CHAPTER 19

7 2 0
                                    



Napabuntong hininga ako matapos ayusin ang mga gamit ko sa desk ko dahil uuwi na ako. Ewan ko pero nalulungkot talaga ako, paano kung mawalan ng lisensya si Dr. Gino? Hindi na siya pwedeng maging doctor pag nangyari yon.




"Huwag kang magalala binibini." sabi ni Volcan na nasa tabi ko. "Hindi siya mawawalan ng trabaho."

"Talaga? Tingin mo?"mahina siya natawa.




"Anong nakakatawa?" takang tanong ko

"Hindi kasi kayo magkaano ano pero nagaalala ka, napaka buti mo talaga binibini."

Haist, tawag pa rin siya ng tawag sa akin ng binibini.




"Oh siya tara na, uuwi na ako." nakangiting sabi ko sa kanya



Pagkatapos ay lumabas na ako sa office ng mga resident at lumakad papunta sa exit. Medyo malayo pa ang exit door kasi sa 1 first floor pa yun kaya nadadaanan ko pa yung room ng pasyente, lalo na ng kamamatay pa lang na si Mr Jin.

Napahinto ako duon saglit. Bigla ko naalala yung nakita ko na hila-hila ng d-emonyo ang kaluluwa niya.



"Nakakalungkot lang hindi siya sa langit na punta."

"Ganun talaga binibini hindi lahat ay sa langit mapupunta. Tanging ang mga nanalig lamang ang mapupunta roon." sabi sa akin ni Volcan




Napalingon ako sa likod ko dahil naramdaman ko na may maliit na kamay na humawak sa damit ko, nang lingunin ko ay nakita ko yung batang babae.



"Ate si papa ko... saan si papa ko? Bakit nawala siya dyan?"

"Ah kasi... wala na si papa mo." kinagat ko ang labi ko

"Umuwi na si papa ko sa amin ate?" gaya ng inaasahan ko hindi niya ako naiintindihan. Tapos bigla siyang umiyak na ikinataranta ko kasi hindi ako marunong magpatahan ng bata. "Papa... Papa... iniwan ako dito ni papa.."

"Hindi yon ganun... Ano... kasi."




Paano ko ba sasabihin na patay na papa niya?



"Binibini patawanin mo siya kawawa naman siya." suggest ni Volcan pero hindi ko kanyang gawin yun



"Ang Papa mo kasi ppatay... arg! Huwag ka umiyak please?" pero hindi siya tumigil sa pagiyak



Tapos bigla na lang may kamay na sumulpot, si Dr. Gino na may hawak na lollipop. Lumuhod siya at pumantay sa Batang babae.



"Kapag tumigil ka sa pagiyak sayo na 'toh... bakit ayaw mo ba nito?"

"G-Gusto po, g-gusto ko dalawa."

May nilabas na isa pang lollipop si Dr. Gino at isang cup cake.




"Ganito, Zerha ang name mo diba?" ani niya

"Opo."

"Kapag tumahan ka sa pagiyak sayo na lahat ito." sandaling tumingin sa kanya ang bata pagkatapos ay nagpunas ng iyak. "Oh sayo na 'toh." nakangiting sabi niya

Kinuha ng bata ang dalawang lollipops at cup cake.




"Doktor saan po si papa?"

"Wala na si papa mo nasa... heaven na siya."




I know it's not true pero tumahimik ako.



"Bakit po siya nandun?"

"Kasi mabuti siyang tao at duon napupunta ang mababait... huwag kang malungkot dahil kahit wala na siya pinapanood ka lang niya at palagi mo siyang kasama." nakangiting sabi ni Dr. Gino pagkatapos ay hinalikan niya ang noo ng bata at niyakap ito



Hindi ko alam kung bakit napaluha ako.

Parang bigla kong naalala si tatay sa kanya nang halikan niya ang noo ng bata at niyakap.

"Okay..." nakangiting sabi niya sa bata. "Bukas na bukas may susundo sayo dito kaya... ihahatid na kita sa kuwarto ng mga batang pasyente dun kamuna matutulog okay lang ba? Hmp, pag pumayag ka may lollipop at cupcake ka ulit bukas."




"I want chuckie po..."

"Oh sige pero maliit lang. So tarana?"

"Sige po." ngumiti yung bata sa kanya tapos parang nagpapabuhat kaya wala siyang choice kundi kargahin ito.



Sa totoo lang hindi ko na maalala ang mukha ni papa ko at lahat ng litrato ni papa ay pinatago ni Mommy noong namatay siya kaya wala kaming idea ni ate kasi parehas na namin nalimutan yung mukha ni Papa. Ang tanging naalala ko sa mukha niya ay yung ngiti niya at ang boses niya... na katulad ng kay Dr. Gino. Tapos ngayon ko lang nakita na wala siyang suot shades at naka black contact lens lang, ngayon ko lang napapansin na parang pamilyar ang mukhang nakikita ko...

THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Where stories live. Discover now