Chapter 9 _ Anesthesioligized

740 34 17
                                    

"Pasalamat ka, inawat sila ni Billy. Kung hindi, nasa ospital ka na ngayon," ani Nissy habang pinapahiran ng antiseptic ang sugat sa tapat ng kanang cheekbone ng kaibigan. Sa bahay ng kaibigan sila tumuloy matapos niyang humingi ng paumanhin kina Timothy.

Nalaman niya, ang dami pa lang katropa ng huli sa club na iyon; ang mismong may-ari ay ka-frat ng binata noong college nito. Bugbog-sarado si Ichan pihado kung hindi lang pinigilan ni Billy ang mga ito.

"Ba't ka ba kasi biglang nananapak?" asik niya.

"He touched you!" balik-asik nito habang pilit iniiwas ang sarili sa kanyang mga daliri. Nag-init ang mga mata ni Nissy. Nahihiya siya sa nangyari sa totoo lang. "Kasalanan ko. In a way, I led Tim on. He assumed gusto ko na siya kaya ganoon ang naging kilos niya. Idagdag pang nakainom siya."

"'Wag mo ngang ipagtanggol ang buwisit na 'yun! Kahit ilang beses ka pang tumawa sa korning jokes niya, wala pa rin siyang karapatang hipuan ka! At natural susugurin ko siya! Alangan namang panoorin ko lang habang minomolestya ka ng lecheng iyon sa dance floor?"

"You didn't have to do that, 'Chan. Kahit papaano, kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko sa kanya." Mahinahon na ang boses niya, pero hindi iyon nakatulong para payapain ang loob ng kaibigan.

"Nakita kong tinutulak mo siya, pero hindi ka makaalis sa yakap niya. I'm sorry pero di ko nakita yang sinasabi mong 'pagtatanggol' mo sa sarili mo," anito.

"Sa tingin mo, papayag akong mahipuan lang ng gan'un? Susuntukin ko na talaga siya, naunahan mo lang ako."

Pero parang walang narinig si Ichan at patuloy na nagsermon. "Sh*t, Nissy, ano na lang ang sasabihin ng daddy mo kapag nalaman niyang nahipuan ka habang kasama mo ako?"

Parang may pumiga sa sikmura niya. Ah, iyon pala. Iyon pala ang inaalala ng kaibigan niya. Iyong sasabihin ng kanyang ama ang concern nito, hindi naman talaga ang kaligtasan niya.

Inis na ibinaba ni Nissy ang hawak na bulak. Tumayo siya at humakbang palayo sa binata. "Ako na lang ang magsasabi sa mga daddy kung ano ang tunay na nangyari. Pero sana sa susunod, siguro wag ka na lang makialam para di ka nadadamay sa kagagahan ko."

Kitang-kita niyang namula ang buong mukha ni Ichan. Tumayo rin ito at humakbang palapit sa kanya. "So pakialamero pa ako, gan'un ba?"

Ramdam niya ang kirot sa puso pero hindi siya nagpatalo roon. "Kahit paano I can fend for myself naman, 'Chan. Hindi kailangang umepal ka nang umepal sa buhay ko."

Natigilan siya nang makita ang sakit sa mga mata ng kaharap.

"Hindi ko alam na ayaw mo palang protective ako sa 'yo. Sana sinabi mo na 'yan noon pa."

"Chan..." Napalunok siya; di alam kung paano babawiin ang nasabi na.

"Nasasakal ka na ba dahil sa pakikialam ko?" Ramdam niya ang hinanakit sa tinig at ekspresyon ng binate, pero nauna pa siyang naluha rito.

Umiling siya. "No, Chan, I'm sorry. H-hindi gan'un ang ibig kong sabihin."

Itinaas nito ang isang kamay. "I completely understand, Nissy. Nalulungkot lang ako na ngayon mo lang 'to sinabi. Sana noon ko pa nalinaw mo na sa akin na ayaw mong pinakikialaman kita," sabi lang nito saka dinukot sa bulsa ang teleponong nagri-ring pala. "Excuse me, I have to answer this."

Pinanood lang niyang lumakad ito palayo sa kanya. At lalo siyang nanlambot nang marinig ang sunod nitong sinambit sa telepono.

"Hi, Emily..."

Marahas niyang pinahid ang luha at walang-lingon na nilisan ang bahay na iyon.

*****

"Wala ka bang project ngayon, 'Nak?"

#ChanSing (Published By Bookware Pink&Purple)Where stories live. Discover now