Chapter 20: Pagkawala

1.9K 75 6
                                    

Naglalakad na ako pauwi ng bahay mula sa bahay ni Taylor. Hindi pa man ganap na new year aba at makikita mo na ang ibang mga kabataan na nagpapaputok na sa kalye. Nasa gilid lamang ako ng kalye mahirap na at baka maputukan pa ako ng mga paputok ng ibang kabataan diyan. Nang biglang natigilan ako. Isang pamilyar na mukha ang tila nagparalisa ng buong katawan ko sa aking nilalakaran.

"Kumusta Demi?" Turan niya sa akin. Ang matandang manghuhula. Sa pagkakataon na ito ay hindi ko nakita ang batang babae na parati niyang kasama.

Hindi ko siya pinansin at pinilit kong maglakad muli. Takot at kilabot ang nararamdaman ko sa aking muling paglalakad.  Limang dipa na lamang at magkakatapatan na kami ng matandang manghuhula. Napagmasdan ko ang kanyang mukha. Nakakasuka ito. Ang kanyang wangis ay sadyang nakakasuka at nakakadiri dahil naaagnas at may gumagapang pa na bulate at alupihan dito. Nang biglang naramdaman kong hinawakan ng kanyang nanlalamig na kamay ang aking braso sabay bulong nito sa aking kanang tainga. "Parating na ang katapusan ng buhay ng isa sa mga taong mahal mo sa buhay. Pagtangis at takot ay malapit na sumukob sa'yo Demi. Hahaha!" Nilingon ko ang matandang manghuhula ngunit bigla siyang naglaho sa porma ng maitim na usok. Sa aking takot ay dalidali akong nagtatakbo.

Pagdating ko sa harapan ng gate nitong bahay sobra akong hingal na hingal. Para bang sumali ako sa isang 50K marathon contest. Naramdaman ko ang malamig na pawis na nagsisimulang gumapang pababa ng aking noo.

"Demi, nandito ka na pala! Saan ka nanggaling?" Pagtingin ko sa aking harapan si Juno pala.

"Bumisita lang ako sa bahay ni Taylor." Tugon ko.

"Ano iyan bitbit mong paper bag?"

"Fruitcake na gawa ni Taylor."

"Nice! Matitikman ko na naman ulit ang home made fruitcake ni Taylor."

"Hoy, hati tayo rito! Baka ubusan mo na naman ulit ako kagaya ng nakaraan na taon haha!"

"Huwag ka mag alala Demi conscious na ako sa aking figure ngayon haha!"

Naputol bigla ang biruan namin ni Juno nang pumasok sa eksena si ate Selena.

"Hoy, kayong dalawa pumasok na kayo sa loob. hinahanap na kayo nina Mom and tita Heather." Maawtoridad na wika sa amin ni ate Selena. As usual bitter as always siya sa amin. Hindi na lang namin siya kinibo at nilampasan papasok na ng bahay.

Pagpasok namin ng hahay ay pumanaog muna kami ni Juno sa amin kuwarto.

"You know what ang sungit talaga ng ate mo. Malapit na mag bagong taon pero siya hindi pa rin makitaan ng pagbabago. Pinaglihi ba siya ng mom ninyo sa sama ng loob?!" Inis na sabi sa akin ni Juno.

"Hinaan mo nga boses mo Juno at baka marinig ka ni ate Selena. Baka mag away na naman kayo." Pagsita ko sa kanya. Napahalukipkip na lamang si Juno.

"Maiba lang ako Demi nito kasing mga nakaraan araw simula noong nakalabas ako ng hospital parati akong may napapaginipan." Biglang naging malumanay ang tono ng boses ni Juno at naupo sa gilid ng kanyang kama.

"Ano iyon?" kunot noo kong tanong sa kanya habang yakap ang aking malaking unan sa kama.

"Tuwing natutulog ako may napapaginipan akong isang lalaki. Hindi ko makita ang kanyang mukha kasi nababalutan ito ng isang puting liwanag. Kumakain kami sa isang magandang restaurant. Nang biglang nag iba siya ng anyo. Naging nakakatakot na halimaw siya. May mahahabang pangil sa bibig. Dalawang sungay sa kanyang ulohan at dalawang maitim na pakpak. Pagkatapos ay tumakbo ako nang napakabilis para hindi na niya ako maabutan hanggang sa natalisod ako. Sa aking pagkakatalisod ay nakita ko ang halimaw na nakatayo na sa aking harapan. Umuungol ito at tila hindi mapakali. Hanggang sa nag iba siya ng anyo at muling naging normal na tao. Hindi ko pa rin makita ang kanyang mukha dahil sa puting liwanag na tumatakip dito. Pero batid kong umiiyak siya. Hanggang sa may isa pa akong lalaki na nakitang lumitaw sa aking likuran. Kinaladkad niya ako palabas ng restaurant. Hindi ko rin makita ang kanyang mukha dahil may suot itong maskara. Pagkalabas namin sa restaurant ay biglang naging sementeryo ang hitsura ng buong paligid. Biglang may nilabas siyang matulis na punyal. Nagmamakaawa ako sa kanya na huwag niya akong saktan o patayin ngunit tila bingi siya sa pag hingi ko ng awa. Nang sasaksakin na niya ako gamit ang punyal ay bigla na lamang ako nagising." Natahimik lamang ako sa kanyang ikinuwento. Nakakakilabot. Pero habang ikinukuwento sa akin iyon ni Juno parang may isang tao na sumagi sa isipan ko. Parang maihahalintulad ko ang panaginip ni Juno sa kinuwento sa akin ni Taylor tungkol sa second anniversary ni Keith sa kanyang ex girlfriend. Hindi kaya si Juno ang---imposible iyon. Maaring may pagkakahawig ang angulo ng panaginip ni Juno at second anniversary ni Keith pero imposible. Dahil si Nick ang tanging lalaking minahal ni Juno sa buong pagkakaalam ko.

