CHAPTER 7

2 2 0
                                    



Dr, Gino POV




NAKAUPO ako sa may park habang tulala na pinagmamasdan ko ang paligid at nakikinig sa paborito kong kanta.

Mapait akong napangiti saka malungkot na pinaghawak ang dalawa kong palad. Ito ang favorite place namin noon ni Anna at laging kumakain ng magkasama.

"Wala na talagang pagasa na bumalik ka pa akin." mahina akong natawa pagkatapos ay bumuntong hininga

Bakit ba umaasa pa ako na pupunta ulit siya dito bumabalik tuloy yung sakit.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko at nang tignan ko ay si Moon ang tumatawag, isa siya sa resident doctor ko.

"Hmp?" sasagutin ko sana yon agad

Kayalang may nararamdaman akong hindi maganda sa paligid ko, may masamang aura.

"Zeldris nararamdaman mo ba yun?" tanong ko. Hinubad ko ang black shades na suot ko kaya't kitang kita na ang totoong itsura at kulay ng aking mga mata

Narinig ko ang pag angil ng tigreng nasa loob ko, si Zeldris na isang celestial guardian.

"May mga mamatay at hindi mo yun mapipigilan dahil tao ka lang."

"Hindi ako naniniwala diyan." sagot ko sa kanya

Isandaang metro mula sa kinaroroonan ko ay kitang-kita ang talipapa. May taong may hinihilang mga gasul, apat lang ang gasul pero ang isa ay sumisingaw! At may isa pang lalaki na naglabas ng sigarilyo sa kanyang bulsa.

Nanlalaki ang mga mata ko ng sinunod niyang ilabas ang lighter.

"Hindi... Huwag mong sindihan!"

BLUGS!!!

Nagmadali naman ako pero sumabog na ng sunod sunod ang mga gasul at nagsanhi yon ng trahedya sa mga taong nanduon. Nawala na isip ko na pwede akong mapahamak o malagay sa alanganin kapag may kahit isang tao lang namakakita ng mata ko, isa lang ang nasaisipan ko... ang iligtas ang mga pasyente ko.



*** ***



"RRRROOAAARRRR!" I groaned habang pinipigilan ko ang paglabas ng pangil ng tigre

Napakaraming tao nakiusosyo at tumulong na apulahin ang mga apoy habang ako ay sinusubukan na ilabas lahat at iligtas sila ng walang ginagamit na kapangyarihan.

May dumating na mga bumbero at ambulansya kaya medyo nakahinga ako ng malalim, inisip ko na magiging okay na.

"Sir naka contact lens po ba kayo... bakit po parang berdeng mata ng tigre ang-"

"Dalhin niyo sila sa pinakamalapit na hospital para maagapan agad sila." pagputol ko sa sinasabi ng driver ng ambulansya

"Paano po kayo sir?"

"Titignan ko muna kung may tao pa duon." sagot ko

Malaki ang talipapa kaya nagaalala akong baka may tao pa na hindi naililigtas, hindi makita ng mga mata ko pero malakas ang pakiramdam ko.

"Huwag mo na ipilit mapapahamak ka lang." ang wika ni Zeldris

I chuckled.

"Wala akong pakielam."

THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Where stories live. Discover now