CHAPTER 8

2 2 0
                                    




Dr, Gino POV




NAPUYAT AKO imbis kasi na pauwi na ako sa nirerentahan kong apartment ay hinarangan pa ako ng pulis. Kung ano-ano ang tinanong, kesho paano ako nakarating sa talipapa ng 3 minutes kung galing ako sa park kesho paano ko nakita.

01 am ako nakauwi at natulog pero nagising ako 05 am para magluto ng pagkain ko.

Kaya ito....

Mukha lang naman akong zombie.




"Aish! 7 am ang pasok ko tapos kulang ako ng tulog dahil sa mga bwïsit na pulis yun... aish-"



Napatingin ako sa maliit na asong lumapit sa akin. Ito yung aso na kahapon lang ay niligtas ko- actually it's a cute puppy, napangiti akong binuhat ito at kinandong sa binti ko.

Tiningnan ko ang lagay niya, ang gilagid ng ipin niya ay medyo maputla pa sign na hindi siya healthy dahil sa suffocation na nangyari.




"Dapat hindi ka muna nagkikilos kasi hindi ka pa magaling... dibale gagaling ka rin. Hmp, from now on choco muna ang pangalan mo."



Hindi ko alam kung anong pangalan niya pero dahil brown puppy siya I want to call him choco, ang cute!



"Ang cute mo talaga sana hindi ko na makita yung amo mo para sa akin ka nalang...uh..."



Dinilaan-dilaan niya ang kamay ko, natawa ako bigla.



"Masarap ba eh pinanghimas ko yan sa pwet ko nung tumae ako kanina hindi ko pa yan sinabunan."



Natatawa ako pero nawala ang ngiti sa labi ko ng mapadako ang tingin ko sa isang picture... ni Anna. 6 months ago bago ako magtrabaho sa horizon hospital....

Nung gabing yun napagdesisyunan namin ni Anna na magkita para ayusin sana ang nasira naming pamilya para kay blade.



"Anna..." masayang tawag ko noon sa kanya



Isang hakbang lang.

Isang hakbang lang at tumilapon siya dahil sa isang sasakyan na dahilan ng pagkaka-coma niya ngayon. Hindi ko na nireport sa mga pulis ang nangyari, dahil gusto kong ako mismo ang makahanap sa taong yun... sa babaeng nasa loob ng sasakyang bumundol kay Anna.



*** ***




Dr, Loveriza POV




"AAAAHHHH!!!"



Napasabunot ako sa ulo ng magising ako at nakita ko kung anong oras na, 8PM NA LATE NA AKO SA TRABAHO!



"Patay na... Kung kailan unang araw ko sa general management!"

Aish, bahala na nga sa hospital na lang ako maliligo.

Nagmadali akong nagayos ng sarili at kinuha ang white coat ko.




*** ***





DR, GINO POV



"Nasaan ang pasyenteng may hemoptysis?" tanong ko kay Dr Jhon Paul Desala, isang CT surgeon.

Naglalakad kami papunta sa elevator.




"Ituturo ko na lang po sa inyo."

"Nakausap niyo na ba yung guardian o nahingan niyo na ba ng permiso para operahan ang pasyente?" tanong ko pa pero hindi siya nakasagot agad, nilingon ko siya. "Ano?!"

"Ah kasi..."

Nang makarating kami sa ER kung nasaan ang pasyente ay nagulat ako... Nagulat ako kasi isang 4 years old na bata ang tumatayong guard ni Mr Jin.




"Hoy... Ipaliwanag mo nga yung nakikita ko?"

"Bukod po sa anak na babaeng four years old eh wala pong kamagnak si Mr Jin at patay na po ang asawa niya."




Natigilan ako at muli kong nilingon ang bata na ginigising ang tatay niya na akala niya tulog lang.



"Paano po ito doc, pwede po ba nating operahan ang pasyente kung walang kakayahan magdesisyon ang guardian."

"Walang kakayahan ang guardian na magdesisyon kasi isa lang siyang bata at ayon rin sa batas kung walang kakayahan magdesisyon ang pasyente na magdesisyon sa sarili niya nasa doctor na mismo kung ooperahan niya o hindi." sagot ko, muli ko siyang nilingon. "Tawagin mo na sila pati ang dalawang bagong resident."

"Diba po isa lang ang bago, si Loveriza?"

"Meron pa." sagot ko




May kinuha akong isang form sa gamit na dala ko. Kahapon lang bago ako umalis ng hospital merong nag-a-apply na residente sa akin.

Ipinakita ko ang form na yon kay Dr Jhon Paul.



"Dr, Volcan Kaizen Allxi Cardiopulmonary Surgeon 4th year resident." as he read the application form. "Pero doc saang medical school siya nagaral bakit walang nakalagay?"

"WALA NA AKONG PAKIELAM DUN basta tawagin mo na sila! Huwag mong pinapainit ang ulo ko."

"Okay, sige po doc." sagot niya at kaagad naman akong sinunod




Napabuntong hininga ako matapos kong muling ibaling ang tingin sa batang ngayon ay nahiga sa may upuan na malapit sa kama ng tatay niya, its a... heartbreaking scenario.

THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Where stories live. Discover now