Chapter 19: Lihim

2.1K 82 27
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula noong nagapi ni Keith ang kaluluwang sumapi sa katawan ni Juno. Sa ngayon tingin ko ayos na ang lahat. Nandito ako sa bahay ngayon ni Taylor. Nasa loob ng kuwarto niya.

"Five hours na lang at new year na friend!" Masayang sabi sa akin ni Taylor habang pumipili ng damit na susuotin para sa new year's eve.

"Oo nga eh." Pag sang ayon ko sa kanya habang nakasulyap sa labas ng bintana nitong kuwarto niya.

"Oh, don't forget to get my fruitcake that I baked for you before going home."

"Oo naman. Alam mo naman na favorite ko ang fruitcake mo Taylor."

Habang namimili si Taylor ng susuotin niya for new year's eve nakita ko sa labas ng bintana ang kanyang mga pinsan na sina Charles at Keith nag aayos ng mga paputok na gagamitin nila mamaya pag sapit ng hating gabi.

"Kailan uuwi sila Keith sa Manila?" Bigla kong tanong kay Taylor.

"Bukas na."

"Talaga."

"Mamimiss mo si Keith no? Ayiie!" Biglang tukso sa akin ni Taylor. Hinagis ko naman bigla sa kanya ang unan na aking yakap sa kanyang kama ngayon.

"Sira ka!" Sigaw ko sa kanya. Napakaintrigera rin ng babaeng ito no.

"Sus, alam mo simula noong dumating silang dalawa ni Charles sa Tarlac pansin ko madalas mo kinakausap si Keith. At saka kapag nakikita ko kayong dalawa kapag nag uusap parating may spark sa iyong mga mata. Haha."

"Wow, at saan mo naman nakukuha ang mga bagay na iyan? Kilabutan ka nga Taylor!" Depensa ko sa aking sarili.

"Ay, sus napaka defensive mo naman friend! Huwag kang mag alala ako ang mag tatatag ng inyong love team ayiee!" Asar, lakas ng tama ni Taylor.

"Maiba ako, wala bang girlfriend si Keith sa Manila?"

"Wala. But she used to have a girlfriend two years ago."

"Ano nangyari sa kanila ng kanyang girlfriend?"

"Its a long story Demi. But to make it short, Keith is a hopeless romantic. Mahal na mahal niya ang kanyang girlfriend kaso hindi natanggap nito ang kanyang lihim. Ang pagiging dalaketnon."

"Oo, nabanggit nga sa akin dati ni Keith ang totoong pagkatao nila ng kanyang kakambal. Na hindi sila totoong mga tao kung hindi anak ng engkanto na tinatawag na dalaketnon. Pero ang sama naman nang ginawa noong dati niyang girlfriend. It only means na hindi talaga siya mahal no'n. Kasi kung mahal talaga siya ng kanyang girlfriend, tatanggapin siya nito kahit ano pa ang pinanggalingan niya." Sagot ko kay Taylor. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Nakakainis naman ang ex girlfriend ni Keith kasi.

"Kalma ka lang Demi haha!" Natatawang sabi sa akin ni Taylor habang sinusukat sa harapan ng salamin ang napili nitong damit para sa new year's eve.

"Nasaan na ba ang babaeng iyon? I mean iyong ex girlfriend niya?"

"Wow, bakit bigla ka ata na curious sa ex girlfriend ni Keith?"

"Wala lang. Pero kuwentuhan mo pa nga ako. So, after malaman ng ex girlfriend ni Keith ang kanyang lihim ano na ang sunod na nangyari? Nag hiwalay na lang ba sila nang ganun-ganun lang?"

"Hindi naman. Well, to be honest wala naman closure sa relasyon nila. Second anniversary nila noong ipinagtapat ni Keith sa kanyang girlfriend ang totoo niyang pagkatao. Ako nga ang pinag ayos ni Keith sa venue ng dinner nila. Tutal pareho naman silang malapit sa akin. Actually, closed friend ko ang kanyang ex girlfriend. Natapos nang wala sa tamang oras ang kanilang dinner noong gabing iyon. Sinabi rin kasi sa akin ni Keith kapag nag two years na sila ay ipagtatapat na niya ang kanyang totoong pagkatao. Kaso kahit pala dalawang taon na silang in a relationship hindi umayon ang pagkakataon sa plano ni Keith. Sobrang nagulat ang kanyang ex girlfriend nang nalaman nito ang totoong pagkato niya. Simula noon ay hindi na nagparamdam pa ang babae. Sinusubukan tawagan at itext ni Keith ang babae pero wala na siyang makuha pang mga reply. Hanggang sa sumuko na si Keith. Matapos ang isang linggo na panunuyo ni Keith sa babaeng iyon ay napagdesisyunan niyang gamitin ang isa sa mga tinataglay na kapanyarihan ng maliit na bolang kristal. Isang gabi habang malalim nang natutulog ang kanyang gilfriend ay pumuslit si Keith sa bahay nito. Pumasok siya sa bintana ng kuwarto nitong ex girlfriend niya. Gamit ang maliit na bolang kristal ay pinahigop nito ang lahat ng alaala ng kanyang ex girlfriend simula noong nagkakilala sila hanggang sa huling beses sila nag dinner noong second anniversary nila. Simula noon ay wala ng maalala ang babae tungkol sa kanya. Parang hindi sila nagkakilala. At doon nag tatapos ang masalimuot na hopeless romantic story ni Keith." Saad sa akin ni Taylor. Hindi ko inakala na may ganoon pa lang kabigat na nakaraan si Keith. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may pumapatak na pa lang luha sa kanang mata ko sa aking kamay. Pinunasan ko agad ang aking mga mata. Hindi ko alam pero parang may matinding kumirot sa aking puso nang narinig ko ang kuwento ni Keith at ng kanyang ex girlfriend.

Naisip ko lang hindi ba parang napakadaya naman ni Keith. Paano kung masyado nga lang nagulat ang babaeng iyon at hindi naman natakot. Siguro gusto niya lang ng oras para makapag isip. Kasi nakakagulat din nga naman kung malalaman mo na ang taong mahal mo pala ay may matinding lihim. Hindi ba naisip ni Keith iyon? Tapos bigla na lamang niya kinuha ang mga alaala ng ex girlfriend niya. Pero ako naman nang nalamang ko ang kanyang lihim hindi naman ako natakot. Siguro nagulat lang. Saka mabait naman si Keith. Naiimpressed nga ako sa kanya kasi napakatapang niya. Ang dami na niyang nagapi dati na masasamang entity. Unlike ng kakambal niyang si Charles na medyo duwag. Guwapo rin naman si Keith. For me complete package na siya bilang boyfriend. Pero hindi ko rin naman masisi ang kanyang ex girlfriend kung bigla na lamang nawala ang presensiya nito kay Keith. Wala naman talaga nakakaalam kung ano nga ba ang totoong mga bagay na tumatakbo sa isipan ng ex girlfriend ni Keith noong panahon na iyon.

-----End of chapter 19-----
Please vote and comment below. Thanks.

Juno (Series Vol. I Completed)Where stories live. Discover now