Chapter Three - Si Steven Tyler, Si Iron Man At Ang Metallica

1.2K 48 13
                                    

Nagising si Ichan na parang binabarena (yung mga ginagamit ng DPWH pag nag-aayos ng daan) ang kanyang cerebrum.

Ano ba kasi iyong maingay iyon? Kantang puro bass at drums ang nadidinig niya. At bawat kalabog ng bass eh terno sa atake ng sakit sa ulo niya.

"Packing tape, oo."

Napilitan siyang bumangon at hagilapin ang pinanggagalingan ng ingay. Dahil hilo pa, sumabit ang paa niya sa salabat na kumot nahulog sa sahig. "Shih tzu!"

Nadagdagan pa ang ingay nang may kumatok sa pinto ng kuwartong kinaroroonan niya. "You're okay there, Insan?"

Noon lang niya na-realize na wala siya sa bahay niya. Bumalik sa kanyang alaala ang nangyari nang nakaraang gabi. Iyong ngitngit niya matapos makitang kausap ni Ising ang ultimate crush nito.

Wait, si Ising.

Ngayon lang din niya naalala, kay Ising naka-assign ang maingay na tugtog na iyon! Ringtone iyon ng phone niya na ang babae mismo ang pumili.

"Insan?" tawag muli ni Kit mula sa labas ng silid.

"W-wait lang," sambit niya habang hinahanap kung saan galing ang ingay. Minabuti niyang unahin munang pagbuksan ng pinto ang pinsan.

"Okay ka lang?" untag nito pagkakita sa kanya.

"Di ko makita yung phone ko," sabi lang ni Ichan habang hinihilot ang sentido.

Itinaas ni Kit ang mga kumot at unan sa kama at natagpuan doon ang nagri-ring na phone.

"O, tumatawag na si Ising mo." May panunukso sa tonong inabot nito ang phone sa kanya. Kinunutan lang niya ito ng noo saka tinalikuran.

"Hello?" untag niya.

"Asan ka na?"

Awtomatikong nailayo niya ang aparato bago pa tuluyang mabasag ang malamang ay may lamat na niyang eardrum.

"Ising! Ang ingay mo, ang sakit sa ulo!" reklamo niya na ikinatawa ni Kit na nasa likuran pa pala niya. Sumenyas ito na bumaba na lang siya para makakain na sila, saka lumabas na ng guestroom.

"Nasan ka ba? Akala ko ba may meeting tayo with a client? Ano'ng oras ba yun? Alas onse na!" dere-derecho anito.

"Ah... ano..." Napatapik siya sa noo. "Nag-text 'yung client kaninang umaga. Di daw t-tuloy 'yung meeting. Re-resched na lang daw." Napapikit siya matapos sabihin nang dere-derecho ang kasinungalingang iyon.

"Ganun?" simpleng sagot nito at dahil matagal na silang magkaibigan, alam niyang may ibang ibig sabihin iyon. Medyo kinabahan tuloy siya.

"Kakilala ni Kit 'yung bride kaya nga ako andito sa kanila ngayon."

"Bakit parang tunog-bagong gising ka?" usisa pa ng kaibigan. "Diyan ka tumuloy paghiwalay natin kagabi, ano? Ano na naman ang problema mo't kinailangan mo ng kalasingan? 'Yang baga mo—"

"P'unta ako sa inyo mayamaya. Usap tayo, okay?" putol niya bago pa ito maglitanya ng kung anu-ano.

"Christian Rojo, may hindi ka sinasabi sa 'kin. Hindi ka pupunta dyan kung alam mong may meeting tayo ngayon."

"Ha?"

"Sinungaling ka. Kahit dito sa telepono, naamoy kong kasinungalingan mo. Hindi totoong may meeting ano?" At ayun na naman si Siren niya, nagsimula na.

"Oops, tinatawag na ako ni Kit. Magtatanghalian na raw kami," kunwaring pagmamadali niya. "O sige na, 'bye, Ising. See you later!"

"Lagot ka sa akin mamaya!"

#ChanSing (Published By Bookware Pink&Purple)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant