Chapter 24: Panaginip

1.9K 83 30
                                    

Author's Note: We are getting closer to the epilogue. Gugulatin ko na lang kayo sa epilogue kapag pinost ko na ito hehe. And just to give you a heads up, part ang Juno ng aking "Dark Fantasy Series" at series #1 po ito. Kapag natapos na ang series #1 which is ang Juno ipupublished ko na rin po agad ang series #2 which is entitled "Demi." Para mas abangan ninyo ang series #2 ginawan ko na po ito agad ng book cover:

" Para mas abangan ninyo ang series #2 ginawan ko na po ito agad ng  book cover:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---------------------------

"Demi... Demi..." Kanina pa may tumatawag ng aking pangalan. Hindi ko alam kung nasaan ako. Nasa isang kawalan ata. Tanging liwanag lamang ng buwan at mga bituin ang aking nakikita sa kalangitan. Parang nasa desyerto ako. Puro buhangin lamang ang aking nakikita sa daanan. Ramdam ko rin ang malamig na hangin.

"Demi... Demi..." Kanina ko pa naririnig ang boses na tumatawag sa aking pangalan. Tantsa ko may kalahating oras na rin akong naglalakad sa kawalan na ito habang naririnig ang tinig ng babaeng iyon. Boses ng babae na tila nagmula pa sa kailaliman ng lupa.

"Demi... Demi..." Nakakarindi na ang pagtawag niya sa aking pangalan. Sino ba siya?

"Inuutusan kita! Magpakita ka!" Biglang lumabas ang mga salitang iyon sa aking bibig. Maawtoridad. Hanggang sa naramdaman kong parang lumilindol. Tila bubuka ang buhangin sa desyerto na aking nilalakaran ngayon. Nang biglang may sumabog na puting liwanag sa aking harapan. Bigla akong napapikit sa sobrang liwanag. Nakakasilaw. Ang sakit sa mga mata ng liwanag.

Mayamaya pa ay untiunti naglaho ang liwanag. Marahan ko naman idinilat ang aking mga mata. Sa aking pagkakamulat ay biglang nag iba ang buong kapaligiran. Napunta ako bigla sa parke. Ang parke na madalas namin puntahan dati ni Juno.

May nakita akong seesaw. May babaing nakaupo rito. Nilapitan ko siya mula sa kanyang likuran.

"Juno?" Bigla kong sambit nang pumunta na ako sa kanyang harapan. Si Juno nga.

"Demi..." Wika niya sa akin. Ngunit sa pagkakataon na ito hindi siya nakakatakot. Hindi siya galit. Kalmado lang at napakaaliwas ng kanyang mukha.

"Demi, ang tagal kong ninais na mangyari ito. Ang tagal kong kumubli sa kadiliman at galit. I'm sorry kung pilit ko kayong tinatakot. Nagawa ko pang saniban si mama. Alam ko wala na si Nick. Sobrang nalulungkot ang aking kaluluwa sa kanyang pagkamatay. Pero nagagalit din ako huhu..." Bigla siyang huminto sa pagsasalita at umiyak.

"Bakit?" Iyon na lamang ang tangi kong naiwika sa kanya.

"Nagagalit ako! Nagagalit ako huhu..." Sigaw niya habang umiiyak pa rin.

"Hindi kita maintindihan Juno. Bestfriends tayo diba? Maari mong sabibin ang lahat sa akin para matapos na ang lahat." Sabi ko sa kanya ngunit bigla siyang tumayo sa seesaw at nagpalingalinga sa paligid. Bigla siyang hindi mapakali.

"Demi, marami pa sana akong gustong sabihin sa'yo pero kailangan ko ng mawala. Hindi ako maaring makita ng aking tagasundo. Sa oras na makita at mahuli ako ng nilalang na iyon baka hilahin na niya sa impiyerno ang aking kaluluwa."

Juno (Series Vol. I Completed)Where stories live. Discover now