Random Post #6

4.9K 162 15
                                    


Kaninang madaling araw hindi ako makatulog kaya napa-post ako sa Facebook account ko ng: "Dahil hindi pa ko inaantok, let's play a game. and I'll answer it as honest as I can. Hahaha. :D"


At ito ang mga questions na natanggap ko...



1. From Limuel Pena Huet: "How to be a great writer? Share your secrets Madam."

               Answer: Honestly I don't know. Dahil malayong malayo pa ako sa pagiging great. Despite the number of books I've already published, feeling ko baguhan pa rin ako. Hanggang ngayon aral pa rin ako nang aral ng mga bagay na may kinalaman sa pagsusulat. Every day is still a learning process from me. And hey, this is a good step right? A good way to achieve being a good writer.

                Limuel: Para sa amin pong tumitingala sa kahusayan ninyo sa pagsulat madam, You're really a great one. 



2. From Cherry Sarmiento: "If you will be given a chance na maging isang tunay na babae, sino ka at bakit? (Pwede pong celebrity)"



3. From Jheang Jheang: "Ako ate aivan pa tanong lang din po. Kung papipiliin kayo na magsulat ng isang storyang may kinalaman sa sakit ng pilipinas, ano iyon at bakit?"

               Answer: Sakit ng Pilipinas? Like negative traits ng mga Pinoy? I guess ang pagiging tamad. Daming Pinoy na asa lang nang asa sa ibang tao, kamag-anak at sa gobyerno.



 And the rest of the questions came from Rayne Mariano aka @Pilosopotasya :)


4. "Anong na-feel mo nung dumagsa mga wattpad published books?"

               Answer: Honestly, I had mixed emotions. Masaya at proud ako sa mga writers na nabigyan ng chance na ma-publish ang mga obra nila galing Wattpad. Then there came a time na sunod-sunod na ang paglabas ng mga Wattpad books at natabunan na kaming mga traditional writers... that's tge the time na nakaramdam ako nang kaunting inggit. Pero hindi rin nagtagal ang inggit kasi pinaalala ko sa sarili kong hindi naman kasalanan ng mga wattpad writers na iapproach sila ng mga publishers. But all in all, masaya ako dahil sa Wattpad, nabuhay muli ang hilig ng karamihan sa mga teenagers na magbasa.



5. "Anong na-feel mo sa experience mo sa buong PHR (Precious Hearts Romances) experience mo?"

               Answer: Aminado akong dream publishing house ko ang PHR. Even until now, love na love ko pa rin ang PHR. Masaya ang experience ko with them kahit apat na beses nila akong nireject before. But still I'm glad because of those rejections, I've learned a lot.



6. "Anong natutunan mo sa buhay in a hard way, tapos expound?"

               Answer: That there is one thing money can't buy: and that is TIME. When I lost 2 of my brothers in just one month, doon ko lang totally na-realize na kapag wala na ang taong mahal mo sa tabi mo, kahit anong pagmamakaawa at pagsisisi mo, hindi mo na maibabalikang panahon. And I regret not being able to say I love you to my siblings when they were still alive. I didn't have the chance to make them feel how much I really love them. Maraming beses ko nang naisip na if I could only bring back time I would do this and that. But sad fact is, I can't.  

Tips for Aspiring WritersWhere stories live. Discover now