Chapter Five - Adobong Pare-Pare Magnet

885 38 5
                                    

"#LamNaThis," hirit ni Kit.

Binaling ni Ichan rito ang matalim na tinging kanina ay nakatutok sa parehang nag-uusap at nagbubulungan na para bang close na sila.

Napatawa naman ang pinsan. "Grabe, 'yang tingin mo ah, Insan, parang acetelyn; kayang tumunaw ng bakal."

"Shut up, Kit," asik niya saka ito iniwan. Lumapit siya sa piano at kunwaring inayos ang line up niya ng mga kantang tutugtugin kahit maayos naman na ang mga iyon.

Sa malas, sumunod sa kanya ang pinsan. "War pa rin ba kayo? Sobra naman, isang buwan na 'yang awayan ninyo. Ano ba kasi'ng sinabi mo at nagalit nang ganun sa 'yo si Nissy? Parang di niya nakikita, ah. Buti pa 'yung bigotilyong bestman, nginingitian. Ikaw, hindi man lang masulyapan."

"I said shut the f*ck up," diin ni Ichan.

Mabuti na lang hindi alam ng pinsan na pina-rebook pa ni Nissy ang flight nito para lang di sila magkasabay papunta roon, kung hindi dagdag lang 'yun sa pang-alaska nito.

Ramdam na niya ang pag-iinit ng mukha kaya huminga siya nang malalim. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang beach wedding nila Jenny at Kevin. Naroon na nga ang huli at nasa makeshift altar na ang groom. Pag nagsimula na ang entourage, simula na rin ng trabaho niya. Hindi siya puwedeng mainis at ma-distract dahil baka maaapektuhan ang pagtugtog niya.

"Everybody ready, andito na ang bride!" narinig niyang anunsyo ng wedding organizer.

"Pa'no? D'un na ako. Galingan mo ah, kunwari si Nissy lang ang tinutugtugan mo at hindi madaming tao," kulit pa ng pinsan bago nakangising iniwan siya sa puwesto niya malapit sa makeshift stage katabi ng isang malaking ornamental plant.

Binigyan niya lang ito ng dirty finger sa niyuko ang piano. Huminga siya nang malalim, pumikit saka marahang tumipa. He needed to be lost in his music para hindi siya ma-distract. Kailangang magtunog-in love siya kahit heartbroken talaga siya.

Are those your eyes?

Is that your smile?

Mabuti na lang magaling ang singer na kumakanta kasabay ng tugtog niya. Puno ng emosyon ang bawat bigkas nito ng liriko.

Wala sa loob na napalibot ang tingin niya sa parteng iyon ng Boracay beach. Nang makita si Ising na abalang nagkukuha ng mga larawan, parang may humila sa ugat-ugat sa puso niya.

Simple pero rock. Yep, tamang-tama kay Nissy ang description na iyon. Tinatangay ng hangin nakaladlad ang buhok nitong medyo kinulot sa bandang dulo, naka-aqua blue gown gaya ng mga bridesmaid saka bahagyang makeup. Nakangiti ito sa mga flower girls na kinukuhanan ng pictures. She was simple yet she rocked his world.

For the first time, I am looking in your eyes

For the first time, I'm seeing who you are

Parang may telepathy, nakangiting napalingon sa kanya ang dalaga at sa loob ng ilang segundong tila habangbuhay na ang dating sa kanya, nagtama ang mga mata nila. Napasinghap siya dahil pakiramdam niya naubos ang hangin sa kanyang baga.

I cant believe how much I see

When you're looking back at me

Pero nabura ang ngiti nito agad at nagsalubong ang mga kilay. Iniwas nito ang tingin sa kanya at muling itinuon ang atensyon sa pagkuha ng larawan. Parang may bumara sa trachea niya at nanikip ang paghinga niya.

Now I understand what love is

Love is... for the first time

Bumalik sa alaala niya iyong sinabi ng dalaga noon, dahilan kaya niya hindi niya nagawang aminin ang nararamdaman para rito. Kaharap nila noon ang mga kaibigan nito at tinutukso si Ising ng mga ito sa kanya.

#ChanSing (Published By Bookware Pink&Purple)Where stories live. Discover now