CHAPTER 17

3 2 0
                                    







"Mabuti pa ang mga tagalupa may matatawag silang pamilya. Meron silang tinatawag na kapatid at magulang pero tayo... hindi ko maintindihan kung bakit hindi natin pwede maranasan na magkapamilya."





"Naiingit ka ba sa mga tao Volcan?" ang tanong ni sukuna sa akin. Hindi ako sumagot kasi nung panahon na yon totoo naman yung tanong niya sa akin.




Naiingit ako sa mga tao kasi pwede nila gawin kung ano man ang nais nila, kahit na mandalas silang gumagawa ng masama sa kapwa palagi na lang nasa kanila ang lahat, para sa Diyos sila ang pinaka mahalaga.




"Mali yan... lahat tayo mahalaga sa lumikha."

"Paano mo naman nasabi yan?"

"Lahat ng ginawa niya ay mahal niya at mahalaga saka magkapatid tayo, lahat ng niliha na tao ng Diyos ay magkapatid sa kanya at ganun rin ang mga anghel at celestial guardian ay magkakapatid sa kanya." nakangiting sabi niya sa akin

"Magkapatid tayo..."




Napaka buting celestial guardian ni Sukuna at naniniwala siya noon na mabubuti ang mga tao kaya sobrang nalungkot ako sa nangyari sa kanya. Sa ngayon ay napupuno siya ng matinding ppuot at hindi ko alam kung kaya siyang iligtas.








GINO POV





"Sa wakas Anna gising ka na! Ano may masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo mahal ko?"

"Gino... bakit parang ang dami namang nakakabit sa akin?" sabi niya na ang tinutukoy ay yung mga parang maliliiit na host kung saan dumadaan yung protinang kinakain ng kanyang katawan nung comatose siya

"Na-comatose ka kasi ng anim na buwan."

"S-Si Blade at Blaze? Nasaan sila?"




Hinaplos ko ang buhok niya saka marahan na hinalikan ang kanyang noo.

THE WORLD FINEST DOCTOR'S (WHO IS DOCTOR BLADE BOOK 2)Where stories live. Discover now