THE BEGINNING.

32 6 2
                                    


@raphtalia29 



PROLOGUE




"TAMA NA LUCIA.." mahinang daing ko habang umiiyak hindi dahil sa nasasaktan ako, kundi dahil ang best friend ko ay kinokontrol ng isang diablo.


Oo diablo, demonyo, demons.


Bata palang ako ay nakikita ko na sila sa kahit saang sulok ng mundong ito, kung saan may gulo, digmaan, panganib palaging nanduon sila.


Pero nagpapanggap akong hindi ko sila nakikita kasi doctor ako.


Si lucia napaka buti niyang tao, bestfriend ko siya at palagi kong kasama mula pa noong bata kami. Siya ang nag-iisang sandalan ko at palagi rin kaming nagsisimba ng magkasama, kaya bakit...


Hindi ko maintindihan kung paanong nangyari ito.


Balak ko sana na sorpresahin siya kasi birthday niya ngayon pero ako ang nasurpresa.


Napaluha ako habang pinagmamasdan siyang sinusunog ang sarili niyang pamilya, ang sarili nilang bahay.


"Lucia... Tama na itigil mo yan."


"Loveriza, tignan mo napakaganda ng kapangyarihan ko diba?" tumatawang sabi niya. "Tignan mo, napakasaya ko kasi ngayon wala na kong pamilya na pabigat sa'kin."



Nanlalabo ang mga mata ko sa luha habang nakikita ko na may binubulong sa kanya ang halimaw sa likod niya.



"Lucia huwag kang makinig sa kanya, manalig ka! Labanan mo Lucia!" sinubukan ko kumilos para hilain siya palayo sa halimaw na yon



Subalit hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.



"Patayin mo na ang babaeng yan, hindi mo kailangan ng kaibigan Lucia." narinig kong sambit ng diablo. Kaagad na ngumisi parang demonyo si Lucia.

"Huwag Lucia! Magkaibigan tayo diba? Walang iwanan yun ang pangako natin."

"I'm sorry pero hindi ko kailangan ng kaibigan."  saad niya saka tinaas ang kanyang kanang kamay



Bumuo siya ng isang higanteng bolang apoy at ibinato yon sa akin. Napapikit ako sa sobrang takot, inisip ko na katapusan ko mamatay na ako sa kamay ng kaibigan ko pero wala akong naramdaman na apoy sa katawan ko.


Muli akong dumilat.



Namilog yung mga mata ko nang may dalawang mga paang nagliliyab na galing sa itaas ang umatake sa diablo, tumalsik ang diablo. Sobrang lakas ng apoy sa mga paa niya pero hindi hadlang yun para makita ko ang kanyang anyo.

Kulay abo ang kanyang buhok, nagaalab ang kanyang mga mata at kulang ang salitang guwapo sa nilalang na katulad niya.


"Celestial Guardian!"

"Pakawalan mo ang tao sa kapangyarihan mo, el diablo." binunot niya ang kanyang espada



Hindi na naging malinaw sa akin ang nakikita pagkatapos nun dahil naglaban sila at hindi ko makita yung atake nila, parang liwanag at dilim lang na naglalaban.

Habang naglalaban sila ay sinubukan kong lumapit kay Lucia na masayang sinusunog ang iba pang bagay.



"Lucia tama na, itigil mo na yan! Hindi mo gusto gawin yan!" umiiyak na sabi ko. Niyakap ko siya.

"Anong hindi gusto hindi mo ba nakikita na masaya ako?"

"Hindi lucia kinokontrol ka lang ng demonyo hindi mo gusto yan, lumaban ka lucia!" naramdaman ko na humawak siya sa kamay ko


Tinanggal niya ang kamay ko at humarap sa akin.

Ngumiti siya sa akin kaya naman nabigyan ako ng pagasa na baka nakaalis na siya sa kontrol ng diablo.


"Loveriza..."


"Lucia--" tumulo ang dugo sa bibig ko, ang kamay niya ay binutas ang katawan ko. "B-Bakit?"


"Kasi nagkakamali ka... ako ito, walang kumokontrol sa akin." ngumisi siya na parang hindi na siya yung bestfriend ko


Napapikit ako pero pagdilat ko ay wala naman akong butas sa katawan at wala 'ring dugo, naramdaman ko ang kamay na humaplos sa ulo.

Napakainit ng kamay na yon pero pinapahaan nito ang loob ko hanggang sa nagdilim ang aking paligid pero bago yun ay nakita ko pa ang pagalis ng kaibigan kong si Lucia matapos sunugin ang lahat ng bahay.



"L-Lucia..."


"Matulog ka muna ng mahimbing binibini, sa susunod ay muli tayong magkikita kaya huwag mong kakalimutan ang aking pangalan ay Volcan." naramdaman ko na may bumuhat sa akin pero hindi ko siya nakita pa dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Where stories live. Discover now