20 Questions with Camilla of PHR

3.7K 116 25
                                    

Hello guys! Kumusta? Na-miss niyo ba ako? Ako yes na yes! I'd like to apologize sa aking biglaang pagha-hiatus dahil naging busy sa work. I am now working as a Senior High School Administrative Assistant II here in Leyte. Sosyal pakinggan ang position pero in reality clerical job siya. Katulong ang madam niyo! Hahaha.


Anyway, bilang pagbabalik ko dito sa mundo ng Wattpad. Ife-feature ko ang favorite writer ko sa PHR: si Armine Rhea Mendoza aka CAMILLA. Si Camilla lang naman ang "Prolific Writer of the Year" ng PHR for almost a decade. Halimaw sa pagsusulat si lola Cams. Ang bilis niyang magsulat kasi focused siya sa craft niya. How I wish sana ma-imbibe ko ang kasipagan niya. Anyways, eto na...


Pampa-inspire sa ating lahat. Kinuha ko 'to sa Facebook account niya with her blessing naman. So heto na nga, 'wag na nating patagalin pa. Enjoy reading at sana ma-inspire kayo kay Lola C!


*****


1. Paano po kayo nagsimulang magsulat?
• Teenager pa ako. Wala pang blogs, nagba-"blog" na ako sa magazine. Sa Tagalog naman, yung pinsan kong mahilig magbasa, tinambakan ako ng babasahin at pinag-try na magpasa. Yung una kong pinagpasahan ng manuscript, inalok ako ng publisher na maging parte ng editorial staff. The rest is history.


2. Nasa dugo n'yo po ba ang pagiging manunulat?
• Sa creative writing, hindi ko sure. Pero may mga tito ako from both sides na journalists -- sa broadcasting sa mother's side at print naman sa father's side. Tapos, dati tanda ko may na-mention yong isa kong tiyahin na may 2nd cousin daw akong writer din. Hindi ko na-find out kung sino.



3. Ano po ang nag-i-inspire sa inyo para magsulat?
• Wala, parte na ng pang-araw-araw na buhay -- parang pagkain, pagtulog, paghinga, pagbabanyo, ganoon! Seryoso, siguro yung mga lugar na gusto kong marating.


4. May mga seremonyas po ba kayo bago magsulat?
• Wala naman masyado maliban sa online window shopping at mock booking. Kailangan din nakapagkape na (saka yosi). Konting chika-chika. Kung minsan, kapag available ang mga alpha and beta readers, brainstorm muna. Warm up. Basa ng books. Tas kape na naman (saka yosi).


5. Bakit po napaka-private n'yo?
• Hindi ako private, paranoid ako - nature and nurture.


6. Sino po ang paborito n'yong authors?
• Umberto Eco, Gabriel Garcia Marquez, Jorge Luis Borges, Khaled Hosseini... sa mainstream I like Jennifer Armentrout.


7. "Buti po ambait n'yo."
• Oo, sa social media. Salamat.


8. Kapag hindi po kayo nagsusulat, ano po'ng pinagkakaabalahan ng isang tulad nyo?
• Nagbabasa, chumichika, rumaraket, kapag may nakakasama eh naglalamyerda rin, nakikipagharutan sa mga anak at mga pamangkin.


9. Pinaka-awkward moment bilang published author?
• Kapag nasa public place - lalo na sa malalayong lugar - at may nakakilala sa mga anak ko. Biglang may tatawag ng "Um!" and just recently, "Miu Miu!" Kaka-post ko ng pics nila pero adik ako at di mapigilan. Kaya dapat maghinay-hinay.


10. Ano po ang subgenre nyo?
• Sa ngayon gusto ko rom-com, pero sumusubok naman ako maski ano. Pati Pride Lit nga gusto ko rin subukan.


11. Sino po ang pinakamalapit na kapwa author/s sa inyo?
• Sa ngayon sina Maxine del Carmen at Gazchela Aerienne, may collaboration kasi kami kaya lagi kaming chikahan.


12. Ano po ang pinakaayaw nyong sulatin na kuwento?
• Action. Hardest ito - prone sa loopholes, daming research sa techni, kailangan naka-profile nang mabuti ang mga characters, etc. In short: matrabaho.


13. Ano po ang pinakagusto nyong sulatin?

•First Page, hehe.


14. Tips para sa mga gusto ring magsulat?
• Magsimula na kayo. Ika nga, just do it.


15. Bakit ka tinawag na "Lola" ng mga readers mo?
• Hindi ko maalala, basta Friendster days pa lola na ako.


16. Kung hindi po kayo naging manunulat, ano po kaya ang naging propesyon nyo?
• Journalist o child psychologist malamang. Gusto ko pa rin tuparin itong huli. I have kept in touch w/ my friends from the field at nai-inspire ako sa kanila. I am proud of how successful they've become.


17. Ano po ang ginagawa n'yo kapag may writer's block kayo?
• Tumutunganga.
• Kumakarir sa ibang raketship.
• Nasi-stress.
• Nagbi-beast mode.
• Nagba-blog.
• Lumalayas.
• Nagbe-beta read.
• Nagbabasa ng NA fiction.
• Chumichika sa kapwa writers.
• Sumasagap ng chismis sa mga pamangkin ko. Marami kang mapupulot na ideas sa kanila.
• Nakikipagchikahan tungkol sa paborito kong topic: Kababalaghan.
• Nanonood ng documentaries sa Youtube.
• Nagbabasa ng travel blogs.
• Nagwi-window shop sa websites ng Gucci, LV, atbp pampa-inspire.


18. Title ng unang librong na-publish as a romance author?
• Di ko na ata tanda... Yung sa PHR - "If I Let You Go." Dahil sa pagkahumaling ko sa Westlife. Pero hindi ito ang una kong ipinasang kuwento. Hindi ko rin tanda ang title.


19. Sino po ang pinakauna n'yong na-meet na author sa personal?
• Dr. Cirilo F. Bautista (2 decades before he became NATIONAL ARTIST!!! *gasp*) and Butch Dalisay (). Sa PHR, si . Na-starstruck ako sa kanya.


  20. Sino ang una n'yong naging mga kaibigang authors?
• Oldest friends ko sa industry ay sina , and Elaina Larusso. 18 years!


  *****

Kagaya ni Lola Cams, kaya niyo ring makagawa ng maraming maraming books! Sulat lang nang sulat! ^_^


Follow her on Wattpad: PHR_Camilla

Tips for Aspiring WritersWhere stories live. Discover now