Words from Direk Joey Reyes (Non-verbatim)

12.4K 524 47
                                    

Karamihan raw ng mga Wattpad writers ay mahilig magsulat ng napakahabang nobela. Ang iba ay umaabot ng ilang books o 'di kaya season ang isang story to the point na nakakasawa na. Ang iba namang mga writers ay mahilig maglagay ng napakaraming side-characters to the point na nakakalimutan na lang sila bigla ng writer at hindi na muling mababanggit as the story progress, o 'di naman kaya ay mas nangingibabaw sila kumpara sa mga pangunahing bida.


Buti na lang hindi ako ganyan magsulat. At mabuti na lang tamad akong magpahaba ng nobela. Haha. Ang pinaka-ideal daw na nobela ay naglalaro lang sa 40-50 thousand words. Sa ganyan kahabang nobela, for sure ay maiku-kwento mo na ang mga karapat-dapat lang na ikwento.


Huwag mo nang ikwento lahat ng detalye sa buhay ng mga bida mo na tipong bawat galaw nila mula umaga hanggang gabi ay isusulat mo. Hindi lahat ng kilos ay kailangang isulat. Leave something to your reader's imaginations and just write the essential things. Kung ano lang ang highlights ng story, iyon lang ang isulat mo. At mas kaunting karakter, mas maigi.


Sabi pa ni Direk, madalas daw na nagkakaroon ng problema ang pagsasalin ng isang libro para gawing pelikula dahil karaniwan na ay kailangang magtapon ng napakaraming eksena mula sa isang libro. Kasi nga naman, sa sobrang kapal ng libro na i-a-adapt into movie, magagawa nga ba iyong ilahad in 70-90 minutes? Hindi.


Kaya marami ang nadidismayang readers na kapag pinanood ang movie adaptation ng librong nabasa nila dahil nga "maraming eksenang tinanggal." Pero ang hindi alam ng mga mambabasa, kailangan talagang magtanggal ng eksena para lang sumakto sa loob ng 90 minutes ang buong kwento.


Kaya kayo, kung magsusulat rin lang kayo aba'y simulan niyo nang aralin kung paano ba makakapagsulat ng isang kwento na hindi sobrang haba pero siksik naman sa mga kapana-panabik na eksena. Malay niyo at ang libro niyo na pala ang sunod na isa-pelikula. :)


P.S.

Hindi ako sumasagot ng private messages lately kasi super busy. Not unless importante ang message. Hindi rin po ako nagbabasa ng stories lately kasi again, I'm busy. Sa mga nagpapabasa ng stories nila, sorry I cannot. Hindi rin po lahat ng tanong ay sinasagot ko kasi paulit-ulit lang 'yong ibang tanong. Thanks and good day to everyone! :)

Tips for Aspiring WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon