Chapter 5

74.5K 1.7K 295
                                    

A sweet smile flashed on Miracle's lips when she heard the main door opened. She knew that Trigger is already home. Mabilis niyang pinunas ang basang kamay sa apron bago lumabas ng kusina.

She was about to approach her husband when she saw a woman beside him. Agad na natigilan si Miracle habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Trigger," she called his name softly.

Walang reaksyon na lumingon ang asawa sa kaniya. "Prepare lunch for us."

Ngumiti ang babaeng katabi nito. "Is she your maid? She's too pretty to be your maid."

Kinagat ni Miracle and ibabang labi nang marinig ang sinabi nito. She doesn't even know that Trigger has a wife. Great. This is the first time that Trigger brought a woman inside their house, first time. And it hurts her so much.

"What the hell are you doing? I said prepare food for us!" Napakislot si Miracle sa sinigaw ng asawa.

Nang lagpasan siya ng dalawa, mabilis niyang hinawakan ang braso ni Trigger para pigilan ito sa paglalakad. "Trigger, who is she?"

Galit na tinaboy ng lalaki ang kamay niya. "You don't care. And I won't tell you. You don't have any rights to question me so fuck off."

"I am your wife, kaya bakit ka nagdadala ng ibang babae sa bahay natin?" humihikbing tanong ni Miracle dahilan para manlaki ang mga mata ng babaeng kasama ng asawa niya.

Trigger massaged his nape, anger filled his whole system. Agad na napapikit si Miracle nang hablutin nang marahas ng lalaki ang braso niya.

"You are my wife? Since when? I never love you, Miracle. You're just a whore for me, a con-artist, the woman who ruined my life. Kahit saang banda tingnan hindi kita ituturing na asawa." Sunod sunod na napahikbi ang babae habang nakayuko pa rin. "You should be happy that I am your husband. 'Diba't pera lang naman ang habol mo? How I wanted to slap your pretty face with million dollars so you can get out from my life. But I rather see you suffering."

Matapos sabihin 'yon ay pumanhik na ang asawa kasama ang babaeng pinagmamasdan siya. Miracle wanted to hate that woman, pero sa nakikita niyang tingin nito sa kaniya, lamang ang pagkaawa sa sitwasyon niya. She has no reason to hate that stranger at all.

She's not like her husband, she doesn't have any rights to hate someone without knowing that person personally. Hinding hindi siya tutulad sa asawa niya.

Miracle sat on the sofa while crying silently. Sinapo niya ang mukha para punasan ang mga luha sa pisngi niya. She can't handle these things easily. Kaya niyang tiisin ang pananakit ng asawa niya, ang pagsasabi nito ng kung anu-ano. Pero ang makita na nagdadala ito ng babae sa bahay nila, it doesn't make sense at all.

Kahit nanghihina ang loob ay sinubukan humakbang ni Miracle papaakyat. She heard a noise coming inside their bedroom kaya dahan dahan siyang lumapit doon.

Tuluyan nang bumagsak ang mga bagay na pinaghahawakan niya nang marinig ang ungol ng babae mula sa loob.

Miracle covered her mouth to stop herself from sobbing.

Great. Her husband is having sex with someone. Inside their own bedroom. On that bed where they used to sleep together.

Mabilis na naglakad si Miracle para pumasok sa guest room. When she locked the door, doon na bumuhos ang sakit at mga luhang tinatago niya. Humagulhol siya habang tinatakpan ang magkabilang tainga.

Wala siyang ibang marinig kung 'di ang ungol ng babae, ang mga masasakit na salitang binibitawan ng asawa niya, at ang pananakit ng tatay niya sa kaniya.

"You will marry Trigger, Miracle. 'Yon lang ang saysay mo sa buhay namin ng nanay mo kaya wala kang magagawa!"

"D-Dad. I don't get it. Bakit po ako kailangang ikasal sa taong hindi ko kilala?"

"I said stop asking!"

Mas lumakas ang hagulhol ni Miracle nang maalala kung paano siya pagbuhatan ng kamay ng sariling ama matapos niyang subukang komprontahin ito. Hindi niya makakalimutan ang sakit sa tuwing humahampas ang mabigat nitong kamay sa pisngi at mga braso niya. 

Her own father locked her inside a room with no bed at all. Her parents starved her for 1 week. Natulog siya sa malamig at matigas na sahig sa loob ng isang linggo. Tiniis niya ang lahat ng 'yon para lamang pigilan siyang magreklamo.

Sa lahat ng 'yon, wala siyang sinabi. She accepted her fate, she accepted all of it. Isa lang siyang laruan na gagamit gamitin ng mga magulang niya para mapalago ang negosyo nila. She's a puppet. She's never been their daughter. She's only a gem when she become useful.

Hindi niya alam kung saan nagmumula ang galit ng mga taong ito sa kaniya. She never tried hurting them. She never break any of their rules. All she ever did was to love her parents and Trigger, to understand them. Kahit ilang taon pa ang abutin, handa siyang magtiis hanggang sa matanggap ng mga ito na importante rin siya.

Pero unti unti na siyang napapagod.

Ngayong nagdala ng babae ang asawa niya at nakipagtalik pa rito. Parang pinapamukha lang kay Miracle na isa lang siyang disenyo sa buhay ng mga mayayamang tao. Miracle's just a small diamond compare to these big golden people. 

She'll never be a gold. She'll never be someone's treasure.

That's the fate she need to accept.

Nakagat ni Miracle ang ibabang labi nang maramdaman ang paghilab ng tiyan. Sinabunutan niya ang sarili nang maalala ang batang nasa sinapupunan niya.

Hindi siya dapat nagpapakahina, hindi siya dapat nagpapaapekto. May isang munting sanggol na nasa loob ng tiyan niya at kailangan niyang pangalagaan.

"Maybe if they won't treat me like a human at all, maybe they'll admire you, baby. I can't wait to see you face this world. I'm sure everyone will like you," she whispered softly while caressing her tummy.

Pinikit ni Miracle ang mga mata nang tumama ang sinag ng araw sa mukha niya.

"When will these people I love treat me like a human?" she whispered. "I'm waiting for the sign. I'm patiently waiting. If not because of my baby, I would give up already. But I can't. I need to hold on. This baby deserves to see the world, this baby deserves to live. Kaya titiisin ko. Kahit pagod na pagod na ako." She cried silently as she pray inside her mind.

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Where stories live. Discover now