CHAPTER 1

13 3 0
                                    



VOLCAN POV




Ang ngalan ko ay Volcan na ang ibig sabihin ay volcano o bulkan.

Mula sa pinakamalayo ay nakikita ang lahat at naririnig ang mga daing ng mga tao sa kanilang dinadanas subalit wala sa kanila ang nakakakita sa akin.

Sapagkat ako'y walang katawang tao.

Wala akong balak na pasukin ang katawan ng isang tao sapagkat ang misyon ko lamang dito sa lupa ay labanan ang mga nilalang hindi nararapat dito sa lupa.

Nagliliwanag sa madilim na paligid ang higanteng buwan.




"Tulungan mo ako..." may narinig akong boses. "Nakikiusap ako tulungan niyo ako, loveriza please help me..."




Humahagulgol ang boses naririnig ko, nakikiusap sa isang tao subalit parang naghihirap ito. Kaya naman hinanap yun ng aking mga mata, natagpuan

ng aking paningin ang isang babaeng inaaniban ng demonyo at sinusunog ang sariling bahay kasama ang kanyang pamilya.




"Hindi ako nagkakamali sa kanya naririnig ang boses na humihingi ng tulong.." wika ko




At meroon siyang kasama, isang babae. Pilit siya nitong pinipigilan pero mula sa kanya kamay ay bumubuo siya ng apoy.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, pinagliyab ko ang aking mga paa saka mabilis na lumipad papunta sa kinaroroonan ng babaeng inaaniban ng demonyo.




Hindi ako dapat nakikialam sa mga tao dahil wala ito sa aking misyon subalit kung kagagawan ng kadiliman ay hindi ko ito nararapat palampasin.




Mabilis kong inatake ng nagliliyab kong kanang paa ang Diablo sa kanyang ulo kaya't lumagapak ang kanyang buod ulo sa lupa, pagkatapos ay muli ko siyang inatake gamit ang mga nagliliyab kong mga paa dahilan para tumalsik siya sa malayo.



Nilingon ko ang babaeng nakasuot ng puting kasuotan, nagtama ang aming mga paningin.

Nakikita niya ba ako?

Pero paano? Isa ba siya sa pinagpala?



"Celestial Guardian!" wika ng Diablo.


Nabalik ang atensyon ko sa diablo


"Pakawalan mo ang taong yan sa kapangyarihan mo, el diablo." utos ko sa kanya


THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt