CHAPTER 10

1 1 0
                                    


VOLCAN POV







         *** Flashback ***





"Volcan..." ani ni Zadkiel sa akin, siya ang kasama ko na bumaba noon dito sa lupa. "Nasusulat sa propesiya... mapoprotektahan mo ang babaeng may alpha stigma sa pero sa tulong ni escanor at ng doctor na may berdeng mga mata."




Doctor na may berdeng mga mata...




Inabot ko ang isang pekeng application form sa lalaking yun at kahit natatakpan ng itim na bagay ang kanyang mga mata ay malinaw kong nakikita ang kulay nito, ang kulay ng mga mata ni Gino.

Mga matang katulad ng kay Zeldris.




"Dr, Volcan..." he scoffed then he look at me. "Your not a human..."

"Paano mo-"

"Hindi tumitibok ang puso mo, para itong matigas na batong walang reaksyon. Hindi ka isang tao, anong klaseng nilalang ka demonyo ka ba, anghel o isang.." I cut him off

"Ano man ako it doesn't matter. What matter is mas marami tayong maililigtas na buhay kung tatanggapin mo ako." sabi ko




         *** End Of Flashback ***




Alam ko na sa umpisa palang na dito siya nagtrabaho kaya naisipan kong mag-anyong tao at para tuparin ang misyon ko.






NGAYON pinagmamasdan ko siya habang inaasikaso ang mga pasyente at nakikipagtawanan sa mga kapwa niya resident.






"Akala talaga namin hindi ka na lalabas ng buhay sa OR!" natatawang sabi ng second year resident na si Marcus Lee

"Bakit naman ako hindi makakalabas ng buhay?"

"Ay teka check nga natin baka may natanggal parte ng katawan mo!"





"Wooo hallelujah hallelujah."



"Mga baliw! Magsitrabaho na nga kayo baka mamaya dumating si Dr. Gino sabihin hindi niyo inaasikaso pasyente." sabi ni Loveriza. "Chupi na chupi, get lost cause I'm busy woman."





Lihim akong napangiti pero kaagad ko rin na tinanggal ang ngiti na yon ng may maramdaman ako...

Napahawak ako sa dibdib ko. Wala naman ah pero bakit parang may naramdaman ako?






        *** ***

DR. GINO POV








9 PM NA NG GABI at dahil sa dami ng pasyenteng na ngangailangan ng tulong ko ay ginabi nanaman ako pero okay lang masaya naman kasi ako sa trabaho ko.






"Uuwi na po ba kayo doc?" tanong sa akin ni nurse Yumi

"Um... Yeah pero may dadalawin muna ako."

"Yung babaeng comatose po ba sa may 12 floor?" ani niya




Hindi na ako sumagot dahil alam ko naman na alam niya na ex wife ko si Anna.





"Huwag niyo po sana masamain pero bakit po ba naniniwala parin kayong magigising siya kahit alam niyo na matindi yung head trouma niya?"

"Mahal ko kasi eh..." simpleng sagot ko sa kanya saka tipid na ngumiti. "Sige hmp, kayo na ang bahala sa mga pasyente."

"Sige po."

"Mahal mo... tsk mahal ang bigas." biglang nagsalita si Zeldris

Kinakausap ba kita?!

"Pakialam mo ba eh gusto ko magsalita. Freedom of speech ba freedom of speech."





Nanliit ang mga mata ko. Wow alam na niya ang freedom of speech tumatalino si kuting!




"Naboboring na ako dito bigyan mo naman ako ng trabaho kahit ano- halimbawa na lang manaksak ako ng mga kuko ko sa tao tapos gamutin mo para masaya naman. Ah yung masamang tao dapat para masaya!"

Ang lakas ng tama ni Zeldris.

"Ewan ko sayo!" I scoffed




Matapos kong ayusin ang sarili ay nagmadali na akong pumunta sa elevator bitbit ang pina-deliver kong mga bulaklak para kay anna, pumasok ako at pinindot ang 12 floor.





"Alam mo hindi kita maintindihan." sabi ni Zeldris

Ano nanaman ang maintindihan ano nanaman?!

"Bakit mahal mo yun eh pinagpalit ka nga diba? Bakit hindi ka na lang magmahal ng iba..."

"HUWAG MO 'KO KAUSAPIN HINDI KA SUPPORTIVE FRIEND HA-YOP KA."

"Tsk!"

At nakarating na nga ako pero pagdating ko may nauna na palang BALIW sa loob na SUMASAYAW habang naka earpad. Si Blade, hindi niya ako napansin kasi nakapikit siya habang sumasayaw kaya...







"CHU CHA! CHU CHA! CHU CHA OH ITS ALRIGHT!!!"

"MAY SUNOG MAY SUNOG!!!" sigaw ko kaya bigla siyang napalingon sa akin

Muntik na yatang tumambling sa sobrang gulat nang makita ako hahaha!

"H-HAY NAKU TATAY NAMAN MAMATAY AKO SA GULAT SAYO!" tawang tawa ako sa kanya para siyang tinakasan ng sarili niyang kaluluwa sa sobrang hiya

"Buhay ka pa naman ah."

"Ewan ko sayo!"

"Bakit ka ba nandito tapos sumasayaw ka pa diyan para ka namang tanga sumasayaw!" hahahaha mapanlait!

"Luh nanlait pa siya oh! Pinapasaya ko lang si nanay... bilang pambawi kasi... kahit anong gawin ko hindi ko siya magawang pagalingin gamit ang kapayarihan ni escanor."




Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ko.





    *** FLASH BACK ***






"B-Bakit ganun... Bakit ayaw gumana... Escanor please nakikiusap ako... nagmamakaawa ako iligtas mo nanay..."





    *** END OF FLASH BACK ***





Nung araw na yon sobrang sakit kay Blade na kahit anong subok niya ay hindi gumagana ang kapangyarihan ni Escanor na magpagaling... sa sarili niyang ina.

Masakit rin sa'kin kasi wala akong ganung klase ng kapangyarihan, opposite ng kapangyarihan ni Escanor ang kay Zeldris.

Pilit akong ngumiti kay Blade. Lumapit ako sa kama ni Anna at nilapag ang isang bugkos ng mga redroses saka marahan siyang hinagkan.





"Masakit yung feeling na doctor ka at may kakayahan kang iligtas ang iba... pero wala kang magawa para iligtas ang mahal mo pero hindi ibigsahin kasalanan mo yun. Ang lahat ng bagay may dahilan." sabi ko sa kanya





SAMANTALA...





Habang naguusap sila Blade at Gino ay hindi nila alintana ang nakatagong presensya ng nilalang na nagaalab ang mga mata. Si Volcan.

Nang madilim na ang paligid ay saka niya ginawa ang kanyang plano.





"Red Flame Of Recovery!"





"Excalibur I command you..." ang kanyang puting doctor's gown ay nagging isang puting kabayong si Excalibur. Pinalabas niya sa kanyang kamay ang maliit pero napaka init na pulang apoy. "Lumipad ka at ipamahagi ang aking alab ng kagalingan."

THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Where stories live. Discover now