Chapter 21

5 2 1
                                    

Dr. LOVERIZA POV




Nandito ako ngayon sa labas ng office ni Dr. Gino para sana mag sorry kasi feeling ko kasalanan ko eh, kung pumunta lang siguro agad ako sa room ni Mr. Jin para tignan siya edi sana buhay pa siya baka naisalba pa yung buhay niya at hindi napaaway si Dr. Gino. Nakokonsensya talaga ako.

"Pero binibini wala ka namang kasalanan hindi mo yun ginusto binibini." ang sabi ni Volcan sa akin

"Pero kasi hindi gagaan ang pakiramdam ko kapag hindi ako nakahingi ng tawad, saka na ngako pa naman ako na hindi na ako papalya sa doctor na hahawak sa akin tapos ganito. Nakukunsensya ako." napabuntong hininga ako saka sumandal sa pader. "Okay lang kaya si Doc Gino? Hindi kaya siya naparusahan?"

Nakita kong mahinang tumawa si Volcan.

"Anong nakakatawa?"

"Natutuwa lang ako kasi kahit parang isang trauma yung nakita mong actual na kinukuha ang kaluluwa sa hindi magandang paraan at muntik ka ng mapahamak... nakukuha mo parin isipin ang Iba." nakangiting sabi niya

Natigilan ako, I don't know kung anong dapat kong isagot. Kagabi lang pinaniwalang niya sa akin yung dahilan kung bakit may ganito akong kakayahan at pinaliwanag niya na mapanganib ito sa buhay ko. Natakot ako kasi... Sino bang may gustong makakita ng halimaw o diablo diba pero naisip ko ang best friend ko.

I want to save her but I don't know where she is.

"Gaano ba siya kahalaga sa iyo binibini?"

"Huh?"

"Ang matalik mong kaibigan gaano siya kahalaga?" tanong ni Volcan

"Sobrang halaga..."

May papa told me na kapag naging mabuti sayo ang tao dapat kabutihan rin ang isukli mo sa kaniya. Kung maililigtas ko siya... masusuklian ko na ang kabutihan at pagiging tapat niyang kaibigan.

"Oh... anong ginagawa mo dito?" I heard Dr. Gino kaya naman agad akong umayos at humarap sa kanya

Nakataas ang isang kilay pero magkasalubong pareho ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin, nanlambot ako bigla at napalunok. Nakakatakot talaga siya!

"Bingi ka ba anong ginagawa mo diyan?!"

"Hmp.. Papa---  I mean doc gino, ay sorry po mali ako ng natawag sa inyo."

"Bakit ka nga nandiyan?"

"Nagaalala kasi ako sa inyo, baka pinatawan kayo ng parusa dahil sa nangyari. Pasensya na po, sorry po talaga. Dapat siguro talaga sinubukan ko siya iligtas noong kinukuha ng halimaw ang kaluluwa niya."

"Sira ka ba?" tumaas ang kilay niya sa akin. "Anong pinagsasabi mo diyan?"

Nanlaki ang mga mata ko. Bigla kong na realise yung sinabi ko sa kanya.

"I mean... ano... kasi..."

"Tama lang na hindi mo yun ginawa." sabi niya na ikinabigla ko pero siya wala manlang bahid ng gulat sa mga mata niya. "Noong unang beses kitang nakita tumatakbo ka at para kang takot na takot, nararamdaman ng tigreng nasa loob ko na may kakaiba sayo at nararamdaman niya rin na may mga demonyo sa paligid."

"Ang ibig niyo pong sabihin... alam niyo?"

"Hindi. Kutob ko lang pero ikaw na mismo ang nagsabi, kaya tama lang na hindi ka nakielam." sagot niya

Nalungkot ako, pakiramdam ko walang silbi na nakikita ang mga yon kasi hindi naman ako nakakatulong sa kapwa. Palagi na lang talaga akong palpak.

"Sorry po ah... kasi pakiramdam ko wala talaga akong silbi, palagi na lang akong tumatakbo at palagi na lang akong palpak ni hindi manlang ako makatulong--"

THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum