Gasgas ang PLOT ko, what should I do?

16.8K 717 68
                                    

Sa panahon ngayon, halos lahat naman ng stories may kamukha, lahat may kapareho. Example: Hunger Games trilogy, Divergent series at The Maze Runner. Kaya kung nadi-discourage ka kasi feeling mo gasgas na ang plot na naiisip mo, shake it off. Tuloy lang sa pagsusulat.


Dito sa Pilipinas, usong-uso ang stories about gangsters, kabit, rags to riches story, panget na nagkagusto sa mayaman at poging lalaki at kung ano-ano pa. Lahat ng 'yan, paulit-ulit pero kinakagat pa rin ng masa. Proven and tested na kasi. Ang karamihan naman ng mga Pinoy ay nagbabasa para maaliw at kahit sa panandaliang oras man lang ay makalimutan nila ang mga problema nila. At ang mga plot na 'to ang usually ay hinahanap-hanap nila.


Tandaan, ang gasgas na plot, pwede mong bihisan para magmukhang bago. Katulad ng bagong setting, bagong conflict at mas interesting na personality ng mga characters. Nasa sa iyo 'yon kung paano mo bibigyan ng bagong timpla ang nakakaumay nang mga plot na hanggang ngayon ay bumebenta pa rin sa masa.


Pero kung ikaw ay isang writer na gusto talagang magsulat ng kakaiba at unique na plot, okay na okay 'yan. Hindi kita pipigilan at bagkus ay susuportahan pa kita. Basta lagi lang nating tatandaan na sa tuwing magsusulat tayo, naroon pa rin ang elemento ng 'realism'.

Tips for Aspiring WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon