Prologue

8K 235 20
                                    

Started: September 23, 2016Completed: May 24, 2017

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Started: September 23, 2016
Completed: May 24, 2017

Tandang-tanda ko pa ang araw na iyon. Ang araw na dapat masasaya ang lahat sa amin pamilya. Na dapat lahat ay nasasabik sa pagpalit ng taon.

Bigla na lamang siya nawala na parang isang bula.

Ni hindi man lang nag iwan ng bakas.

Hindi lamang isang pinsan ang turing ko kay Juno. Matalik na kaibigan ko siya. Hindi hamak na mas malapit pa ang loob ko kay Juno kumpara sa nag iisa kong kapatid na si ate Selena.

Ako nga pala si Demetria pero palayaw sa akin ng nakakarami ay Demi. Dalawampu't apat na taon na ako. Pero tanda ko pa rin ang lahat ng mga nakakakilabot na kaganapan dalawang taon na ang nakakalipas simula noong pumanaw si Juno.

Dalangin ko sa mga oras na ito ay patnubayan ka ng Diyos sa pagtuklas sa mga ibabahagi kong lahad tungkol sa aking pinsan. Bangungot at misteryo ang nakaakibat sa likod ng pangalan niya.

Umusal ka na ng mataimtim na panalangin sa itinuturing mong Diyos bago pa mag mistulang dinaluyong ng bagyo ang iyong buhay sa tila masamang panaginip na mababasa sa kuwento ni Juno.

-----Author's Note-------
Ngayon lang ulit ako mag susulat ng isang ghost story na may bahid ng dark fantasy genre. Halos lahat na kasi ng mga iba kong naisulat dati more on serial killings and erotics sa aking account. I hope you could love the story of Juno and have some vote and comment.

Enjoy reading.

Juno (Series Vol. I Completed)Where stories live. Discover now