Chapter 78: When The Ground Breaks

1.7K 187 6
                                    

-chapter seventy-eight-
____________________

FEYRE

"Well, isn't this a good time? Our fight at the GOG wasn't concluded. Let's see the results right now."

"BAKIT NAKABALIKTAD ka, buhay?" I asked, twirling his knife in my fingers.

Life grunted and squirmed from his position. Ngunit nagpahigpit lang ito sa mga rope na nakatali sa kaniya. I rolled my eyes. Minsan talaga hindi din nag-iisip 'to, alam niya naman ang effect ng trap pero kung makagalaw, parang wala nang bukas.

Bakit ba kasi ako lang ang rogue na may brains? I have such a huge responsibility.

I exhaled harshly. "Tumigil ka nga sa paggalaw."

"Kung tinulungan mo na lang kasi ako!" reklamo niya pero hindi na muling gumalaw.

Ngumisi ako. Kung alam niya lang.

I let the blade caress his cheek, putting a bit of pressure to draw the smallest of blood. He winced and looked at me darkly. Hindi nawala ang ngiti sa labi ko nang ibinaba ko pa ang kutsilyo. His jaw clenched and I licked my lips, eyes predatory and hungry for its prey.

"Oh, shit!"

Well, expect for the car brand guy to find a perfect timing. Tiningnan ko si Irusu na kakadating lang at pulang-pula ang mukha. Bukas ang bibig niya at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa'min. Pusta ko ang tainga ni Hex na iba-iba pinag-iisip nito.

"Hindi ko alam okay ka pala sa BDSM, Life." he shamefully observed.

Nangangati na akong ihagis sa banda niya ang kutsilyo ng lalaking nakatali ngayon.

"Pinagsasabi mo?" nakakunot-noong tanong ni Life, ngunit mukhang narealize niya ang kaniyang unfortunate situation at biglang lumukot ang mukha. "Get me out of here, bastard! I should have expected scouts like you to form traps."

Now, it's Irusu's turn to frown. I rolled my eyes and proceeded to cutting off the ropes around Life. Sa totoo lang I could easily kill him right now or let him go. I mean, hindi naman siya ang kailangan ko sa quest na 'to.

Hayy, I'm such an angel.

"I didn't put up traps?" tumingin si Irusu sa'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ako tinatanong mo?"

Umiwas siya ng tingin sa'kin at nagsimulang magflashback kung nagset-up nga siya ng trap o hindi. I went back to cutting off Life's ropes.

For a bunch of people who went into a full-attack mode a while ago, we are pretty chilled right now. Parang binalewala na lang namin ang poison na ngayon ay kumakalat sa katawan ni Irusu, ang malaking hiwa sa paa ko at ang limp na braso ni Life. Not to mention na wala pa si Sena dito na sobra ang sinapit dahil nga sa ayoko siyang makalaban.

"Hintayin mo lang makalabas ako dito, tangina mo! Papatayin kitang scout ka!" hinampas ko ang braso niya nang biglaan siyang gumalaw.

Yeah, we're not chill at all.

"But I didn't put up the trap?" inosenteng tanong ni Irusu na mukhang problema ang existence ng mundo.

Welcome, Player: Grand QuestWhere stories live. Discover now