Chapter One - Si Squidward at Si SpongeBob

6.1K 98 20
                                    

Some things are just not meant to be.

May mga bagay na simula pa lang, dinesisyunan na ng tadhana na, "No. Hindi ito puwede."

Theory ng professor nila noong college, nagsisimula raw iyon sa pagpapangalan. Oras na bigyan daw ng pangalan ang isang bagong panganak, para mo na ring isineal ang fate nito. May mga meanings raw kasi ang mga pangalan at iyon ang nagiging tadhana ng bata. Kung 'Joy' ang name niya, malamang masayahin siya. Si 'Venus', malamang maganda. And so on. Yun daw ang rason kaya si Jacob sa Bible, pinalitan ni Lord ang pangalan.

Basta ganun.

Parang gusto nang maniwala doon ni Christian Rojo (o 'Ichan' sa mga tropa niya). Iyong kasing love team name nila ng mahal niya, #ChanSing ang name. Ang bastos ng tunog, mala-acts of lasciviousness papuntang sexual harassment; ayun tuloy, hindi ma-develop.

Hmp. Semplang.

"Ano na? Sasamahan mo ba ako o ano?" tanong sa kanya ng kalahati ng nabanggit na (non-existent) love team, si Lara Eunice Sanchez ('Nissy' sa lahat; 'Ising' sa kanya dahil gusto niya itong inisin) mula sa kabilang linya.

Na-imagine niyang namaywang pa ito na para bang may utang niya rito ang paghinga niya kaya dapat sundin niya ang lahat ng gusto nito including pagsama sa mga bars at pagtitiis sa maiingay na tugtugan.

Na-imagine niya ang makikinang nitong mata, ang cute na ilong, mapupulang labi at napasabunot na lang siya sa sariling buhok.

Kung hindi lang talaga niya ito mahal, di siya magtitiis.

Inis na inirapan (yung machong irap, ah!) ni Ichan ang mental picture ng kanyang object of hidden desire. "Sige na, daanan mo na lang ako dito sa apartment."

Narinig niya ang tuwa nito at nahiling niya bigla na sana kaharap niya ang babae at hindi kausap lang sa phone para makita niya ang ngiti nito.

"Thank you, BFF 5ever," sabi pa ni Ising. Iyon ang tawag nito sa kanya. Kasi raw: 5ever > 4ever.

"Yeah, whatever."

"See you in fifteen minutes, Pogi," pambobola pa nito bago tinapos ang tawag.

"Brat," he murmured.

Asar-talong ibinaba niya ang hawak na phone sa ibabaw ng ginagamit na lumang Steinway baby grand piano at sinimulan nang sinupin ang mga music sheets. Hindi na siya makakapag-concentrate sa ginagawang pagpa-practice ganitong bad mood na siya.

Isa pa, nangyaring walang konsiderasyon ang 'pseudo date' niya, sasabihan siyang aalis sila fifteen minutes bago ito sumulpot sa pintuan niya.

Nagmamadali niyang tinungo ang sariling kuwarto sa apartment na iyon na solo niyang nirerentahan at mabilisang nag-shower at nagbihis.

Habang nag-aayos ng sarili, naalala iyong unang pagkakataong naging bihag siya ni Lara Eunice Sanchez (not literally).

Nasa isang convenience store siya at namimili ng bibilhing cold drink. Senior student pa lang siya noon at galing sa isang outdoor activity na hindi na niya matandaan kung para saan. Pawis na pawis at medyo hinihingal pa na nakatitig siya sa isang bote ng Coke na agad niyang binuksan ang ref. Laking gulat niya nang may matamaan siya.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang isang maliit na batang nakayukyok sa tabi ng ref at nataranta nang umatungal ito nang malakas.

"What the...?" Mabilis niyang inabot ang bata at inilayo ang mga kamay nitong nakatakip sa mga mata.

Lumantad sa paningin niya ang duguan nitong mukha. Napasinghap siya kasabay ng malakas na kaba.

#ChanSing (Published By Bookware Pink&Purple)Where stories live. Discover now