17 - More and More

1K 99 76
                                    

17 - More and More



"Why would Lance Peña write Arkin's name between two hearts at the last page of his diary?" magkasalubong ang mga kilay at gulong-gulo na tanong ni Ally. Pinaka-malayo sa nakabukas na bahagi ng kisame, pumwesto silang dalawa ni Noah sa table sa harap ng computer laboratory. Magkatabi silang umupo sa mismong ibabaw ng mesa. Siya, naka-krus ang mga braso at ang isang kamay ay maya't mayang napapasapo sa kanyang noo. Ang binata, hindi mapigilang ngumisi sa kanyang tabi. "What?"



"What?" inosenteng tanong ni Noah pabalik, pilit ikinukubli ang kanyang ngisi. "Have you never doodled anyone's name on your notes?"



"I don't even copy lecture," simpleng sagot ni Ally saka muling bumalik sa pag-iisip. Saglit lamang ay hindi niya napigilang lumingon muli sa katabi. "What's wrong with you?"



"I-I'm sorry." Hindi na napigilan ni Noah ang mahinang hagikgik.



Sa halip na mas mainis, natagpuan ni Ally ang sariling napapangiti din. "Why are you laughing?"



Napakagat si Noah sa ibabang labi at napatigil sa pagtawa. "You should always smile, Allysa."



Mabilis na nabura ang ngiti sa mukha ng dalaga. "Just tell me why you're laughing."



Muling napakagat ang binata sa sariling labi at hindi nagtagal ay napahagikgik nanaman. Binuklat niyang muli ang likurang bahagi ng diary ni Lance Peña at ipinakita ang pangalan ni Arkin kay Ally. "Don't you get it? You've been solving codes and brain teasers since morning yet you have no idea what this means?"



Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Ally na lalong ikinatawa ni Noah.



"He likes Arkin. It could be a crush, it could be more."



"What?" Napaawang ang mga labi ni Ally. "Are you sure?"



"Why else would he write my cousin's name at the back of his diary? And with two hearts?" Pinagmasdan muli ni Noah ang pagkakasulat ng pangalan ni Arkin. "I've never met Lance Peña when he was alive and only heard rumors, but none of them said that he's into dudes."



"And what is wrong with that?" Naningkit ang mga mata ni Ally kasabay ng lalong pag-kunot ng kanyang noo.



"What? No!" Mabilis na umiling ang binata. "There's definitely nothing wrong with that. Lance Peña is free to like whoever he likes. Everyone is."



Hindi nagbago ang ekspresyon ng dalaga. "Why are you laughing then?"



"I bet my life Arkin would throw a fit once he finds out about this," nakangisi pa ding sabi ni Noah. "He's fighting for his life because he's a damn charming guy."



Napaawang muli ang mga labi ni Ally saka unti-unting nauwi sa isang ngiwi.



"But I'm also glad that that's the reason why he's here." Seryoso ng ngumiti si Noah. "If Lance Peña really liked Arkin, they wouldn't hurt him. He's safe."



Napakurap-kurap si Ally. Muling napa-awang ang kanyang mga labi at nanlaki ang kanyang mga mata. "Lance Peña wouldn't hurt him..."



"Right," tumatangong ani Noah.



"But it's not Lance Peña who's behind this."



Natigilan ang binata at dahan-dahang lumingon kay Ally, naiintindihan ang nais nitong iparating. Pinanood niya ang dalaga hanggang sa patalon itong bumaba mula sa mesa.



Last Day at St. LouieWhere stories live. Discover now