Chapter 8: Hula

2.5K 102 2
                                    

"Juno wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko kay Juno nang nakita ko siya na nakaupo sa kanyang kama habang nakatingan lamang sa cellphone nito.

"Wala naman." Sagot niya.

Nabaling naman ang tingin ko sa kama ni ate Selena. Wala na ito. Siguro pumasok na siya sa kanyang klase.

"Natatakot ako Demi." Biglang sabi sa akin ni Juno habang nakatingin pa rin sa screen ng kanyang cellphone.

"Bakit naman? Don't tell me tungkol pa rin ito sa ouija board sa birthday party ni Taylor." Tugon ko sa kanya habang inaayos ang aking unan at kumot sa kama.

"Nanaginip ako kagabi. Sobrang kakaiba. Nakakatakot. Akala ko mamatay na ako." Sabi niya sa akin. Natigilan naman ako bigla sa pag sinop ng unan at kumot ko sa kama sa kanyang turan at binalingan siya ng nakakapagtakang tingin.

"Can you share it with me?" Sabi ko kay Juno. Napansin ko naman na napahinga muna siya ng malalim bago mag salita.

"Nasa isang sementeryo raw ako. Sa sementeryo na iyon ay may namumukod tangi na lapidang may bahid ng dugo. Sinubukan kong lapitan ito ngunit nang malapit na ako ay may tatlong lalaki na  nakasuot ng maskarang kulay itim ang lumitaw sa harapan ng lapida. Batid kong mga lalaki sila kasi walang saplot ang mga ito. Lahat sila ay may hawak na punyal. Sa takot ko ay tumakbo ako nang napakabilis hanggang sa napadpad ako sa isang masukal na gubat. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa biglang nahulog ako sa isang napakalalim na butas. Pagkatapos no'n ay nagising na ako." Salaysay sa akin ni Juno.

Hindi ko naman alam ngayon kung paano reresponde sa kanyang kinuwento. Tila umatras ang aking dila o naubusan ng sasabihin. Naramdaman ko rin na nag sipag taasan ang mga balahibo ko.

"Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang masamang panaginip na iyon." Dagdag pa ni Juno.

"Huwag mo na masyado isipin iyon Juno. Isa lamang masamang panaginip iyon." Pag aalo ko sa kanya. Pagkatapos ay nilapitan ko si Juno at tinabihan sa kanyang kama.

"Ngayon lamang ako nanaginip ng ganitong kasama." Sabi ni Juno.

"Punta na lang tayo sa Central Mall. Sa pagkakaalam ko may kakabukas lang na bagong ice cream parlor roon. Subukan natin ang mga flavors nila roon nang mapalitan ng good vibes iyan takot o kaba mo dahil sa iyong masamang panaginip." Sabi ko na may kasamang ngiti kay Juno.

"Ayoko. Tinatamad ako. Parang gusto ko lang humilata buong mag damag sa kama." Sabi ni Juno sa akin. Hinayaan ko na lang siya at mag isa na lamang akong pumunta sa Central Mall.

Habang nasa Central Mall at kumakain ng binili kong choco fudge ice cream na nabili sa kakabukas lamang na bagong ice cream parlor ay  nakita ko si Nick na pababa ng escalator. Kinawayan ko naman siya agad at napansin niya ako. Pagbaba niya ng escalator ay sinalubong ko siya.

"Mag isa ka lang? Hindi mo kasama ngayon si Juno gumala?" Nakangiting tanong sa akin ni Nick.

"Nope. Sinubukan kong yayain si Juno kaso tinatamad siya na lumabas ngayon araw. Sabi niya matutulog lang siya buong araw tutal wala naman schedule ngayon sa school." Sagot ko kay Nick.

"Ikaw anong ginagawa mo rito ng mag isa Nick?" Tanong ko naman sa kanya.

"Inutusan lang ako ni Mama na makipag kita sa kanyang buyer ng binebentang ube na halaya. Hindi kasi siya puwede ngayon makipag meet sa client at marami pa siyang kailangan tapusin na order sa bahay." Sagot sa akin ni Nick.

"Pauwi ka na ba Nick?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Gusto mo ba sumabay na sa akin? Dala ko ang aking motor."

"Hindi muna. Maglilibot pa kasi ako sa Central Mall." Pagkatapos no'n ay nagpaalam na kami sa isa't isa ni Nick.

Sumakay naman na ako ng escalator pataas sa susunod na floor. Pagdating ko sa sumunod na floor ay may napansin akong isang maliit na boot. Isang boot ng matandang manghuhula na may kasama pang batang babae. Pareho sila na nakasuot ng itim na belo sa ulo. Sinubukan kong lumapit sa kanila.

"Ale, magkano po magpahula sa inyo?" Tanong ko sa matandang babae. Hindi sumagot ito sa akin sa halip ay pinukulan ako nito ng isang walang ekspresyon na tingin.

"Ale, magkano po? Gusto ko po sana magpahula kung puwede." Sabi ko ulit sa matandang babae.

"Walang bayad para sa isang espesyal na dilag na katulad mo. Sige, maupo ka at ilatag mo sa akin harapan ang iyong kanang kamay nang mahulaan na kita." Sabi sa akin ng matandang babae na ngayon ay napansin kong may gumuhit na tila misteryosong ngiti sa kanyang mukha.

"Talaga po walang bayad?" Sabi ko na hindi makapaniwala. Nginitian naman ulit ako ng manghuhula bilang pag tugon sa akin. Kapag sinusuwerte ka nga naman. Sayang wala si Juno dalawa sana kami rito ngayon na mahuhulaan. Pero legit naman kaya itong matandang manghuhula na ito? Bahala na.

Iniabot ko ang aking kanang palad sa matanda. Hinawakan niya ito at pinagmasdan na mabuti.

"Ihanda mo ang iyong sarili dilag sapagkat may paparating na unos. Isang unos na babalot sa buong buhay mo. Lungkot at takot ay mamayani." Hula sa akin ng matandang babae na siyang ipinagkunot noo ko naman.

"Hindi ko po kayo maintindihan ale." Nagugulumihan kong turan sa kanya.

"Nalalapit na ang pagbagsak ng maraming luha sa mga mata mo. At isang bangungot ang magiging kapalit ng lahat na iyong haharapin sa hindi nalalayong panahon mula sa araw na ito." Dagdag pa ng matandang manghuhula.

Sa pagkakataon na ito ay napilitan na akong bawiin ang aking palad sa pagkakahawak ng matanda. Nakakakilabot ang mga hula na kanyang sinasabi sa akin. Hindi rin ganito ang inaasahan kong kahihinatnat ng hula na ito. Ang buong iniisip ko lang kanina ay baka tungkol lang sa love life o suwerte sa hinaharap ang kanyang ibabahagi sa akin gamit ang kanyang panghuhula.

"Nababaliw na kayo!" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na isigaw iyon sa matanda. Marahil ay sa sobrang gulat ng kanyang mga inihula sa akin. Pagkatapos ay nagmadali na akong lumayo sa boot ng matandang manghuhula. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay bigla akong natigilan nang tawagin niya ang aking ngalan.

"Demi! Demi! Ihanda mo na ang iyong sarili dahil hindi magiging madali ang lahat para sa iyo!" Pagkatapos kong marinig iyon ay muli na akong naglakad papalayo. Ngunit laking pagtataka ko lang paano niya nalaman ang aking pangalan?

-----End of chapter 8-----
Please vote and comment below. Thanks.

Juno (Series Vol. I Completed)Where stories live. Discover now