On Editing

15.6K 683 116
                                    

Lately, marami akong natatanggap na messages asking for help with regards to their manuscripts. Yung iba nga, binobola-bola muna ako and in the end, doon din lalabas yung tunay nilang intensiyon. Haha. Sometimes I get mad lalo na kapag halatang hindi naman talaga sila nagbabasa ng mga stories ko at itong Tips for Aspiring Writers ko lang ang nabasa nila pero kung makapambola, IDOL daw nila ako et cetera, etcera. Sus.


Guys, hindi niyo na ako kailangang bola-bolahin dahil hindi ako nadadaan sa ganyan. Hindi niyo rin ako mauuto dahil isang basa lang sa mensahe niyo, alam ko na agad ang intention niyo. Remember, I'm a BS Psychology grad. I do interpret human behavior and such.


Besides, mabait naman ako 'di ba? As much as possible, lahat ng mga tanong niyo (although inuuna ko 'yong pinaka-importante) ay sinasagot ko kahit labas naman na 'to sa obligasyon ko bilang isang writer. Pero dahil nga gusto kong makatulong kahit papaano, patuloy pa rin akong nagpo-post sa particular entry ko na 'to.


At para naman doon sa mga nagtatanong kung pwede akong mag-edit ng manuscript nila, I'm sorry hindi po ako pwede. I have a lot of reasons. Busy po ako sa personal life ko at pati na rin sa pag-iisip ng isusulat ko. Currently ay gumagawa rin po ako ng assignment for our scriptwriting class. Tapos tumatanggap din ako ng editing jobs, which of course ay may bayad dahil nagmamahal na ang kuryente. Haha.


Anyway, kung kailangan niyo naman ng critique, isa-suggest ko na pakiusapan niyo ang friends or relatives niyo na basahin at bigyan kayo ng honest opinion regarding your works. Diyan din naman ako nagsimula noon. Pabasa kay friend nito, pabasa kay pinsan hanggang sa lumawak na ang network ko. Huwag madaliin ang bagay-bagay. Maging pasensiyoso. At higit sa lahat, pwede kang mag self-edit.


Pero suggestion ko lang kung gagawin mo ang pagse-self edit: kapag nakatapos ka na ng isang nobela, i-detach mo muna ang sarili mo sa story na 'yon for 2-3 weeks. Kapag nakapagpahinga ka na at nailayo mo na ang loob mo doon sa story na 'yon, saka mo lang makikita ang mga mali o loopholes. Tayo kasing mga writers, may tendency na kapag nakatapos na tayo ng isang story natin, feeling natin ay super perfect na n'on. Na feeling natin ay iyon na ang best story natin. Pero try to detach yourself for a while at balikan mo siya after ng ilang weeks, doon mo makikita yung typos, wrong grammars at kahit discrepancy sa time frame. In that way, mas mapapaganda pa natin nang husto ang mga akda natin. :)


Magandang umaga sa inyong lahat. ^^


AUTHOR'S NOTE: PLEASE DO WATCH MY VLOGS! ❤️❤️❤️

Tips for Aspiring WritersWhere stories live. Discover now