Epilogue - Until 5ever!

1.2K 44 9
                                    

Four years later....

Wala pa yatang two hours ang tulog ni Ichan. Kung noon siguro, baka semi-permanent na ang 'Squidward Mode' niya dahil doon. Pero malayo sa disposition ng nasabing cartoon character mood niya ngayon—unless nakahithit ng katol si Squidward at high.

Napangiti siya dahil sa sariling kaisipan.

Alas tres na nang umaga siya nakatulog kakaayos ng regalo niya. Pinakinggan niya lahat ng mixtapes na bigay ni Nissy sa kanya sa nakalipas na mga taon at convert na siya ngayon—isang ganap na rakista. \m/

Bilang ganti, gumawa siya ng sariling mixtape bilang regalo kay Nissy—mga rock songs na nag-e-express kung gaano niya ito kamahal. Ang kaibahan lang, siya mismo ang nag-compose ng mga awiting iyon. Ang sweet niya, ano?

Siyempre kasi he wanted to give only the best to his Ising—na mamaya-maya ay magpapalit na ng pangalan at magiging si Mrs. Lara Nissy Sanchez Rojo na.

Shih tzu, excuse lang. Kinikilig si Ichan.

Nagkatunog ang kanyang 'high na addict' smile. Siniko tuloy siya ng katabi niyang si Timothy at pinandilatan.

"Uy, para kang ewan diyan," saway nito. "O nervous laugh ba 'yan?"

"Bakit naman ako nenerbyusin? Kung di ko pa alam, napahaba ng pakikipagchikahan si Nissy sa makeup artist kaya wala pa siya ngayon." Nginisihan niya ang lalaking mas kinakabahan pa na maging jilted groom kaysa sa kanya.

Akalain ba ni Ichan na ito pang pinakabalasubas niyang karibal dati ang makakatabi niya ngayong very special day niya?

Sa nakalipas na mga taon, madalas silang magkita ni Timothy sa mga rock fests, nag-jamming madalas, at unti-unti silang nagka-develop-an... sa isang matibay na friendship.

Nalaman niya, mabait naman pala si Tim; huwag lang masosobrahan sa alak. Ikakasal na ito next year at reformed lasenggo na! Sumasama na ang pakiramdam ng kaibigan makaamoy lang ng tansan ng bote ng alak. Salamat sa alcohol detox and recovery programs. At ngayon, ito ang bestman niya! Ang kapalaran nga naman.

Muling tumawa si Ichan. See? Mukha talaga siyang high. High on love... at sa lahat ng kakornihang dulot niyon.

Mayamaya, inanunsyo na ang pagdating ng bride. Nagkaroon ng pandemonium sa loob ng dibdib ni Ichan; parang rabid fan girls na nagwala ang tibok ng puso niya. Shucks, this. Is. It!

Nang mamataan niya si Ising niya na naglalakad na palapit sa kanya kasama ang mga magulang nitong pamilya na rin niya, umarya ulit ang kanyang tear ducts. Peste, nakakahiya!

Pero naman kasi! Dressed in a flowy white empire cut gown, she looked like his every dream realized. Kahit pagsama-samahin niya lahat ng ginawa niya—at gagawin pang—mabuti sa buhay niya, hindi pa rin sasapat para maging deserving siya ng isang habambuhay kasama si Nissy.

Paanong sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya ang inibig nito?

Paanong sa dinami-dami ng nag-alay lakad nang araw na iyon, siya pa ang nakapagpaputok sa kilay ni BJ? Akalain ba niya?

Hindi niya ma-consider na mabait ang sarili kung dami ng kasalanan ang bibilangin niya, pero heto. Ang bait sa kanya ng Diyos promise. Pakiramdam ni Ichan, siya ang favorite ni Lord sa lahat ng anak Niya. Sorry na lang sa iba diyan.

Rumagasa ang halu-halong emosyon ang kanyang puso at pakiramdam niya ay sasabog na iyon. Kung pipigilin niya ang damdamin, baka ma-cardiact arrest siya doon mismo! Pinili na lang niyang mabura ang makeup na ipinilit sa kanya at hinayaang tumulo ang luha ng kaligayahan.

"I don't know how, but I've always known somehow that your friendship would lead to this," anang mommy ni Nissy nang yakapin siya. "You've always been family to us. Pero nakakatuwa kasi ngayon, officially, anak ka na talaga namin."

"Salamat po sa pagtanggap." Niyakap ito ni Ichan nang mahigpit habang naiiyak. "I love you, Mommy."

Pagkatapos itong hagkan sa ulo, pinawalan na niya ito at hinarap naman ang father of the bride.

"Mission accomplished po tayo," tawa niya.

Natawang niyakap siya ni Daddy Rod. "Oo nga. Akala ko kailangan ko pang gumamit ng posas at shotgun, eh." Suminghot ito at humigpit ang yakap sa kanya. "Alagaan mo ang prinsesa ko ah."

Naiiyak na tumango siya. "With all my might, Daddy. At bibigyan ko kayo ng madaming prinsesitas at prinsesitos, promise."

Tumawa na ito kahit naluluha pa rin.

Tissue ang sumalubong sa kanya nang harapin niya ang kanyang bride. Natatawang niyakap niya ito at hinayaang pahirin nito ang luha niya. "Late ka," aniya.

"Sorry," tawa nito. "Napadami kasi kain ko ng agahan, sumikip tuloy 'yung gown sa bandang tiyan ko so kailangang ayusin nang konti."

Natatawang hinalikan niya ito sa noo. "Matakaw!"

"Iyakin!" natatawang buska rin nito.

"Kasalanan mo! Maninira ng makeup!"

Tumawa ito. "Ikaw nga diyan, nanghawa ka pa! Emo!"

Tinitigan niya ang babae."Pinakamagandang bride na nakita ko," anas niya, hindi na nang-aasar ngayon.

"The best thing that ever happened to me," sambit nitong naluluha din.

"My better half. Yes, ikaw 'yung better," amin niya.

"My destiny; the love of my life."

"My—"

"Kuya, mamaya na kayo magbolahan, naiinip na si Pastor, o," biglang bulong ni BJ sa tainga niya.

Hindi nila napansing nakalapit na pala ito. O na nagtatawanan at nagpapalakpakan ang lahat ng laman ng simbahan.

Natawang iginiya na ni Ichan si Ising palapit sa makeshift altar sa parteng iyon ng Boracay beach. Pero humirit pa siya ng isang bulong sa bride niyang saksakan ng ganda:

"ChanSing 5ever."

Wakas

#ChanSing (Published By Bookware Pink&Purple)Where stories live. Discover now