"Huwag mo na intindihin ang masamang panaginip na iyon Juno. Matitigil din ang masamang panaginip na iyon. Dapat ay maging masaya na lamang tayo dahil malapit na ang new year." Pag aalo ko sa kanya nang bigla akong napatingin sa malaking wall clock na nakasabit sa dinding ng amin kuwarto.

"Quarter to twelve na Juno. Bumaba na tayo." Sabi ko sa kanya. Tumango naman sa akin si Juno ngunit pinauna na niya akong pumunta ng dining area para sa new year's eve. Pupunta lamang siya ng banyo para manalamin.

Pagpunta ko ng dining area ay nakita ko sina Mom, Dad, at tita Heather na may mga hawak ng totorot at suot na pang new year's hat sa ulo. Ang sasaya nilang lahat sa nalalapit na pagpalit ng taon.

"Nasaan na ang iyong pinsan na si Juno?" Tanong ni Mom.

"Nasa banyo lang po pero pababa na rin iyon."

Mayamaya pa ay nakita namin fourty seconds na lamang at malapit na mag new year. Sobrang saya namin lahat. Pero may napansin lang ako. Bakit tila hindi pa rin lumalabas ng kuwarto si Juno?

"Five.. four... three... two... one... Happy New Year!" Sigaw nila Mom sabay pagpaingay sa mga hawak na torotot. Pero ako hindi na masyado nakasabay sa kanilang pag count down. Batid kong may mali. Bakit hindi pa rin lumalabas ng kuwarto si Juno mula sa loob ng banyo? Nagulat naman ako nang biglang banggain ako ni ate Selena sa aking balikat. Ngayon ko lang din napagtanto na kanina pa siya wala at ngayon lamang lumitaw.

"Selena saan ka nanggaling? Hindi ka tuloy nakasabay sa count down namin?" Nakangiting sabi ni Dad kay ate Selena.

"Sorry, Dad medyo natagalan lamang ako sa loob ng banyo sa likod ng kusina. Humihilab kasi ang aking tiyan kanina pang tanghali." Tugon ni ate kay Dad. Tumango na lamang si Dad sa kanya at pagkatapos ay niyaya na niya kami mag simula kumain.

"Teka nga lang pansin ko wala si Juno kanina pa. Akyatin mo nga Demi ang iyong pinsan sa kuwarto." Utos sa akin ni tita Heather. Agad na tumayo naman ako sa aking upuan sa harap ng lamesa at tinungo si Juno. Pagpasok ko sa loob ng amin kuwarto napansin kong bukas ang pintuan ng banyo rito. Nakita ko rin na bukas ang bintana sa kuwarto namin. Lumapit ako sa bintana. Paglapit ko sa bintana ay napansin kong may bahid ng dugo sa gilid ng bintana. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa aking ulohan nang napagtanto kong may nangyari ng hindi maganda kay Juno.

Natataranta akong bumaba ng hagdanan. Naagaw naman agad nito ang atensyon ng lahat sa bahay. Natigilan sina Mom, Dad, at tita Heather sa pagkain maliban lamang kay ate Selena na tila hindi ako nakita at tuloy lamang sa pagsubo ng fruitcake na ibinigay ni Taylor.

"Bakit ka humahangos Demi?" Nag aalalang tanong sa akin ni tita Heather.

"Si Juno po nawawala!" Bulalas ko.

"Ano? Hindi kita maintindihan. Paanong nawawala?" Nagugulumihan turan sa akin ni tita Heather.

"Pagpasok ko po sa amin kuwarto wala na si Juno. Bukas din ang bintana. At sa gilid ng bintana ay may bahid pa ng sariwang dugo. Nararamdaman ko po tita na may nangyari ng masama kay Juno!" Natataranta kong sabi kay tita Heather. Hindi na nakapagsalita si tita Heather at bigla na lamang napaiyak. Nilapitan naman siya ni Mom at pinilit pakalmahin. Tumawag naman si Dad ng police upang maireport ang pagkawala ni Juno. Matapos ni Dad tawagan ang hotline ng pulisya ay nagmadali siyang lumabas ng bahay at sumakay ng kotse upang hanapin din mag isa si Juno.

Lumipas ang buong gabi at unang araw ng bagong taon na nababalot ng pagkabalisa kami lahat sa loob ng bahay. Hindi na namin nagawa pa magpahinga o umiglip man lang dahil sa sobrang pag aalala kay Juno. Hanggang sa sumapit na ang alas sais ng umaga. Dumating na si Dad na may kasamang mga pulis.

"Dad, kumusta ang iyong paghahanap? Ang mga pulis may balita na ba sila?" Nag aalala kong sabi kay Dad. Ngunit hindi ako sinagot agad ni Dad. Pumunta siya sa gitna namin lahat dito sa salas.

"Makinig kayong lahat. Pagtibayin ninyo rin ang inyong kalooban lalo ka na Heather. Ngunit wala na si Juno. Patay na siya..."

-----End of chapter 20-----

Please vote and comment below. Thanks.

Juno (Series Vol. I Completed)Where stories live. Discover now