Chapter Four - So Long Friend zone!

1K 45 4
                                    

She should've been used to this. But in the almost one year that she had been doing weddings, di pa rin nawala ang epekto niyon sa kanya. Kung hindi lang talaga nagmura ang SLR camera, nauso ang mga phone photography, at nagkalat ang expert sa Photoshop, hindi sana mahina ang freelance business niya at wala siya ngayon doon. Hay, buhay.

There was just something about weddings that never failed to make Nissy's throat constrict, her eyes teary and her heartstrings felt like they were being pulled tight. Tuwa siguro iyon para sa dalawang taong nakatagpo sa isa't isa. Biruin nga naman kasi, sa kung ilang milyong tao sa mundo, nakahanap ka ng isa na gugustuhing makasama ka habang-buhay sa kabila ng marami mong imperfections. Ang sweet lang isipin.

O kung hindi naman, baka ang dahilan ng bikig sa lalamunan niya at init sa mata ay iyong longing na makahanap din siya ng taong magmamahal sa kanya exactly kung sino siya.

At ayaw niya ng pakiramdam na ganoon. Hello, rakista siya! Tone deaf man siya at sintunadong kumanta, sa puso niya, naroroon ang pagmamahal para sa rock n' roll. Mas gusto niya iyong magulo kaysa senti-sentihan! Ayaw niya ng madrama!

At parang ang corny at ang needy niya para hindi maging kontento sa kung ano'ng meron siya at maghanap pa ng mga bagay na wala. Hindi siya ganoon pinalaki ng mga magulang niya; ang sabi ng kanyang daddy, makontento siya at magpasalamat. Minsan, ang mga tao napapasobra ang senti, nalilimutan tuloy na mas maraming dapat ipagpasalamat sa buhay kaysa roon sa mga wala.

Kung sabagay, puwede ring dala lang ng music kaya parang nalulungkot siya—o baka ng tumutugtog ng music.

Nilingon niya si Ichan na nang sandaling iyon ay focused na focused sa ginagawang pagtugtog sa piano ng isa sa most played love songs in a wedding—iyong 'A Thousand Years' ni Christina Perri. Naroon ang kaibahan ng rendition ng kanyang kaibigan kumpara sa marami pang versions niyon. Tila mas malungkot ang dating ng awit, mas heart-wrenching lalo pa dahil instrumental lang at walang umaawit ng lyrics. Pero sa ideyang heartbroken ang kaibigan kaya ganoon, parang gusto niyang tumungga mamaya sa reception ng isang bote ng alak na sine-serve ng mga waiters, at ibato kay Ichan ang basyo pagkatapos. Para magising na ito sa katotohanan. He definitely deserved someone better than whoever that woman was—kung yung last gf man nitong si Emily o iba pa—na nagpapalungkot kay Ichan nitong nakakaraan.

Pasalamat ang kaibigan niya, kailangan niyang mag-concentrate dahil naroon na sila sa isa sa pinakaimportanteng part ng activity na iyon: ang bridal march.

Itinuon niya ang camera sa mga lumalakad. Gaya ng inaasahan, kaagaw niya sa view ang napakaraming cellphones na nakalabas at nakikikuha ng pictures, gusto tuloy niyang mapikon at maniko. Hmp.

Pero mas gusto niya iyong ganitong nasa action mode siya kaysa kanina na drama princess lang ang peg niya.

Smooth naman ang naging flow ng wedding. Madami namang natuwa, especially dahil ang groom at bride at lahat ng part ng entourage ay naka-Chucks kapares ng mga gowns at tux na suot nila. Naging dance showdown din ang ending ng first dance as husband and wife ng parehang parehong dancers sa isang TV show. Tuwang-tuwa tuloy ang mga tao. Siya rin masaya dahil magaganda ang kuha niya.

Matapos ang ilang oras (halos maghapon actually), natapos din ang trabaho niya. Pagod na pasalampak siyang naupo sa passenger seat ng kotse ni Ichan at pumikit. Gusto na lang niyang humilata sa kama niya at matulog nang twenty-nine years. Sa malas, bibiyahe pa sila nang ilang oras bago makarating sa bahay nila.

Naramdaman niyang gumalaw si Ichan sa tabi niya. "I-recline natin para makatulog ka," mahinang anito.

Napangiti siya kahit nakapikit pa rin. "You're so sweet. Thanks, BFF 5ever."

#ChanSing (Published By Bookware Pink&Purple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon