Chapter Two - Ex Effect

1.4K 46 9
                                    

"Ex? You had a boyfriend?" litong tanong ni Ichan sa katabi.

Ayaw niyang aminin pero pakiramdam niya ay pinagtulungan siyang pagtaksilan ng lahat ng puwersa sa sansinukob. May pa-BFF-BFF 5ever pa ito sa kanya, hindi naman nabanggit kahit kailan na nagka-boyfriend na pala.

Umiling ito. "Ano ka ba! By ex, I meant, my ex-object of unrequited love. Crush na crush ko 'yan n'ung high school hanggang college."

Medyo um-okay ang pakiramdam niya, pero kaunti lang. "Third year college ka n'ung nagkakilala tayo, bakit hindi ko siya na-meet?"

"Kasi nag-migrate siya sa Australia n'ung sophomore year namin." Hinablot nito ang braso niya at hinila-hila. "Chan, look at him, ang hot niya!!! Shucks, dati cute lang siya, ba't biglang naging ganyan siya ka-hot?"

"Malay ko! Ba't mo ba sa 'kin tinatanong?" Inis na inalis niya ang kamay nito sa braso niya.

Parang hindi naman nito pansin ang pag-aalboroto ng loob niya. "Pati boses niya, guwapo! Susko, patay na patay pa naman ako sa mga may magagandang boses."

Sinimangutan niya ito pero wala pa ring effect.

"Kung lapitan ko kaya mamaya? Sa palagay mo, okay lang 'yun?"

"Bahala ka," ismid niya.

"Sige, pupuntahan ko nga mamaya sa backstage." Inilapat nito ang palad sa tapat ng puso. "Shucks, kinakabahan ako! Eh, pa'no kung di niya ako makilala?"

He just shrugged.

"Kinakabahan talaga ako, tingnan mo!" Inabot nito ang kamay niya at ipinalit sa kinaroroonan ng palad nito kanina.

"Nissy!" bulalas niya. Muntik na siyang himatayin. Malaki ang palad niya kaya muntik na niyang makapa pati ang hindi dapat makapa kung hindi niya lang agad hinila ang kamay.

Nangalumbaba ito sa mesa nila. "Hay, sana hindi pa siya nag-aasawa."

Iyon naman ang natitirang pag-asa ni Ichan. At buti na lang din oblivious ito sa epekto sa pantalon niya ng ginawa nitong pagpapahawak ng—

"Mayghad, ang guwapo talaga niya ngayon!" tili ni 'Siren', kasabay ng iba pang babaeng kinilig dahil diniin ng lalaki ang mga labi at halatang sinadyang ipakita ang malalalim nitong dimples habang pinapaiyak ang gitara.

Tuluyan na siyang napikon. "I need to make a call. D'un muna ako sa labas." Hindi na siya naghintay pa ng sagot at tinungo na ang exit ng bar.

PALIHIM NA inalis ni Nissy ang tingin sa stage at pinanood ang likod ni Ichan na papalayo sa kanya.

Guwapo pa rin ang best friend niya kahit nakatalikod, at headturner pa rin kahit suplado. Sa kanya nga lang talaga ito hindi makatanggi, eh.

Malungkot siyang ngumiti. For two years, inakala niyang senyales iyon na gusto siya nito pero mali pala. Hindi siya espesyal rito, at nalaman niya iyon in a hard way.

Bumalik sa isip niya ang imahe ng binata habang pinapaliwanagan ang nanay ni Nissy nito lang nakaraang linggo. Ipinagpapaalam siya nito dahil may project silang kasal sa Boracay, at para siguruhin sa kanyang ina na hinding-hindi mangyayari ang kinakatakot ng ginang, sinabi nitong magkaibigan lang sila at walang-walang-wala sa plano nitong akitin siya o kahit chansingan man lang. Parang ang pangit-pangit ni Nissy sa pagkakasabi nito ng mga iyon at pakiramdam niya, durog na ang puso niya pagkatapos.

Pinalis ng dalaga ang kaisipang iyon. Bakit pa ba niya iniisip iyon, she had decided to move on and forget her feelings for him. Wala, wala siyang mapapala kaaantay kay Ichan. Hanggang pagkakaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa kanya kasi kung meron pa, dapat noon pa ito kumilos. Susme, two years na siyang nakikiramdam at naghihintay kahit from friends to 'friends with benefits', hindi sila nakalipat.

#ChanSing (Published By Bookware Pink&Purple)Where stories live. Discover now