muling nag-angat ng tingin sa binata.



Wala sa sariling naitaas ni Noah ang kaliwang kamay, umakto na para bang sumusuko, at mula sa pagkaka-lean sa lamesa ay umayos siya ng upo. "I'll shut up."



Hindi na nagsalita pa si Ally at ipinagpatuloy na lamang ang kanyang ginagawa. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya naisara ang back case. Binaligtad niya ang laptop at muling pinindot ang power button. Umilaw ang power indicator light at hindi nagtagal ay nag-liwanag din ang screen.



"Good job!" tuwang-tuwa na sabi ni Noah at awtomatikong itinaas ang kanyang mga palad para sa high-five ngunit tinitigan lang iyon ng dalaga. Napapatikhim niya iyong ibinaba. "I'm... I'm impressed."



Ibinalik na lamang ni Ally ang tingin sa screen ng laptop. Napaawang ang mga labi niya noong nanghingi iyon ng password.



"Oh..." Napataas ang mga kilay ng binata.



"Well, it's placed here for when authorized persons are in this situation," ani Ally.



Pasimpleng inilibot ni Noah ang tingin sa paligid. "There's no authorized person here."



Walang emosyong tinignan lamang ni Ally ang binata. Muling nagsalubong ang mga kilay niya noong ngumiti ito.



"The good thing is I believe that no gadget is ever locked."



Lalong napakunot ang noo ni Ally dahil sa sinabi ni Noah. Muntik na din siyang umatras noong walang sabi-sabing yumuko ito sa gilid ng kanyang mukha upang makita ng malapitan ang keyboard. "W-What are you doing?"



Muling ngumiti si Noah at gamit ang mga daliri sa kanang kamay ay sinuklay niya pataas ang buhok na nakaharang sa kanyang mga mata. "I'm an Information Technologist, Allysa."



*****



"Hindi naman nila alam na nandito tayong lahat, diba?" tanong ni Arkin habang pinapanood ang mga kasamang naghahanda na para lumabas. Nananatili lamang siyang nakaupo, walang ibang choice dahil hindi niya naman kayang tumayo mag-isa.



"Yeah. If whoever's behind this sent men to find us, they're probably searching the whole CEIT," sagot ni Paul. "Still, it's just a matter of time before they find us."



"Dito na lang ako," ani Arkin na naging dahilan ng paglingon ng lahat sa kanya. "Kung lalabas naman kayo galing dito, hindi rin sila sigurado kung iniwan niyo ba ako dito o nasa ibang lugar ako."



"Arkin, what are you saying?" kunot ang noong tanong ni Hailey.

Last Day at St. LouieWhere stories live. Discover now