Chapter 17: Sementeryo

2.1K 91 6
                                    

Papunta kami ngayon sa sementeryo. Ewan ko ba kung ano ang trip ng mag kakambal na ito. Ang creepy ng trip sa buhay. Hay, wish ko lang makatulong ang balak nila upang matapos na ang kalbaryo ng aking pinsan na si Juno.

"Ano ba talaga ang trip ng mga pinsan mo, Taylor? Bakit bigla nila naisipan na pumunta rito sa sementeryo?" Tanong ko kay Taylor habang binabaybay namin ang entrada ng sementeryo kasama ang kanyang mga pinsan.

"Magtiwala ka lang sa kanila. Hindi ako pamilyar sa kanilang gagawin pero ipapaliwanag ni Keith ang lahat mamaya." Tugon sa akin ni Taylor.

"Pssst... pssst... pssst..." Bigla akong napalingon sa aking paligid. Parang may narinig akong sumitsit ng tatlong beses.

"Pssst... pssst... pssst... Demi." Natigilan na ako sa pag lalakad sa pagkakataon na ito. Narinig ko na naman ulit ang sumisitsit at sa pagkakataon na ito ay naulinigan kong may tumawag ng aking ngalan.

Nagpalingalinga ako sa aking paligid. Gabi pa naman na. Alas otso ng gabi. Napansin naman ni Taylor na napahinto ako sa paglalakad at lumapit sa akin.

"Tumigil ka sa paglalakad mo bigla." Tanong sa akin ni Taylor.

"Narinig mo ba yung sumisitsit?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, narinig ko. Tinawag din nito ang iyong pangalan. Huwag mo na pansinin ito at huwag na huwag kang lilingon. Ituon mo lamang ang iyong tingin sa harapan habang sinusundan natin sina Charles at Keith sa paglalakad." Sabi niya sa akin. Napakunot naman ako sa kanyang turan.

"Pero bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Huwag ka na lamang lumingon o tumingin sa iyong likuran. Mukhang may sumusunod sa iyong dalawang kaluluwa ng isang matandang babae at batang babae na batid kong kilala ka." Paliwanag niya sa akin. Hindi na ako nagsalita at nagtanong pa ng kung ano kay Taylor. Pero napaisip naman ako sa kanyang sinabi na may isang matandang babae at batang babae. Parang nakukutuban ako kung  sino sila.

Pansin ko medyo kanina pa kami naglalakad sa loob ng sementeryo. Mas lumalamig na kumpara kanina. Kung alam ko lang sana pala sinuot ko ang aking jacket.

"Saan ba talaga tayo papatungo?" Bulong ko kay Taylor.

"Sa sentro o gitnang bahagi ng sementeryo." Sagot ni Taylor.

"Pansin ko lang bakit parang alam na alam na nina Charles at Keith ang pasikot-sikot sa sementeryo. Nakapunta na ba sila dati rito?"

"Hindi pa. But they have this unique gift of seeing things or places that they still did not ever visit in their entire lives before."

Kakaiba talaga ang dalawang pinsan ni Taylor. Aside sa third eye o makakita ng multo ay marami pa silang ibang kakayahan.

"Nandirito na tayo." Biglang salita ni Keith.

Huminto na ang lahat sa paglalakad. Tiningnan ko ang buong paligid. Ang daming nitso rito. Pero kahit taga rito ako ni minsan hindi pa ako napadpad sa sentrong bahagi ng sementeryo. Namilog naman ang aking mga mata nang napatingin ako sa aking likuran. Ang matandang manghuhula sa Central Mall at ang batang babae na parati niyang kasama ay batid kong may sampung dipa lamang ang distansya sa aking kinatatayuan ngayon. Walang ekspresyon ang mukha ng batang babae pero ang matandang manghuhula ay may gumuguhit na nakakalokong ngiti sa kanyang labi. Naramdaman ko rin ang biglang pagtaas ng mga balahibo ko sa aking katawan. Tama nga si Taylor na kakilala ko ang dalawang kaluluwa na sumusunod sa akin kanina pa. Pero bakit nila ako sinusundan? O sadyang hindi lang matahimik ang kanilang mga kaluluwa dahil hindi pa nila nakakamit ang hustisya? Batid ko rin naman na hit and run sila ng driver ng truck na nakasagasa sa kanila sa tapat ng paaralan na aking pinapasukan.

Inihahanda na nina Charles at Keith ang kanilang mga gagamitin para sa kanilang plano.

"Oo nga pala bago tayo mag simula sasabihin ko muna ang balak namin ni Charles." Sabi ni Keith. "May gagawin tayong 'pagtatawag.' Isa itong ritwal na hindi masyado ginagawa ng mga clairvoyant. Sabi kasi nila napakadelikado at nakakatakot. Pero kami ni Charles dalawang beses na namin ito matagumpay na nagawa noon. Kung kaya ay kumpiyansa na kami na mairaraos natin itong ritwal ngayon gabi sa gitna ng sementeryo." Pagpapatuloy ni Keith.

"Tapos na ako!" Bigla sabi ni Charles. Napatingin naman kami sa direksyon na kanyang kinatatayuan. Gumawa siya ng isang malaking bilog na binubuo ng maliliit na puting kandila na may sindi na ng apoy.

"Ngayon ay kailangan natin pumasok sa bilog na ginawa ni Charles." Utos sa amin ni Keith. Nagkatinginan na lamang kami ni Taylor at sinunod ang sinabi ni Keith. Tumabi kami sa loob ng bilog kung nasaan si Charles. Napansin ko naman na may inilalagay na puting bagay si Keith sa labas ng bilog ngayon. Hindi ko batid kung harina ba ito o asin.

"Ano ang nilalagay ni Keith sa labas ng bilog?" Bulong ko bigla kay Charles.

"Its a salt." Sagot niya.

"For what?" Tanong ko ulit.

"Salt, to give us protection from any possible entity who wants to do something bad." Napatango na lamang ako sa kanyang sinabi. Asin talaga? Parang mga naririnig ko sa ibang kuwentong matanda. Pangontra nga raw sa mga multo o iba pang entity ang asin. Sumisimbolo kasi ito sa kalinisan at isa rin alternatibong gamit kung walang agua bendita pang laban sa mga kampon ng kasamaan.

Pumasok na rin si Keith sa loob ng bilog matapos niyang lagyan ang buong labas ng asin.

"Now guys listen to me. Just calm down most especially you, Demi. I know this is really unusual to you but this is one of the best options that we are thinking right now that could help Juno." Sabi sa amin ni Keith. "Ngayon naman ay ipikit ninyo ang inyong mga mata. Alisin ninyo muna ang kahit anong mga bagay na tumatakbo sa inyong mga isipan." Pagpapatuloy ni Keith at nakita kong inilabas niya sa bulsa ng kanyang short ang maliit na bolang kristal.

Ipinikit ko na ang aking mga mata. Narinig ko naman na may sinasambit si Keith na tila isang orasyon. Hindi ko maintindihan ang mga salita. Mukhang ibang lenguwahe ito o diyalekto. Hanggang sa sinabayan na rin siya ni Charles.

Mga ilang minuto na rin ang lumilipas at patuloy pa rin sa pag bigkas ng orasyon ang mag kakambal. Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang kanilang pagbigkas hanggang sa tumigil ang mga ito. Biglang binalot ng katahimikan ang buong paligid. Pati ang mga kuliglig na naririnig ko kanina ay nanahimik din sa paligid. May naramdaman akong malakas na ihip ng hangin na dumadampi sa aking balat. Nakapikit pa rin ako. Hanggang sa biglang may sumigaw na tinig ng isang babae. Bigla akong napadilat sa gulat at takot. Napatingin ako sa may labas ng bilog nitong mga kandila. Nakita ko rin na wala na pa lang ilaw ang mga kandila. Sa labas ng bilog ay may isang babae na nakaputing bestida. Natatakpan ng kanyang mahabang magulong buhok ang mukha niya. Nakalutang ito sa ere. Sa takot ko na rin ay napahawak ako sa kaliwang braso ni Taylor.

"Isa... dalawa... tatlo... apat... lima... anim... maglaro tayo. Ako ang taya. Kayo naman ang magtatago. Ang unang mahuhuli ko siya ang susunod kong aagawan ng katawan. Hahahaha!" Sabi sa amin ng babae na may kasama pang halakhak.

Hindi pa nagpapakilala ang kaluluwa ng babae sa amin pero pakiramdam ko kilala ko na siya.

Siya ang umagaw ng katawan lupa ng aking pinsan.

Si Juno...

-----End of chapter 17-----
Please vote and comment below. Thanks.

Juno (Series Vol. I Completed)Where stories live. Discover now