22 - A Little Chitchat

1K 100 59
                                    

22 - A Little Chitchat



"Hop! Hop! Hopia!" malakas na sigaw ni Chief Leo sa driver ng tow truck na siyang nag-aalis sa natitirang bahagi ng dalawang truck ng langis na nakaharang sa daan.



"Alas-singko na bago tayo natapos, Chief," bumubuntong hiningang sabi ni Officer Ren, isa sa mga pulis na mula umaga ay naroon sa pinangyarihan ng pagsabog at ang nag-iisang naiwan kasama ng Chief of Police maliban sa mga taga-rescue department.



"At least natapos tayo at ng madaanan na ulit 'to."



"Akala ko po nagpunta sina Sarmiento sa St. Louie? Paano sila nakadaan?"



Napabuntong hininga din si Chief Leo noong maalala kung paano siyang tumakbo kanina para hindi matalsikan ng putik noong dumaan ang patrol sa taniman sa gilid ng kalsada. "Pinang-araro ng walanghiyang si Cholo 'yong patrol diyan sa putikan."



Napatawa si Officer Ren. "Nako, Chief, kayang-kaya namang palitan ng mayor 'yong patrol car natin. Kahit lima pa ang hingiin mo. Sa dami ng business ng pamilya nila, barya lang 'yon."



Naiiling na napangiti si Chief Leo. "Kaya nga kahit papaano, hanga ako kay Cholo. Sa yaman ng pamilya niya, pinili niya ang mag-serbisyo."



"Halata nga na paborito mo 'yon, Chief." Muling tumawa si Officer Ren noong sinamaan siya ng tingin ng kanyang boss. "Hindi ka ganyan kabait sa'kin noong bago pa lang ako."



"Aba't!" Pabirong inambaan ni Chief Leo ang kausap. "Magkaiba kayo ni Cholo."



Sumang-ayon ang pulis. "Hindi ako magpupumilit na mag-imbestiga sa isang bagay na hindi ko naman sigurado. Mukhang naghahanap ng aksyon ang batang 'yon. Kung palagi siyang ganyan, baka ilagay niya ang sarili niya sa kapahamakan."



Napakunot ang noo ni Chief Leo dahil sa narinig. Inilibot niya ang tingin sa paligid, sa mga nagkalat na rescuer na tumutulong sa pag-aalis ng mga truck at sa iilang tao na nakikiusyoso pa din. "Hindi pa ba sila bumabalik ni Soriano?"



Bahagya ding napakunot ang noo ni Officer Ren. "Hindi pa, Chief."



Mabilis na hinugot ni Chief Leo ang kanyang radyo. "Beta 1. Beta 1. This is Alpha, do you copy?"



"C-Chief..." nalilitong ani Officer Ren ngunit tinignan lamang siya ng kanyang boss.



"This is Beta 1."



"We have a 999," seryosong sabi ni Chief Leo habang nakatingin kay Officer Ren. Ang huli, nanlaki ang mga mata dahil nanghihingi ng backup ang kanilang chief.



"10-20," pagtatanong ng nasa kabilang linya tungkol sa lokasyon.



"St. Louie University."



"10-4. Over."



Ibinaba din agad ni Chief Leo ang radyo saka patakbong nagtungo sa nag-iisang police car na naiwan para sa kanila ni Officer Ren.



Agad ding sumunod ang pulis at pumwesto sa shotgun. "Chief, anong nangyayari? Baka naman naglakwatsa lang si Sarmiento. Madaming shops at kainan sa labas ng St. Louie diba?"



"At si Soriano?" nakataas ang mga kilay na sabi ni Chief Leo.



Nagulat ang mga rescuer at iilang tao na nasa labas noong biglang humarurot ang police car sa kakabukas pa lamang na daan patungo sa St. Louie University. Saglit lamang ay nawala iyon sa kanilang paningin.



Last Day at St. LouieWhere stories live. Discover now