Umay na sa Romance

13.1K 516 40
                                    

"Paano kung hindi naman tungkol sa romansa ang gustong isulat? Kasi puros love story, romance, pag-ibig na lang. Wala na bang iba? Nakaka-aliw rin naman yung ibang klaseng kuwento kung mapagbibigyan lang ng pagkakataon ma-isulat at mabasa, diba?"


Tanong mula kay: ppsantos


*****


Hello dear! Actually sang-ayon rin naman ako sa 'yo kahit papaano. Nakakaumay naman talaga kapag laging iyon na lang ang ihahain sa atin.


But based on what I've noticed sa ilang taon ko na rin sa industriyang ito, hindi na talaga mawawala ang romance books sa ating mga Pinoy. When I attended a workshop few years ago, ang sabi ng speaker that time is mas malaking porsiyento talaga ng mga nagbabasa ay naghahanap ng books na may kasamang romance. Iyong magpapakilig at magpapalimot sa kanila sa mapait na reyalidad ng buhay. At ayon daw sa tala ng mga bookstores, mas malakas bumenta ang mga books na may temang romansa kumpara sa ibang mga genre na makikita sa bookstore.


And let's accept it guys, ang mga publishers (na ang tawag ko sa kanila ay mamumuhunan) ay hindi maglalabas ng pera kung alam nilang malulugi lang sila. Sino nga ba namang negosyante ang gustong sumugal sa isang libro kahit alam nilang hindi naman iyon tatangkilikin ng masa? It's a sad fact na kalaunan ay nagawa ko na ring yakapin.


Pero hindi ito nangangahulugan na hindi na tayo pwedeng magsulat ng stories na may ibang genre. Of course, pwedeng pwede pa rin. At sigurado akong marami pa rin naman (lalo na dito sa Wattpad) ang naghahanap ng horror, fantasy or dystopian.


Although I cannot guarantee kung gaano kataas ang chance na mapa-publish ito katulad ng mga romance stories na maya't maya yata ang release (pansinin ang PSICOM at Pop Fic). Sabi nga ni Direk Joey Reyes, always remember that publishing is business and you should know your market.



Keep on writing my dear. Malay mo sa mga susunod na araw, kailanganin nila ang obra mo na hindi umiikot ang kwento sa romansa kundi sa ibang makabuluhang bagay na tiyak na kapupulutan ng aral. :)

Tips for Aspiring WritersHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin