Wastong paggamit ng "DAW" at "RAW"

35.2K 562 131
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



So kailangan nga ba ginagamit ang DAW o RAW, DIN o RIN, DITO o RITO sa isang pangungusap? Kailan nagiging R ang D mga ate? Simple lang naman po ang sagot. Kailangang mo lang kabisaduhin ang bagay na 'to:


RAW, RIN, RITO ang gagamitin mo kung ang salitang susundan nito ay nagtatapos sa letrang A, E, I, O, U, W at Y.


Halimbawa:

1. Gusto niya na RAW mag-asawa. Kfine, malandi siyang kinse anyos siya. Haha.

2. Bet ko RIN ng lalaking gwapo, matangkad, mabait at responsable.


Magbigay ng sarili mong halimbawa using RAW, RIN, RITO:

1. _________________________________________________

2. _________________________________________________

3. _________________________________________________

4. _________________________________________________

5. _________________________________________________


Basta tandaan mo lang lagi 'yong A, E, I, O, U, W at Y. Grabe ka na teh kapag hindi mo name-memorize iyang pitong letra na 'yan!


Therefore, DAW, DIN, DITO naman ang gagamitin kapag hindi nagtatapos sa letrang A, E, I, O, U, W at Y ang salitang susundan nito.


Halimbawa:

1. Ahas DAW pala ang kaibigan mo. Sulutin ba naman ang jowa mo? Gawd! It must have been hard for you, right? Hihi

2. Ang daming hipon DITO sa mundo, noh? Maganda lang ang katawan pero chakanezz ang fezz.


Magbigay ng sarili mong halimbawa using DAW, DIN, DITO:

1. _________________________________________________

2. _________________________________________________

3. _________________________________________________

4. _________________________________________________

5. _________________________________________________

May exemption to the rule nga po pala sa paggamit ng DIN at RIN. Kung nagtatapos sa RA, RE, RI, RO, RU, RAW at RAY ang naunang salita, D ang gagamitin sa halip na R.

Halimbawa:

1. Mare, doon ka na kanila pareng Teban magpa-load kasi mas mura.

(Pwede naman ang "Mare, roon..." pero masagwang pakinggan, hindi ba?

2. Tatlong araw daw akong liliban sa klase sabi ni mama.

(Again, masagwang pakinggan ang "Tatlong araw raw...")


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tips for Aspiring WritersWhere stories live. Discover now