Chapter 11: Aksidente

2.3K 98 2
                                    

Mahimbing na natutulog ang lahat sa bahay namin maliban lamang sa akin. Hindi ko magawang makatulog kapag pinipikit ko ang aking mga mata habang nakahiga sa kama. Sumasagi pa rin sa aking isipan ang bagay na natuklasan ko kay Juno nang nasa loob siya ng banyo. Hanggang sa bigla kong narinig na nagsalita si Juno. Marahan akong bumaling ng tingin sa kanyang kama. Laking gulat ko nang nakita kong nagsasalita siya ngunit nakapikit ang kanyang mga mata. Nagsasalita habang tulog? Weird niya talaga.

Hindi ko tinangka na lapitan siya. May nararamdaman ako sa mga sandaling ito na sasagot na sa palaisipan kung bakit sinabi ni Juno sa kanyang sarili na dapat na siyang mamatay habang nasa loob ng banyo kanina. Nang biglang isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Juno na naging dahilan upang maabala ang malalim na tulog ni ate Selena.

"Ano ba Juno magpatulog ka nga! Istorbo!" Naiiritang sabi ni ate Selena sabay talukbong nito ng kumot sa kanyang mukha.

Nakita ko naman na biglang bumangon si Juno at tumakbo palabas ng kuwarto namin. Bumangon na rin ako upang sundan siya kung saan man ito papatungo.

Pagdating sa salas ng bahay ay nakita kong binuksan ni Juno ang pinto at lumabas dito. Sinundan ko siya sa labas ng bahay hanggang sa tumawid ito sa kalye. Ngunit hindi pa siya nakakarating sa kabilang parte ng kalye ay may isang pulang kotse na humaharurot sa daan ang biglang nakabundol kay Juno. Sa sobrang gulat at pag aalala ko ay pinuntahan ko agad si Juno sa gitna ng kalye habang naliligo sa sarili nitong dugo. Ang pulang kotse naman ay hindi huminto upang tulungan kami ni Juno kung sino man ang nagmamaneho nito. Sa takot ko ay pag iyak at pag sigaw ng saklolo sa mga kapitbahay ang tangi ko na lamang nagawa hanggang sa lumabas na sina mom, dad, at tita Heather ng amin gate.

"Anak ko!" Sigaw ni tita Heather nang nakita niya si Juno na nakahiga at walang malay sa gitna ng kalye na naliligo sa sarili nitong dugo.

"Diyos ko ano ang nangyari kay Juno?!" Natatarantang sabi naman ni mom.

"Hindi ko rin po alam. Nagising na lamang po kami kanina ni ate Selena sa kuwarto na biglang sumigaw si Juno at nagtatakbo palabas ng bahay. Sinundan ko siya rito nang biglang may mabilis na pulang kotse ang nakasagasa kay Juno huhuhu!" Naiiyak kong salaysay kanila mom.

"Bubuhatin ko na si Juno nang maisakay na siya sa loob ng van at maihatid sa hospital." Sabi ni dad. Binuhat na ni dad si Juno papunta sa loob ng van upang isugod sa malapit na hospital. Napansin ko naman na marami na pa lang mga kapitbahay ang nakikiusyoso sa naganap kay Juno. Kailangan ko na rin ito ipaalam kay Nick. Tiyak na mag aalala iyon para kay Juno.

Naiwan si mom at ate Selena sa bahay upang mag bantay dito. Ako, si dad, at tita Heather ang sumama kay Juno sa hospital.

Nasa loob ngayon ng emergency room si Juno. Diyos ko sana kayanin ni Juno ang nangyari sa kanya. Hindi siya puwede bumitaw. Hanggang sa sumagi sa aking isipan ang hula ng matandang babae. Si Juno kaya ang tinutukoy niya na mamatay na malapit sa akin? Hindi! Hindi ko dapat isipin ang hula ng baliw na matandang iyon. Hindi pa mamatay si Juno. Maari na nagkataon lamang ang lahat ng ito.

"Demi, si Juno nasaan siya?" Napalingon ako sa aking likuran sa hallway ng hospital. Dumating na pala si Nick at kasama niya rin si Taylor.

"Ano na ang lagay ni Juno?" Nag aalalang sabi naman sa akin ni Taylor.

"Nasa emergency room pa siya. Ginagamot pa siya ng doktor at mga nurses." Sagot ko kay Taylor.

"Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong ni Nick.

"Ang tanging alam ko lang ay natutulog na kami kanina sa kuwarto nang biglang sumigaw nang napakalakas si Juno at tumakbo palabas ng bahay. Sinundan ko siya at nakita kong nasagasaan siya ng pulang kotse." Kuwento ko sa kanila.

"Nasaan na ang nakasagasa?" Tanong ni Nick.

"Hindi huminto ang driver. Diretso lamang ito sa pagmamaneho." Tugon ko kay Nick.

"Fuck!" Namomoot na sabi ni Nick. Nababakas ko sa kanyang mukha ngayon ang labis na galit sa driver ng pulang kotse na nakasagasa kay Juno.

"Putang ina malaman ko lang talaga kung sino ang driver na nakasagasa kay Juno papatayin ko talaga siya!" Dagdag pa ni Nick. Nang biglang sinuntok niya ang pader sa kanyang gilid.

"Nick, mag hunos dili ka!" Sita ni Taylor sa kanya.

"Paano ako mag huhunos dili o kakalma nito kung batid ko ngayon na nasa bingit ng kamatayan ang aking girlfriend?!" Nag aalalang sagot ni Nick kay Taylor.

"Naiintindihan ka namin Nick. Pero ang sa amin lang din ni Taylor hayaan na muna natin ang doktor na umayos ng lahat sa kalagayan ngayon ni Juno. Lets just hope and look forward that Juno will be alright later." Sabi ko kay Nick. Napabuntong hininga na lamang si Nick sa amin ni Taylor at naupo sa waiting area. Si dad at tita Heather naman ay nandoon pa rin sa labas ng pintuan sa emergency room. Hinihintay ang paglabas ng doktor sa kung ano man ang sasabihin nito tungkol sa lagay ni Juno.

Niyaya ko naman pumunta muna ng pantry sina Nick at Taylor upang mag kape pansamantala. Ngunit nagpaiwan na lamang si Nick sa waiting area na hindi kalayuan sa emergency room habang balisa at nag aalala para sa kanyang girlfriend na si Juno.

Habang nasa pantry at kasalukuyan na nagkakape sa isang couch ay bigla akong siniko ni Taylor.

"Mag tapat ka nga sa akin Demi. Ano ba talaga ang nangyari riyan sa iyong pinsan?" Tanong niya sa akin bigla.

"Hindi ko rin masyado maunawaan ang lahat." Sabi ko sa kanya.

"Ano'ng ibig mong sabihin Demi?" Hindi muna ako agad tumugon kay Taylor. Uminom muna ako ng kape sa aking baso pagkatapos ay huminga ng malalim.

"Lately, may napapansin akong mga kakaibang ikinikilos ni Juno pagkatapos namin manggaling sa birthday party mo, Taylor." Panimula ko na siya naman ipinagkunot ng noo ni Taylor sa akin.

"Simula noon may mga bagay akong napapansin kay Juno na hindi naman niya ugaling ginagawa. Kung minsan nagsasalita siya ng matalinghagang wika na hindi ko maintindihan sa tagalog. May mga oras din na tulala siya. Walang kibo. Ang weird niya rin kahapon kasi niyaya ko siya pumunta sa plaza at namitas siya ng mga gumamela at inialay sa altar namin sa kuwarto. Tinatanong niya rin ako kung ano ang pakiramdam ng mga taong sumakabilang buhay na. Alam mo iyon, ang weird ng tanong niya at hindi ko alam kung paano sasagot sa kanya. Ang huli kong nadiskubre sa kanya ay nang pumasok siya sa loob ng banyo namin sa kuwarto. Narinig kong kinakausap niya ang kanyang sarili. Paulit-ulit niya na sinasabi sa kanyang sarili ang katagang, mamatay ka Juno. Sobrang creepy at weird niya. Feeling ko sinasaniban siya ng isang masamang espiritu simula noong umalis kami sa birthday party mo." Lahad ko ko Taylor.

"Mukhang alam ko na kung bakit." Isang makahulugang tugon ang ibinigay sa akin ni Taylor matapos kong ikuwento ang lahat ng kakaibang napapansin ko kay Juno.

-----End of chapter 11-----
Please vote and comment below. Thanks.

Juno (Series Vol. I Completed)Where stories live. Discover now