Chapter 57

73.4K 1.3K 111
                                    

This chapter is a flashback five years ago

---

"Gusto n'yo raw ho akong makausap sabi ng apo ko?" Bumaling si Trigger sa maliit na kubo nang marinig ang boses ng matanda roon.

Yumuko siya nang kaonti dahil sa katangkaran. "I'm Trigger Knights. I wanted to ask you about something."

Tumawa nang alanganin ang matanda. "Buti na lamang at nakakaintindi ako ng english, ijo. Halika, sige, maupo ka muna. Ano ba ang itatanong mo?"

They both sat down on the wooden chair as Trigger observes the old woman.

"Do you still remember Miracle Heaven? I heard you are her favorite maid," panimula niya.

Bakas ang tuwa sa mukha ng matanda nang marinig ang pangalan na 'yon. "Ay oo naman, ijo! Siya rin ang pinakapaborito kong alaga. Napakabait at napakaganda ng batang 'yon, nagtataka nga ako kung nasaan na siya simula nang magka-asawa siya. Hindi ko na siya ulit nakita."

"I'm actually her husband," he said.

Mukhang nagulat pa ang matanda sa inanunsyo niya. "Ay gano'n ba? Napakagwapo naman pala ng napangasawa ng alaga ko, bagay na bagay talaga kayo! Nasaan na nga pala siya? May anak na ba kayong dalawa?" natutuwang tanong nito.

He shook his head. "I'm actually here to ask about her relationship with her parents. Sinasaktan po ba siya ng mga magulang niya noon?"

Nang makita ang biglang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng matanda ay nakumpirma ni Trigger ang hinala.

"Buti at natanong mo 'yan, ijo. Kahit ayokong balikan ang kalupitan ng mga amo ko noon ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kung anong naging epekto no'n kay Miracle. Para masagot ang tanong mo, oo, maraming beses. Sa simpleng pagkakamali lang ng alaga ko ay ikukulong agad nila ito sa isang kwartong walang kama at hindi pakakainin ng isang araw. Ginagawa ko ang lahat para pumuslit at mabigyan si Miracle ng pagkain at nagagawa ko naman. Awang-awa ako sa bata na 'yon kaya minahal ko na rin nang sobra. Kahit sinasaktan siya ng mga magulang niya ay napakamasiyahin pa ring bata."

He can feel the anger that's building up inside him while listening to the old woman. Pakiramdam niya ay gusto niyang hablutin mula sa kulungan ang dalawa at sakalin ang mga ito hanggang mamatay.

"Mayroon pang isang beses. Ilang buwan bago siya ikasal sa 'yo, napagtaasan ng boses ni Miracle ang mag-asawa dahil ayaw niyang makasal sa taong hindi niya kilala at mahal. Bigla na lang siya kinulong ng mga magulang niya sa isang kwarto at isang linggong hindi pinakain. Kahit anong gawin ko na pagpuslit para kang mabigyan ng pagkain si Miracle ay hindi ko magawa dahil nahuhuli ako ni ma'am Olivia. Dahil sa pagtatangka ko na tulungan ang alaga ko ay nasisante ako. Pero gabi-gabi, naririnig ko ang iyak ni Miracle dahil sa gutom, pagod at takot."

Ngumiti nang mapait sa kaniya ang matanda. "Kaya gusto kong alagaan mo ang batang 'yon dahil marami na siyang napagdaanan. Sobra-sobra na lahat ng sakit na naranasan niya sa kamay ng nga magulang niya kaya huwag mo sana siyang pagbubuhatan ng kamay."

He never did, and he will never do that. Hindi niya kayang gawin 'yon.

Trigger took a deep breath before taking the picture from his pocket. He handed it to the old woman.

"Have you ever seen Miracle holding that stuff toy?"

Natutuwang tumango ang babae. "Natatandaan ko 'to, sobrang importante nito kay Miracle dahil bigay sa kaniya 'to ng kababata niya. Sandali, ijo."

Lumingon ito sa kubo. "Rojan! Ijo! Pakikuha naman ng pulang kahon sa ilalim ng kama ko."

Ilang sandali pa ay lumabas ang binata mula sa kubo at binigay ang pulang kahon sa matanda.

Nakangiting binuksan iyon ng matandang babae. "Ito, ijo. Tinabi ko talaga ang stuff toy na 'to dahil alam kong importante 'yan kay Miracle."

Trigger couldn't believe it with his own eyes. Hindi makapaniwalang hinawakan niya ang laruan na nilahad ng matanda.

It looks exactly the same way when he gave it to Racle back then.

All this time, his first love, Racle, is also his wife, Miracle Heaven.

Matapos kausapin ang matanda at makumpirma lahat ng kailangan niyang marinig, agad siyang dumiretsyo sa kulungan kung nasaan ang mag-asawang Fortalejo.

He already filed a case against them for killing an innocent child and for faking his signature in that waver he never signed.

He sat on the table as he patiently wait for those ass holes to arrive.

Nang makita ang dalawa na naglalakad papalapit ay agad na yumukom ang mga kamao niya.

Olivia smiled at him sweetly. "Nandito ka ba dahil naisip mo nang iurong ang kaso? Kailan ang labas namin ulit?" walang hiyang saad nito.

"We can help you with your business, Trigger to pay back to your kindness," dagdag pa ng isang makapal ang mukha na si Benedict.

Trigger clenched his jaw before placing the papers he's holding on the table. Those are Miracle's medical records.

"I'm not planning to let you live a good life outside the jail. I went here to fucking tell you that you'll never have the chance to see the outside world. Those are Miracle's medical records and I found out that she developed a fucking disorder because of trauma. A trauma that you fucking caused to her. Sa tingin n'yo pagkatapos ng mga nalaman ko ay hahayaan ko kayong makita na humihinga nang matiwasay?" galit niyang saad.

He slammed the table before looking at them with his sharp eyes. Ngunit kahit gaano pa katalim at katapang ang mga mata niya. Hindi pa rin nakatakas ang mga luha roon.

He looked at them with anger, while crying, as he remembered what Miracle has to experience in the arms of these two.

"Because of the two of you, Miracle see me as a horrible monster. Dahil sa inyo kaya nasira kaming dalawa. If it wasn't because of your evil act, sana hanggang ngayon kasama ko pa rin ang asawa ko at naalagaan ko siya. Sana hanggang ngayon buhay pa rin ang anak naming dalawa!"

He clenched his fists. "Because of the two of you, I failed protecting the child I promised to protect when we grew up. I failed protecting the woman I love most. Dahil sa inyo, hindi ko magawang maging masaya ngayon sa isipin na galit sa akin ang babaeng pinakamamahal ko hanggang ngayon!"

He stood up from his seat to look at them for the last time. "I don't know what I would do right now without Miracle by my side. She's my life but you took her away from me. At bilang bayad sa lahat ng 'yon, I'll do everything to witness the two of you crying and suffering."

KNIGHTS I-6: Pursuing Cinderella (Trigger Knights)Where stories live. Discover now