Chapter Seven - 'Death By Ising' Band

1K 47 33
                                    

"Tara, boarding na."

Napasinghap si Nissy nang bigla siyang akbayan ni Ichan habang patungo sila sa pila sa tapat ng boarding gate.

Nalilito pa rin siya hanggang ngayong papasakay na sila ng eroplano pabalik ng Maynila. Hindi niya gustong bumuo ng sarili niyang presumptions at bigyan ng kahulugan ang mga sinabi ng kaibigan nang nakaraang gabi. Ayaw na niyang manguna kasi maraming namamatay sa maling akala at napapahamak dahil sa pagiging assumerang froglet.

"Nami-miss na kita ngayon pa lang," bulong ni Ichan sa tainga niya at muling nagwala ang kanyang puso na parang nagka-epilepsy ito bigla.

Gayunpaman, nagkunwari siyang di apektado.

Nang nakaraang gabi, nataranta siya nang makitang napaluha ang kaibigan.

"Uy, Chan, tama na!" awat niya rito, sabay pahid ng luha nito. "Shucks, ang corny mo naman, o. Wala naman kahit 1% alcohol 'yang iniinom mo pero kung umarte ka, para kang lasing."

Natawa ito. "Sorry! Sorry talaga!"

"Mawawalan ka niyan ng fans pag nalaman nilang may ganito kang episode."

"Sorry, hindi ko lang talaga kayang isipin na maghihiwalay tayo."

"Ambaduy naman. S'an ba ako pupunta at may ganyan ka pang chenes?"

"Basta mag-promise kang hindi na tayo uli mag-aaway nang ganoon at hindi mo ko iiwan kahit kalian."

Natigilan si Nissy. Nauna na niyang naipangako sa sarili na sisimulan na niyang lumayo sa lalaki para sa ikabubuti ng puso niya.

"Hindi naman puwedeng parati tayong magkadikit, Chan. Darating ang panahon, mai-in love ka, mag-aasawa ako... Alangan namang ganito pa rin tayo. Siyempre ite-take into consideration na rin natin 'yung feelings ng sari-sarili nating partners. Baka mamaya magselos sila di ba? Maje-jeopardize yung relationship natin sa iba."

"Eh di, pipili ako nung aprubado mo. And vice versa." Hindi niya sigurado pero parang nagtiim ang bagang nito nang sabihin ang tatlong huling salita.

"Gan'un? Friends forever ang peg?"

"Kahit ano pang peg ang gusto mo. Basta ayokong malayo ulit sayo. Hindi ko na kaya." Nakatitig ito sa mga mata niya nang sabihin niyon kaya kita, dinig at dama niya ang sinseridad nito nang sabihin iyon. Imbis tuloy na biruin niya, hindi na niya nagawang magsalita pa maliban sa...

"Okay."

Pero ngayon, biglang may naalala siyang bagay na hindi niya nabanggit nang nakaraang gabi. "Huu, kunwari pa. If I know, pag may na-meet kang bagong prospective syota, etsapuwera mo na naman ako."

Napahinto ito at mataman siyang tinitigan. Pero bago pa may lumabas na salita sa umawang nitong bibig, inunahan na niya.

"Oy, wag ka nang magmaang-maangan, totoo naman. Parang spare tire lang ako sa 'yo, 'kala mo di ko napapansin. Naalala mo lang ako pag wala kang lovelife."

Sa pagkagulat at pagkaasar ni Nissy, naramdaman niyang nag-init ang mga mata niya at nagpiyok ang tinig.

Shucks, wala siyang kasing-korni. Bakit kailangan niyang maiyak?

"It's not—"

Mabuti na lang nasa unahan na sila ng pila. Inabot niya ang boarding pass sa kaharap na airline staff at ngumiti rito. Pagkalampas doon, nanguna na siya patungo sa direksyon ng sasakyan nilang eroplano at iniwan si Ichan.

Yun nga lang, sadyang unfair ang mundo at mas mahahaba ang biyas nito kaya naabutan pa rin siya. "Oy, Ising, hintayin mo 'ko."

Hindi siya kumibo. Hanggang makaupo sila sa seats nila, hindi pa rin siya nagsasalita.

#ChanSing (Published By Bookware Pink&Purple)Where stories live. Discover now