CHAPTER 16

3 2 0
                                    






"Magpahinga ka muna binibini." ang sabi sa akin ni Volcan habang nagaayos ako ng sarili ko para magtrabaho na

Marami sana akong gusto itanong sa kanya pero may trabaho pa ako at ayaw ko naman na magalit nanaman sa akin si Dr. Gino.




"Pero kailangan ko na magtrabaho mahirap na baka pagalitan pa ako saka resident palang ako-- ay teka paano ka? Diba nag apply ka eh paano yan eh hindi ka naman pala tao, magaanyong tao ka ba?"

"Ano nagapply siya kailan?" naguguluhang tanong ni Zadkiel




Nagpapalit-palit ang tingin niya sa akin saka kay Volcan.

"Saan ka nagaaply at paano?"

"Ah---" napatingin ako sa isang plastic cup na may laman na Hot chocolate. "Kanino ito galing? Sa akin ba ito?"

"Yan kakulay ng maruming kanal ay inialay po bilang handog sa inyo binibini." ay taray, inihandog raw. Hayan nanaman siya sa binibini teh!

"Ay huwag mo na akong twanging binibini masyadong pormal saka 2023 na ngayon hindi na panahon ng kastila!"

"Ganun ba... pero anong itatawag ko sayo?"

"Loveriza... Dr. Loveriza." nakangiting sabi ko sa kanya

"L-Loveriza." may sumilay na maliit na ngiti sa labi niya





Ewan ko pero parang natulala ako sa maliit pero napaka gandang ngiti niya. Kung totoong tao siguro siya baka nahulog na ako sa ngiti na yon...

"Ehem! Ehem!" nabasag iniisip ko dahil sa bwisit na anghel na biglang nasa harapan ko na pala! "Diba magaling ka na gusto mo na work? Bukas ang pintuan LUMAYAS ka na."




Bwisit ka!



"Huy hindi ako bwisit ah ang bait-bait ko nga pinagtratrabaho na kita."

"Huwag mo nga basahin ang isip ko!" inis na sabi ko sa kanya. Nakakainis 'toh basa ng basa ng isip ko.




Sa sobrang inis ko lumabas na ako tapos nakita ko naman na sumunod sa akin si Volcan. Naramdaman ko yung mainit niyang palad na humawak sa kamay ko.



"Huwag mo na siyang kamuhian mabait naman yun Zadkiel at isa siya sa mandirigmang anghel sa kalangitan." malumanay na sabi niya sa akin

Hindi ako nakaimik hindi ko naman kasi alam ang isasagot. Pero mabuti na lang totoo ang mga anghel, akala ko hindi ako makakakita ng anghel o puro demonyo lang ang nakikita ko pero totoo naman pala ang mga anghel.

THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Where stories live. Discover now